“B*tch talaga ‘yang si Jasmine! Nanggigigil ako sa fake na iyon!” ang nanggagalaiting saad ni Shane nang sabihin ni Agatha na mukhang hindi magtatagal ay mapapatalsik na siya sa villa.
“Me, too! Gusto kong hilahin ang buhok ng babaeng ‘yon. At hindi mo na kami mapipigilan, Agatha. Igaganti ka namin sa mismong araw ng birthday party niya. We can stage it up nang sa gayon ay hindi tayo malagot!” saad din ni Kattie na tila lumalabas ang mga malademonyang ideya.
Huminga na lamang nang malalim si Agatha at muling rumehistro ang pait sa kaniyang lalamunan.
Masiyadong makulay sa paligid dahil sa mga neon lights. Naghahalo ang pula at asul na liwanag habang malakas ang tugtog na sumasakop sa buong bahay. But somehow it still fails to take away Agatha’s misery.
“Ugh! I really hate that fake ass b*tch,” halukipkip ni Shane at inisang tunggan ang whiskey nito.
Nandito sila sa party sa bahay ni Dominic Esteban. Kataka-taka pa rin para sa kaniya at nakakalito kung paanong pamangkin sa pinsan ito ni Mr. Scammer, na mayroong pangalan and she should call Trenton by now.
Dominic is a social butterfly. Marami itong barkada hindi lang mula sa program nito. He’s apparently rich, kaya hindi maiwasang mapaisip-isip ni Agatha Ruth. But that’s completely mean, right? Ang isipin kung bakit mayaman si Dominic tapos ang tiyuhin nitong si Trenton ay… humble background.
Life is different for everyone. And she has no business knowing about it, anyway!
Mukhang hindi naman alam nina Shane at Kattie ang mga personal na impormasyon tungkol kay Trenton. All they know is that he’s Dominic’s uncle. Magpinsan daw ang papa ni Dominic Esteban at si Trenton.
“You know what? Magsaya na lang tayo ngayong gabi! Come on, Agatha,” ngiting anyaya ni Kattie na tila may naiisip na paraan upang maging masaya siya.
“Alam mong nandito lang ako para bantayan kayo ni Shane, Kattie,” walang kabuhay-buhay na ani Agatha.
“Exactly! Lagi na lang ganoon. Come on, loosen up! Huwag kang mag-alala dahil ikaw naman ang babantayan namin, Agatha. Hindi ka mapapahamak kung magsasaya ka kahit kaunti lang,” sabi naman ni Shane na bumaba na rin sa counter upang daluhan ang ideya ni Kattie.
Hinawakan ng dalawa ang kaniyang mga kamay upang igiya kung saan, to the heart of party lalo na’t nandoon sila sa bandang kusina. Wala tuloy siyang choice kundi ang bitiwan na ang baso na ang laman ay iced tea!
Alam niyang may pagkamakulit ang mga kaibigan, but she didn’t expect that they will bring her to Dominic’s circle of friends. Hindi tuloy alam ni Agatha kung mapapaangat ba ang kaniyang kilay o mapapahalukipkip na lang!
“Hi, Agatha…” Si Dominic agad ang nakapansin sa kaniya.
He was sitting at the couch. Sa center table ay nandoon ang mga pagkain at alak na rin, and their circle was playing game cards.
Ngunit pinasa ni Dominic ang mga baraha nito sa katabing hindi naglalaro to take over. Pagtapos ay tuluyang tumayo at lumapit sa kanila. Nasa mukha nito ang pagkamangha at amusement, tila hindi inaasahang makikita nito ang presensya niya sa party nito.
He has been hosting parties and she never attended one. Ganoon din naman sina Shane at Kattie na halos ilang beses pa lang nakapunta, at hindi pa siya kasama.
“Wow, you came,” saad pa nito na tila isa siyang special guest. “Maupo ka. Any drinks you want?”
“Actually, kanina pa kami rito, Dominic! Pero ikaw na muna ang bahala kay Agatha. We’ll be across the room, don’t harm her,” saad pa nina Shane na tila pinagkanulo na siya!
Hindi maiwasan ni Agatha ang tuluyang pag-angat ng kaniyang mga kilay. May tiwala ba talaga ang mga kaibigan niya sa Dominic na ito, to leave her alone with him?! What’s up with that two?!
“Never,” sagot agad ni Dominic.
Isang simpleng t-shirt ang suot nito at nauusong pants sa mga lalaki ngayon. Very chic. He seems like a chill guy, the rich kid of the circle with easy parents. Kaya nakaka-host ng ganitong party sa mismong bahay pa nito.
“I’ll just take an iced tea,” saad ni Agatha nang naupo sila sa isang banda.
Aaminin niyang hindi rin naman talaga normal na party lang ang nangyayari sa mga ganito. She could see couples kissing like they’ve never tasted lips before. Muntik pang rumehistro ang disgusto sa kaniyang mukha—along with curiosity—habang napagmasdan ang isang pares kung saan nakapatong iyong babae sa ibabaw ng lalaki at nasa sofa sila.
