Bullet Andrei Farenn

203 Words
Danger Zone Series: Bullet Andrei Farenn Naluluhang nakatitig ako sa kanya habang katabi niya si Hannah. Hindi ko yata kayang tiisin ang paraan ng pagtitig sakin ni Bullet, parang diring diri siya sakin. "Anong ginagawa mo dito?" mapang insultong tanong nito sakin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil siguradong halata na sa mga mata ko na paiyak na ko. "Leave, ayokong makita ka." malamig na sabi ni Bullet. Napatango na lang ako at nanginginig ang mga tuhod na lumabas sa kwarto niya. Naiiyak na napasandal ako sa pader. Pinahid ko ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi ko. "Wala ka ng ipagyayabang. Nakakaalala na si Bullet at ang masaklap pa niyan, nakalimutan na niya ang tatlong buwan na pinagsamahan niyo." napalingon ako kay Hannah. Hindi ako nakapagtaray o nakasagot sa kanya, wala akong karapatan. "Layuan mo na siya Sarah, wag mo ng guluhin ang utak niya dahil siguradong ako na ulit ang mahal niya. Well, I'm his fianceé after all." ngumiti ito ng matamis sakin at pumasok na ulit sa kwarto ni Bullet. Napaupo na lang ako sa sahig. Kahit na hindi na niya naaalala ang mga pinagsamahan namin, ayos lang. Mahal ko pa rin siya. Pero sa tingin ko dapat na talaga akong umiwas sa kanya, kahit masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD