CHAPTER 34 Nakaw “MIKAIA, mauna ka na,” utos ni Raeyoo sa ‘kin. Nanatili akong gulat sa kinatatayuan ko. Namali ba ‘ko ng pagdinig? ‘Aia’ ang sinabi ni Phoebus pero… ba’t si Raeyoo ang gusto niyang kausapin? Alam ko! Alam kong ini-deny ko ‘yon kay Phoebus noong minsan ay tawagin niya ‘kong ‘Aia’ pero… Naguguluhan ako sa nangyayari kaso’y hindi na ‘ko nagkaro’n pa ng oras para maklaro ang isipan lalo pa noong naramdaman kong mag-init ang kwintas. Oh my gosh! Mags-start na yata ang third mission! Ngayon pa talaga! Kaya kahit ayaw ko pa, kumaripas na ‘ko ng takbo para magtago. Ngunit sa huling pagkakataon, sinubukan kong sulyapan ang pinsan ko at ang bebe ko. magkatabi siya habang naglalakad palayo kay Steph para siguro mag-usap nang pribado. Aia… Alam ko namang hindi malabo na

