Chapter 4: Flashback
Chann's POV
Nakita ko si Chantelle na lumabas sa bahay niya kasama yung epal na aso'ng si Bells.
~___~ Ano bang klaseng utak meron siya? Matalino naman siguro diba? Naka-ilang course na nga siya eh. Pero bakit lumabas pa rin siya ng bahay, eh alam na nga niyang umuulan ng snow?! Tss. Pahamak talaga 'tong si Chantelle =____=
"Oh bakit mukhang galit ka nanaman? o____o" Sabi ni Kyungsoo
"Kung hihithit ka lang rin ng droga, please lang. Wag sa harapan ko! Temptation eh! (ノ-'_'-)ノ" Sabi ko.
"Tss. Kung ba't ka kasi tumigil.. Ang saya kaya (o'ω`o)" Sabi niya.
"Pakyu =___= Tumigil ako dahil ayaw ni Chantelle sa mga lalakeng adik." Sabi ko.
"Weh? Eh friends naman kami ah? Tss. Suite yourself. Pero tandaan mo, lahat ng bawal, masarap (¬‿¬)" Sabi niya.
Umalis siya sa harap ko at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
=___= Malala na ang tama ni Kyungsoo.
Kinuha ko yung makapal na jacket na nasa sofa at tumungo sa kwarto ko para kumuha ng scarf at isang winter hat.
Lumabas ako at sinundan ko si Chantelle. Medyo malayo na siya pero at least, naabutan ko pa rin.
San naman kaya pupunta 'tong babaeng 'to? =____=
Napatigil ako nang makita ko kung sino ang pinuntahan niya sa may park.
Ah. Kaya pala..
Ano nanaman bang meron? Hindi pa ba siya nag-sasawa sa sakit?
Oo, nauna si Frease. Siya ang sinagot ni Chantelle dahil siya ang unang umamin at pumorma.
Torpe ako noon kaya ayan, naunahan ako ni Frease.
Akala ko nga may pag-asa na 'ko kay Chantelle kaya umamin ako agad sakanya pagkatapos nilang mag-break. Pero wala. Hanggang ngayon, wala pa rin nangyayari.
Ang sabi kasi nila, kung mahal mo, sabihin mo na agad dahil baka maunahan ka pa ng iba. Kaya nung naunahan ako ni Frease, sobrang nag-sisi ako noon. Akala ko nga, seseryosohin na ni Frease si Chantelle. Tumagal ba naman sila ng dalawang taon eh ~____~ Worst years of my laaaayp!
Pero wala, gago ang walangya. Tss.
Ang swerte na nga niya kay Chantelle, nagawa pa niyang gaguhin.
Alam mo yun? Yung babaeng pinapangarap mo, binabasura lang ng iba.
Ay basta. Ayoko nang maalala yung mga nangyari noon. Nakaka-sakit ng heart. Tss.
Napatingin ako ulit sa gawi nila.
Pero sana, hindi nalang ako tumingin.
*Now Playing: Maybe by Side A*
♪♫ Maybe it's wrong to say please love me too
'Cause I know you'll never do
Somebody else is waitin' there inside for you
Maybe it's wrong to love you more each day
'Cause I know he's here to stay
But I know to whom you should belong
Punyeta. Bakit may kissing scene?!
Ganun ba talaga ako ka-hirap mahalin? Ganun ba talaga niya kamahal si Frease?
Malandi si Frease. Malandi rin naman ako pero kaya kong mag-bago.
Hindi ako matino. Oo! Talagang inaamin ko na 'di ako matino. Pero pucha! Kaya kong maging anghel para sakanya.
Tapos.. Siya pa rin pala? Sakanya pa rin pala ulit?
Tanginang buhay 'to.
Nag-lakad ako palapit sakanila nang makita kong paalis na si Chantelle. Gusto kong sapakin si Frease eh.
Pero, napatigil ako nang marinig ko yung sinabi o sabihin na nating SINIGAW ni Frease..
"Pero.. Mahal pa rin kita. Mahal pa rin kita, Denise.." Sabi ni Frease sabay yakap sa likuran ni Chantelle.
Punyeta. Kung mahal mo, BAKIT MO GINAGO?!
Lumapit pa ako pero nakaramdam ako ng matinding galit o selos nang yakapin ni Chantelle si Frease.
Ganun nalang ba yun? Kapag sinaktan ka, sabihan ka lang ng "mahal pa rin kita", agad ka nalang bibigay?
