Buong akala ko ay kasama si Romeo sa pagpunta sa Pampanga. Isang malaking pagkakamali pala dahil ang kasama ko sa sasakyan ngayon ay si Youseff. Hinintay pa niya ako sa kompanya bago kami tumulak dalawa papuntang Pampanga. Higit pa roon ay kaming dalawa lang sa sasakyan habang nagmamaneho siya. Kung ilang beses kong pinili na huwag lumingon sa kanya buong biyahe ay halos nakalimutan ko na. Pinilit kong i-focus ang tingin ko sa daanan lamang para hindi ko masalubong yung tingin niya. Ang kaso nga lang ay mukhang natunugan niya yung hindi ko paglingon-lingon sa kanya. "You seem so quite." Puna niya sa akin. Mabilis ang ginawa kong paglingon sa kanya bago umiling. Wala naman kasi akong maitanong sa kanya dahil masyadong nakaka-overwhelm yung presensya niya. Natatakot din ako na baka naba