Tumango naman si Dominic sa kaniyang sinabi at bahagyang natawa. “Iced tea, it is.”
Sinundan niya ng tingin ang pagkuha ni Dominic sa iced tea. She’s not letting any bastard harm her before this night ends.
“Thanks,” saad niya matapos iyong ibigay sa kaniya.
“Buti napapayag kang isama nina Shane at Kattie? I heard you don’t like parties,” ani Dominic na tila masayang kausapin siya. His eyes were even sparkling as they talked. Natural charm and most probably, girls in his block is infatuated with him.
Napatingin tuloy sandali si Agatha sa gawi nina Shane at Kattie. Parehong nandoon sa isang corner ng room at pangiti-ngiti habang pinapanood silang mag-usap ni Dominic, ngunit pareho rin namang may kausap na lalaki roon.
“Yes. I’m just bored. At sumasama naman ako sa party minsan.” Sinubukan niya ring makipag-usap.
He seems harmless. Kung hindi ay hindi naman siya iiwan ng dalawang kaibigan dito.
“Oh,” usal ni Dominic dahil sa pag-correct ni Agatha. “I thought you were purposely avoiding my parties.”
Agatha raised her eyebrow. “Bakit ko naman iiwasan?”
Gusto niya mang huwag maka-offend, it’s just so hard because it’s one hell of an assumption question to make. Paano ba naman kasi, ni hindi niya nga kilala si Dominic. Kaya naman bakit niya iiwasan ang party nito?
Natawa ito nang bahagya sa kaniyang sinabi. Hindi na rin naman na-offend si Dominic dahil alam niya na rin naman na may natural talagang kasungitan si Agatha Ruth Figueroa. Mailap ito at bilang lang ang mga taong nakakausap. Not everyone can approach and it takes more than one try of a conversation bago makausap nang maayos.
“Because you think I host wild parties…” ani Dominic.
Nilingon ni Agatha ang buong bahay. Gamit nila ang buong sala, extending to the kitchen, sa buong party na iyon. Ang ibang nalalasing ay umaakyat pa sa sofa o sa countertop para sumayaw-sayaw at ayaw niya na lang i-describe ang nakikita.
“Isn’t this a wild party?” kunot-noo niya ring tanong.
For a moment, naisip niya rin tuloy kung may drugs involved din ba rito.
“I mean, it is…” saad din ni Dominic na napatingin din sa sariling party na pasimuno nito. “I can’t control it. Sinabihan ko na sila na grill at drinks lang. But they can’t help themselves.”
Pumait ang mukha ni Agatha lalo na noong may umungol na mula sa kung saan.
Parang sanay na sanay na iyong iba at wala namang pakialam. Isa pa ay malakas na malakas din ang tugtog at pakiwari niya’y kumakabog ang dibdib niya dahil sa impact nito.
Where is Dominic’s parents even? Wala na rin ba tulad ng mga magulang ng tiyuhin nito?
Napainom na lang si Agatha Ruth sa iced tea, ngunit kalaunan ay nawala na rin naman iyong ungol ng babae. Nang muli nilingon iyon ni Agatha ay nakita niyang bagsak na ito sa dibdib ng lalaking pinapatungan at hingal na hingal pa.
She can’t help it, parang gusto niyang malaman kung anong nangyayari doon?
“Is that girl okay?” Ewan niya ngunit iyon ang lumabas sa kaniyang bibig.
May tawang sumagot si Dominic.
“Uhm… I’m sure she’s okay, Agatha.”
Nang nilingon niya ito habang salubong ang mga kilay niya, nakita niyang medyo pinamulahan ng mga tainga si Dominic. Pagtapos ay napainom na lang din ito ng alak.
Kakatapos lang niyon ay mayroon na namang naghahalikan sa sulok. Sa pagkakataong ‘yon ay nakasandal naman iyong babae sa pader at buhat ng lalaki. Her lips parted at halos nahulog ang kaniyang panga.
Is that dry humping? Oh, she wishes! Dahil tiyak na lalayas siya sa oras na mangamoy s*x ang kinaroroonan nila!
“We have a patio and garden outside. Kung gusto mo ay roon na lang tayo. I’ll bring us food,” ani Dominic.
Hindi rin naman alam ni Agatha kung bakit tumayo na lang siya, ang tingin ay nandoon sa dalawang tila mga hayop na sabik sa isa’t isa. Hindi mapigilan ng babae na umungol and it was getting louder than the music, kaya pati iyong iba ay napalingon na rin at medyo iritado.
“Tone it down, f*ckers!” May sumigaw saka binato ng sapatos sa likod iyong bumabayo.
Napamura na lang ito. Agatha couldn’t believe it!
Who in the right mind would have s*x in front of all these people?!
“Goodness… ginagawa ba talaga nila ‘yon?” tanong ni Agatha na tila kinikilabutan. Sumunod na rin siya sa bandang gilid ng bahay kung saan bukas na bukas ang accordion door na yari sa makinis na kahoy. It led them to the patio.