Na kahit gaano pa kalaki ng kasalanan sayo, kahit ginago ka pa. Konting landi lang, kakalimutan mo na yung kasalanan niya?
Tangina. Eh sana pala, 'di nalang ako umasa.
Ang gago ko rin eh. Umasa ako na baka sakali, pwedeng maging ako.
Pero hinayupak na walangya! Wala pala talagang pag-asa.
Umalis ako dun. Narinig ko pang tumahol yung pesteng aso na yun.
Oh ano Bells?! Masaya ka na? Nag-balikan na yung dalawa mong amo.
Yung amo mong tanga at yung isa mo pang amo na putangina ~____~
Hindi muna ako dumeretso sa bahay, pumunta ako sa Badboy's Bar. Kailangan ko ng pampakalma.
Nasabi ko na ba na kami ang may-ari nitong Badboy's bar?
Nang makapasok ako ay tumungo agad ako sa isang table doon at umorder ng iba't ibang klaseng beer.
Punyetang buhay 'to.
Nilagok ko ng sabay sabay ang lahat ng alak na nasa mesa.
Lasing? HINDI AKO NALALASING.
Pero nasasaktan ako. Pucha. NASASAKTAN AKO!
-
3rd Person's POV
(Flashback: 2 years ago; Habang umiinom si Chann ay inaalala niya ang nangyari noon)
"Punyeta! Wag kang haharang-harang!" Sabi ni Chann sa mga taong sagabal sa daan.
First day na first day pero mainit na agad ang ulo niya.
Isa siya sa hinahangaan, kinatatakutan, at kinahuhumalingan sa Adameon University.
Kinatatakutan dahil basagulero si Chann. Kahit sino, basta hadlang sa trip niya, papatulan niya.
Kinahuhumalingan dahil GWAPO siya.
At
Hinahangaan dahil kahit 'di siya pumasok sa klase, lagi niyang nape-perfect ang bawat long exams. Mapa-midterms at Finals, nape-perfect niya.
Regular siya sa kursong Engineering, pero may isang dahilan siya kung bakit panay bagsak niya sa mga subjects. Kahit pumapasa siya, talagang gagawa at gagawa siya ng paraan para bumagsak lang.
At yun ay dahil kay...
"Hoy Chann, si Chantelle oh." Sabi ni Nikodem.
Sa labing dalawa, si Nikodem ang lagi niyang kasama. May kanya-kanya kasing business ang iba. Tutal first day pa naman kaya yung matitino, umattend agad ng klase, yung mga puro kalokohan ang alam, ayun, first day na first day, cutting agad.
"Tss. Iba nanaman course niya. May balak ba siyang ubusin lahat ng course dito sa Adameon?!" Sabi ni Chann.
"Yun na nga ang problema, Chann eh. Sa kaka-shift niya, panay rin ang pag-bagsak mo sa mga subjects. Dinamay mo pa kami =___= Dapat, regular tayo eh, lalo ka na! Mapasa mo ba naman lahat.. Pero walanjo ka! Talagang tinamaan ka ng lintek kay Chantelle!" Sabi ni Nikodem.
Napangisi si Chann.
"Naman! Mas gugustuhin kong maging irregular at sumabay sakanya na grumaduate kaysa iwan siyang mag-isa." Sabi ni Chan
"Para san pa't minahal ko yan kung iiwan ko lang rin naman diba?" Dagdag pa niya.
Simula palang noong highschool, mahal na ni Chann si Chantelle. Let's just say na kung saan si Chantelle, andun din si Chann.
Pero nag-bago ang lahat ng yun nang mamatay ang parents ni Chann. Naging pariwara sa buhay. Pabaya sa lahat. Pala-inom, basagulero, maging drugs, pinatulan niya.
Kaya nga magka-kasama silang labing dalawa sa bahay ni Chann eh. Para pare-pareho silang malaya. Malaya gawin ang kahit na anong gusto nila.
Pero kahit nagka-ganun ang buhay ni Chann, hindi pa rin niya kinalimutan si Chantelle.
Magkapit-bahay lang sila. Kaya naman, updated pa rin siya sa lahat ng gawain ni Chantelle.
Hanggang sa iwan si Chantelle ng mga magulang nito para matutong maging independent ang dalaga.
