Kung malakas na pagkabog lang din naman ng puso ang labanan sa buhay ay malamang nasa unahan na ako at laging champion. Ang maamong tingin ni Ma'am Mercedes sa akin noon ay biglang nagbago habang nakatingin ako sa kanya ngayon. Kung hindi siguro hinawakan ni Youseff ang kamay ko ay hindi titigil ang kamay ko sa panginginig sa sobrang kaba. Wala naman kasing umasa sa aming dalawa na susulpot bigla ang senyora dito sa bahay. Oo, napag-usapan na namin na sasabihin kay Ma'am Mercedes, bukod pa doon ay naghahanap din kami ng tiyempo na ibalita ito sa senyora. Hindi naman kasi madaling i-absorb ang lahat ng balita na pwedeng yumanig sa pagkatao natin. I swallowed hard while looking at Ma'am Mercedes, nasa opisina kami ng bahay ni Youseff. Hinayaan muna kami ng senyora kanina na magbihis dahil