Medyo malamig at mahangin sa labas. May ilan ding naroon ngunit nag-uusap-usap. Inanyayahan siya ni Dominic na maupo sa isa sa mga upuan sa patio. Pagtapos ay pinatong nga roon ang kinuha nitong pagkain at inumin na rin—whiskey for Dominic, and iced tea for her.
“Ah, oo, kaya next time ay banned na sila,” sabi ni Dominic.
Huminga na lamang si Agatha. Pinagkibit-balikat niya na lang ‘yon. Hindi naman siya ganoon kainosente. Sa edad na bente dos, she knows a thing or two about s*x. Siyempre, elementarya pa lang ay may napag-aralan na tungkol doon.
“Don’t worry, I won’t do anything foolish,” sabi ni Dominic dahil tila guarded pa rin siya nang naroon na sila sa patio.
Wala naman silang gaanong pinag-usapan ni Dominic. Kalaunan din kasi ay dumating din ang ilang kaibigan nito. Ayos lang basta’t nailayo siya nito sa tila mga wild animal. Isa pa ay masarap ang hangin sa labas. Hindi niya tuloy maiwasang maalala.
May masarap na tanawin kaysa rito… ngunit tiyak na mas malungkot din.
She remembered the small talyer. Ang mga ganoong tanawin ay siguradong magugustuhan ng kaniyang mommy. If only she could, she’ll take a picture of it and show her. Ngunit kahit naman kuhanan niya ng larawan ay wala na ring saysay. Wala na ang kaniyang mommy upang makita pa ito.
Nagpaalam sandali si Dominic pagtapos tila may sinabi ang kaibigan nitong lumapit.
“Sandali lang, Agatha. Make yourself comfortable, please,” saad nito bago siya tuluyang iwan doon sa patio. Tumango na lamang si Agatha at ‘di hamak na mas gusto niya naman ang kinaroroonan kaysa roon sa loob na masiyadong maingay ang tugtog at halo-halo na rin ang amoy.
Naglakad paalis si Dominic at naiwan naman siyang mag-isa. Mukhang naging busy na sina Shane at Kattie sa mga kausap nito. Sinulit na lang ni Agatha ang inumin at pagkaing naroon.
Hindi nagtagal ay narinig niya ulit na tila mas umiingay roon sa labas. Parang mas lalong nagkakasiyahan. Hindi pa naman malalim ang gabi at mukhang may mas ibubuhay pa ang party na iyon.
“Promise me, Tito. Please—” ang pamilyar na boses ni Dominic na tila medyo problemado.
Kasunod niyon ay ang pamilyar na kalansing ng kwintas, at mabibigat na hakbang ng combat boots. Sinabayan ng iilang pag-uusap at medyo mahinang tawanan.
“Oo nga, Dominic. Hindi ako magsusumbong sa daddy mo,” a cool voice answered with a hint of smirk.
Napalingon si Agatha roon at mukhang pagawi sa patio ang mga iyon base sa boses, at hindi nga siya nagkamali. Mga kaibigan ni Dominic na tila natutuwa. Ngunit hindi roon natuon ang atensyon ni Agatha, kundi sa isang kasama nila na kasalukuyang kausap ni Dominic.
Kung ang huli ay tila may pagkaproblema ang mukha at pagkabahala, ang kausap naman nito ay tila kalmado lang. He was tossing some nuts onto his mouth. Nang medyo matigilan din ito nang nagtama ang paningin nila.
Hindi alam ni Agatha kung manlalaki ba ang kaniyang mga mata o diretsong mangungunot ang kaniyang noo.
“Promise, Tito Trent? Hindi mo sasabihin kay Daddy? Pangako mo ‘yan, ah?” saad pa ni Dominic ngunit hindi na naputol ang tinginan nila ng kausap nito.
Agatha’s jaw dropped to the floor.
Hindi sumagot ang tiyuhin nito. Instead, he stared at her. Nanliit nang kaunti ang mga mata nito at inaasahan ni Agatha na ngingisi lamang ito ngunit hindi. Dahil sa halip ay sumeryoso ang ekspresyon nito at tumiim ang tingin sa kaniyang gawi.
Hindi agad nakapagsalita si Agatha. Ni tumaas ang kilay. Dahil masiyadong seryoso ang tingin nito at walang bahid ng pang-uuyam sa ekspresyon. Nagsalubong din ang mga kilay nito na tila hindi inaasahang makikita siya roon.
His jaw ticked. May bahid ng disgusto sa ekspresyon at tila hindi na pinakinggan si Dominic at ang barkada nito dahil natuon ang tingin sa kaniya.
Agatha almost gasped slightly. Hindi niya rin alam kung bakit napalagok na lang siya sa iced tea habang tila tumagos ang mga titig nito sa kaluluwa niya.
What the hell is he doing here? Hindi ba’t trenta na ito at college party naman ang party na ‘to?!
And most importantly…
What the hell is his problem?