"Uy, teka! Si Frease ba yun? Mukhang mauunahan ka pa ata ni Frease ah?" Sabi ni Nikodem kay Chann. Napatingin siya ulit kay Chantelle at nakita niya si Frease na buhat buhat na ang mga gamit ni Chantelle.
Binalewala lang ni Chann yun dahil alam naman niyang hindi papatulan ni Chantelle si Frease dahil alam nitong malandi si Frease.
Kaya lang.. Isang araw..
"ANO?! KAYO NA NI CHANTELLE?!" Sabay sabay na sigaw ng sampu habang nasa hapag sila at kumakain.
Frease announced na official na sila ni Chantelle. Si Chann? Ayun. Tahimik lang.
Halos mabilis niyang naubos ang pagkain niya pagkatapos ay nilapitan si Frease.
"Alagaan mo yun. Pag nalaman kong ginago mo siya, aagawin at kukunin ko siya sayo." Sabi ni Chann.
Umakyat siya at tumungo sa kwarto niya para kunin ang susi ng kotse at umalis papuntang Badboy's bar.
Dun niya binuhos lahat ng galit niya. Galit nga ba? O pag-sisisi?
"Ikaw naman kasi. Ang bagal mo! Tss." Sabi ni Nikodem. Sumunod sina Sehun, Kyungsoo, Kai at Nikodem kay Chann dahil alam nilang mage-emote 'to ngayon.
"Sayang lang ang pinagsamahan niyo ni Chantelle. Simula noon, mag-kakilala na kayo. Ang laki na ng chance mo sakanya eh. Pero ano? Ikaw pa mismo ang nag-bigay ng daan para makuha siya ni Frease =___=" Sabi ni Kai.
"Sabi naman sayo eh. Wala kang makukuha kung totorpe-torpe ka (-_- )ノ" Sabi ni Kyungsoo na umiinom ng alak.
"Anong plano mo ngayon? Kung gusto mo, hanggang 3am tayo dito. Okay lang sakin. Basta ba mag-emote ka lang jan ╮(─▽─)╭"Sabi ni Sehun.
Tinignan lang siya nina Nikodem.
"What? Ang ganda kaya. Ang isang Chann Rylan Reyes, kinatatakutan, kinahuhumalingan at hinahangaan ng mga estudyante sa Adameon University, eto't nag-eemote dahil sa pagiging torpe o(≧o≦)o" Sabi ni Sehun.
Natawa lang si Chann.
Pinunasan niya ang mata niya at nilagok ang alak na hawak niya.
"Ako? Mag-eemote?! Asa! Madami pang babae jan! I can get as many as I want. Kahit sino pa! ('ω`)" Sabi ni Chann. Tumawa siya ng malakas.
"Mahirap magpretend na hindi ka nasasaktan." Sabi ni Kyungsoo.
"Nasasaktan? Ako?! MASASAKTAN?! Putangina. PAANO MO NALAMAN?! ('ヘ`;)" Sabi ni Chann.
Umiling lang silang apat sa inasal ni Chann.
-
Lumipas ang dalawang taon at halos bitawan na ni Chann si Chantelle dahil alam niyang wala nang pag-asa.
Umabot sila Frease at Chantelle ng dalawang taon. Ito ay isang patunay na pwede palang mag-tino (Kahit papano) at maging stick-to-one ang isang malandi't babaero na gaya ni Frease.
Pero akala lang pala ni Chann yun..
Dumating ang araw na naabutan ni Chann si Chantelle na umiiyak sa garden nito habang yakap yakap si Bells.
Hindi naman ito ang unang beses na nakita niya si Chantelle na umiiyak. Sa loob ng dalawang taon, lagi niyang nakikita si Chantelle na umiiyak.
At aware siya na si Frease ang laging dahilan nun.
Kaya nga tuwing iiyak si Chantelle, susuntukin ni Chann si Frease at sasabihin sakanya na wag maging gago.
Mukhang tumalab naman dahil matagal-tagal 'ring 'di umiyak si Chantelle. Pero heto siya ngayon, umiiyak nanaman.
Tumalon si Chann mula sa bakuran nila at nilapitan si Chantelle.
"Anong problema mo? Bakit umiiyak ka nanaman?" Sabi ni Chann.
Kahit naman gusto na niyang bitawan si Chantelle, hindi niya pa rin magawa. For how many years! Kahit pariwara ang buhay niya, naging loyal siya sa isang babae.
