CHAPTER 32 Magic NASAPO ko ang pisnging sinampal ni Mama. Narinig ko rin ang singhapan ng mga nakakita sa ginawa niya. “Ba’t ka nandito, Mikaia Fariento?! Ang sabi mo, magpapractice ka!” Nang nilingon ko si Mama, tuluyan nang tumulo ang luha niya. Sobrang galit siya ngayon. Nag-uunahan na rin ang mga luha ko dahil sa sakit at hiya. Nakakahiya dahil ang daming nakakakita sa ‘min ngayon kasama na ang ibang modelo. May mga mukhang naaawa sa ‘kin. Mayro’n din namang nakangisi. “M-ma, magpapaliwanag po ako—” Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Mama pero marahas niya lang na itinaboy ang kamay ko. Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso dahil do’n. Sobra na ‘kong nagsisisi. Da’t pala, sinabi ko kaagad kay Mama. “I’m sorry, Ma.” “Nagsinungaling ka pa talaga sa ‘kin, huh, Mikaia?! Umuwi na

