Si Jessica ang pinakamalapit, kaya dito si Gabby ang unang lumapit. May maingat na ngiti siyang kinamayan ito at nakipag-beso-beso. Ibinigay ni Gabby ang pagbating kasing-ayos—magalang, ngunit may bahagyang bigat. “Babe, help me up,” sabi ni Lexie kay Lucas sa tabi niya. “May bisita tayo and I can’t even greet them properly.” Napalingon si Gabby. Lexie was heavily pregnant. Umiling siya at sinenyasan itong maupo na lang. Gabby took the opportunity para mapalayo kay Matt. Lumapit siya kay Lexie at naupo sa tabi nito, bringing Chico to sit on her lap. “Daddy, put me down,” pakiusap ni Mango, at sumunod din sa ina. “Your tummy is biiiiig,” sabi ni Mango nang makalapit. Gumuhit pa siya ng malaking bilog gamit ang dalawang kamay, ikinatawa ni Lexie. “You want to feel it?” tanong ni Lucas.