Kay Chantelle.
"Chann.. Si Frease. Break na kami ni Frease." Sabi ni Chantelle.
Niyakap ni Chann si Chantelle.
Dahil sa isang yakap.
Na kahit ilang taon mong kinalimutan ang nararamdaman mo para sa isang tao.. Sa isang yakap lang, bumalik ang lahat ng kinalimutan mo.
-
Kinagabihan, may malaking gulo ang naganap sa bahay ni Chann.
"HAYOP KA PALA EH! BAKIT MO GINAGO?!" Sabi ni Chann.
"ANO BANG PROBLEMA MO KUNG GAGUHIN KO SIYA?! BAKIT? IKAW BA YUNG NILOKO KO? DIBA HINDE?!" Sabi ni Frease.
Kasalukuyan silang nag-papalitan ng malalakas na suntok. Todo pigil naman ang iba sakanilang dalawa.
"TARANTADO KA PALA EH! DAHIL SAYO, NASASAKTAN SIYA NGAYON! DAHIL SAYO, UMIIYAK NANAMAN SIYA!" Sabi ni Chann.
"PAKIALAM KO BA?! KASALANAN KO BA KUNG NAKAKASAWA SIYA HA?! MASAMA BANG TUMIKIM NG IBANG LABI HA?!" Sabi ni Frease.
Halos dumilim ang paningin ni Chann at lalo pa niyang nilakasan ang pag-suntok kay Frease.
"PUNYETA KA! WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN SIYA! WALA KANG KARAPATAN NA GAGUHIN SIYA! WALA SIYANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA!" Sabi ni Chann.
"Wala siyang ibang ginawa kundi ang tiisin yang ugali mo! Wala siyang ibang ginawa kundi ang intindihin ka! Pero anong sinukli mo? PURO PANG-GAGAGO!" Sabi ni Chann.
Kinuwelyuhan ni Chann si Frease at halos manggalaiti na ito sa galit.
"Alam mo, kung mahal mo eh 'di sana pinaglaban mo! Sana sinabi mo sakanya! Pero anong ginawa mo? Hinayaan mong mapunta siya sakin." Sabi ni Frease. Nanlaki ang mata ni Chann.
"Hinayaan mong mapunta ang babaeng mahal mo sa isang tarantado at gago na tulad ko." Sabi ni Frease.
Hinawakan niya ang kamay ni Chann na nakahawak sa kwelyo niya at inalis 'to.
"Kaya wag mo'kong sisihin kung bakit nasaktan ko siya dahil nung simula palang, alam mo nang hindi ako mahilig mag-seryoso. Hindi ako stick-to-one na tao. Sana noon palang, sinagip mo na kaming dalawa! Sana sinagip mo na siya mula sakin at sana sinagip mo'ko mula sakanya! Dahil putangina, Chann! Ginawa ko ang lahat! Mahal na mahal ko si Chantelle! Pinilit kong baguhin ang nakaugalian ko!" Sabi ni Frease sabay punas sa luha niya.
"Pinilit kong baguhin ang sarili ko! Pero tangina! Hindi lahat ng bagay, nababago ng pucha'ng pag-mamahal na yan!" Sabi ni Frease.
"Mahal ko si Chantelle! God knows how much I love her! Pero lalake lang ako, Chann! Natutukso rin ako!" Sabi ni Frease.
Muli siyang sinuntok ni Chann pero medyo mahina na ito.
"Tama na, Chann!" Sabi ni Kris na hinawakan si Chann.
"Frease! Wag ka nang gumanti!" Sabi ni Nikodem na hawak-hawak si Frease.
"Itong tandaan mo. Hinding-hindi ako makakapayag na maka-lapit ka pa sakanya ulit. Kukunin ko siya sayo." Sabi ni Chann. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nina Kris at Kyungsoo.
"Aagawin ko sayo ang babaeng mahal mo pero ginago mo lang dahil sa pucha'ng tukso na yan!" Sabi ni Chann. Pumasok siya sa loob at iniwan silang lahat sa labas ng garden.
(End of Flashback)
-
Kinabukasan..
Nagising si Chann na nasa kwarto na niya ngayon.
Sinundo siya nina Sehun at Kai sa Bar kagabi dahil tumawag ang isang barista doon at sinabing nag-wawala raw si Chann.
Hinawakan niya ang ulo niya at nakaramdam siya ng matinding sakit. Hangover.
