Chapter 9: Talk Chantelle's POV "Bakit ito pa yung binigay mo?" Sabi ni Chann. Nandito kami sa garden ngayon. Yung iba, nasa loob at tinatapos ang pag-luto ng mga pagkain para sa noche buena mamaya. "Wala lang. Gusto ko lang na maalala mo pa rin sila kahit wala na sila." Sabi ko. "This is bullshit, Chantelle." Sabi niya. Akmang iha-hampas niya sa damuhan yung niregalo ko nang pigilan ko siya. Bullshit bullshit pero halata naman na affected siya eh. Yung niregalo ko sakanya? 'Di naman ganun ka-bongga. Picture frame na may picture ng parents niya nung buhay pa ang mga ito. Masaya pa yung Chann na nasa letrato. Normal pa ang Chann na 'yun. Pala-aral, consistent honor student, matino. Hindi yung Chann na ganito. "Chann, hindi naman nila kasalanan kung maaga ka nilang iniwan diba? W