Wala siyang ibang matandaan kundi ang pag-alala niya sa nakaraan.
Bumaba siya at naabutan niya si Chantelle at si Milo na nag-uusap.
"Oh! Buti at gising ka na? Anong klaseng demonyo nanaman ang sumanib sayo at nag-wala ka raw kagabi sa bar? =___=" Sabi ni Chantelle.
Nilapitan naman ni Chann si Chantelle at hinawakan siya sa mag-kabilang balikat.
"Chantelle.. Bakit.." Sabi ni Chann.
"Ha? Hoy! Anong bakit? Anong pinag-sasabi mo j--" (Chantelle)
"CHANTELLE NAMAN! BAKIT?! BAKIT BUMALIK KA SAKANYA?! BAKIT--Konting landi lang.. Konting sabi lang na mahal ka pa rin niya, BUMIGAY KA AGAD?! GANYAN BA KA-LOYAL YANG PUSO MO SA MALING TAO?!" Sabi ni Chann.
O_____O ang sampu (Nikodem, Suho, Sehun, Kris, Chen, Tao, Lay, Kai, Kyungsoo at Frease) na nagsi-labasan sa mga lungga nila.
O_____O Si Milo na with matching nganga.
TT_____TT Si Chann
At si
=_____= Chantelle.
*SAPAK*
"ANONG PINAGSASABI MO?!" Sabi ni Chantelle.
"DIBA NAGKA-BALIKAN NA KAYO NI FREASE?! DIBA?! Tae naman, Chantelle! Ba---" (Chann)
*MAS MALAKAS NA SAPAK*
"Nag-balikan? Neknek mo! Hinding hindi na'ko makikipag-balikan sa gagong yun noh!" Sabi ni Chantelle.
"Eh--Bakit--Pa--" (Chann)
Lumapit si Frease at inakbayan si Chantelle.
"Tss. Inuuna mo kasi yung mga bagay na nakikita mo. Padalos-dalos ka. Hindi ka marunong manigurado sa mga bagay bagay." Sabi ni Frease na may evil-grin sa mga labi.
Kunot noo'ng tinignan ni Chann sina Frease at Chantelle.
Yung iba naman ay napa-iling at natawa sa inakto ni Chann.
Gets na kasi nila.
-
(Flashback: Frease and Chantelle moment from chapter 3)
"Pero.. Mahal pa rin kita. Mahal pa rin kita, Denise.." Sabi ni Frease.
Niyakap ni Chantelle si Frease.
"Wag na nating gawing komplikado ang lahat. Ok na tayo na ganito lang. Mag-kaibigan. Let's just stay this way, Frease. Tama na yung isang pagkakamali. Wag na nating dagdagan." Humiwalay si Chantelle sa pagkakayakap kay Frease at hinawakan ang mukha nito.
"Hindi lahat ng bagay, dapat bigyan ng second chance. Minsan, sapat na yung una." Sabi ni Chantelle.
Nginitian ni Chantelle si Frease.
"Oh ano? Tara na! Uwi na tayo! Lalong lumalakas yung snow eh. Baka magkasakit pa tayo! (^▽^)" Sabi ni Chantelle sabay akbay kay Frease.
Na-realize ni Chantelle na kung mag-babalikan pa silang dalawa, gugulo ang lahat. Mawawalan siya ng focus sa pag-aaral. At ang malala pa dun, baka masaktan nanaman siya.
Kaya mas okay na 'tong ganito. Mag-kaibigan sila. Walang commitment. No strings attached.
(End of Flashback)
"EH PAKYU KA PALA EH! BAKIT 'DI MO SINABI?! ヽ( )`ε'( )ノ" Sabi ni Chann sabay batok kay Frease.
"Aray ko naman! Kasalanan ko ba kung inuna mo yang kakitiran ng ulo mo? (╯_╰)7" Sabi ni Frease na hinihimas yung ulo niyang binatukan ni Chann.
"Kaya ka pala nag-wala't uminom kagabi (¬‿¬)" Sabi ni Sehun.
"Yan ang napapala ng mga chismoso! Bwahahahaha! (~ ̄▽ ̄)~" Sabi ni Nikodem.
Pinagtawanan lang nila si Chann na ngayon ay naka-kunot ang noo habang naka-pout.
"Tangjuice. Amp*ta. Peste =___= BUWISET!" (Chann)