Serious

2103 Words
Serious Tahimik kaming naka uwi ni Kuya sa bahay walang asarang naganap. Mabuti naman dahil ayaw nyang sagutin ang mga tanong nito. Lalo na ang tungkol kay Cedrick na hindi nya rin naman alam kung bakit sya nito ginugulo. Si Tito Matthew naman hindi pa umuuwi kaya malamang sa ay si Kuya Levi ang magluluto ng kakainin namin mamaya. Ang weird din ng araw nya ngayun dahil yung dalawang bully sa klase nya nagtransform sa pagiging mabait. Nakaka inis at the same time nakaka tuwa dahil kahit loser at nerd sya sa klase ay trinato pa din syang hindi iba sa mga kaklase nya. Yung feeling na hindi sya mag isa, kasama sya, ganon yung feeling nya kanina.  ''Sofia gusto mo ba?'' alok sa kanya ni Kuya Levi Napatingin ako kay Kuya Levi na may hawak na ICE CREAM? Hindi na talaga nito tinantanan yung ice cream ni Tito Matthew sa freezer. Kada uwi namin galing sa skwela sa refrigerator agad ang diretso ng magaling nyang kapatid.  Ngumisi sya ''Syempre strawberry Kuya akin'' Tumalikod ito para maghalungkat ng gusto nyang flavor maya maya din ay humarap ito sa kanya na may nakakalokong ngiti. ''Oh catch!'' inambang ihahagis nito ang isang container sa kanya kaya dali dali syang kumilos para saluhin ito. Shit! Nag ala base ball player pa sya sa pag salo. Sira talaga ang ulo ng kapatid nya. ''Kuya Levi naman ehh pwede mo namang iabot! Bakit kailangan mo pang ihagis?'' sigaw ko dito nang naiinis ''Para may thrill'' sabay tawa ng magaling nyang kapatid! ''Siraulo ka talaga Kuya nakakainis ka pinahirapan mo pa ako sa pag salo!'' naka busangot kong sigaw dito Nakakainis talaga tong isang to. Akala ko payapa na ang araw ko! Akala ko walang asarang magaganap gayong naka uwi naman sila in peace. Akala ko lang pala! Nagmamaktol akong umupo sa high chair ng counter top tsaka binuksan ang container at kumuha na ng kutsara para makakain na. Ang sarap ng ice cream! Nakakawala ng init ng ulo. Pansamantala kong naka limutan ang bagay bagay. Sumasakit na nga ulo nya eh kakaisip. Nakakairita din kasi ang wig na suot nya ang init sa ulo sumasabay pa sa panahon! ''Sofia'' tawag ni Kuya sa akin  Lumingon ako sa kina uupuan nito. Paborito talaga nito ang ice cream naka dalawang tub na eh. Tsk  ''Hmmm'' sarap talaga ng ice cream! Heaven! Tamang tama sa klima dito sa Pilipinas ang init kasi dito. Nakaka panibago pa rin ang new environment dahil malamig sa States dito mainit. Kaya ice cream talaga ang panlaban ko sa init ng panahon. Nakaka refresh. ''Nag request na pala ako kay Tito Mathhew tungkol doon sa shooting natin'' naka ngising sambit nito ''Ohh tapos?'' kunot noo kong tanong Bakit naka ngisi sya? Naalala ko tuloy si Cedrick sa pag ngisi nya.  ''This week na kita matuturuan tamang tama dahil may mga professionals doon kaya matututo ka ng mabuti''  Tuloy pa din ito sa pagkain habang nagsasalita. Takaw.  ''Sige Kuya remind mo na lang kung kailan yung araw na yun'' tinanguan ko na lang ito Tumayo ito kumuha ng tubig sa ref tsaka inisang lagok uhaw na uhaw lang ang peg. ''Ok sige akyat na ako may gagawin pa akong assignment'' paalam nito tsaka dire diretsong umakyat sa taas papuntang kwarto siguro nya. Tinapos ko na lang din ang assignments ko. Inayos ko ang wig na suot tsaka tinanggal ang contact lense at ang salamin. Nag shower saglit at nagpalit na rin ng maluwang na damit at isang shorts para presko. Nakahinga na ako ngayon sa kama nagmumuni muni. Iniisip ko kung ano yung mga nangyari kanina yung sa pagiging mabait ng kanyang mga kaklase at ang pagsulpot ni Cedrick para inisin na naman sya. Ang hudyo na namang iyon ang naiisip nya! Pati ba naman isip ko ay guguluhin din nito? Naiinis na ako hindi sa lalaking iyon kundi sa sarili nya mismo. Nagtataka din sya bakit sya nito niyayamot lagi eh. Bumaba sya dahil kumakalam na ang sikmura nya. Kanina pa sya sa kwarto kaya naisipan nyang bumaba para kumain. Tamang tama din ang pagbaba nya dahil  habang papalapit sya ay naaamoy nya na ang mabangong pagkain. Mukhang nagluluto na ang Kuya nya.  Tama nga ako ng hinala nagluluto na nga ito. ''Paki check nga yung fried rice Sofia kung tama na yung alat'' nakaharap ito sa kalan binabaliktad yung bacon na piniprito nya ''Ok sige'' sabay lapit sa kawali Sumandok sya ng kaonti gamit ang table spoon. ''Hmm masarap Kuya Levi ano nilagay mo dito?'' naka ngisi kong tanong ''Magic'' simpleng sagot nito na nakaharap na ngaun sa akin Napatawa ako sa sagot nya ''Baliw ka talaga Kuya hahaha''  Hindi ko maiwasang matawa ng sobra sa kalokohan ng kapatid. Tiningnan ko ang ekspresyon niya pero seryoso lang ito ''What?'' taas kilay kong tanong ''Magic nga nilagay ko dyan ayun ohh basahin mo yung sachet magic sarap tss'' iritadong sagot nito Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at sinundan ang tinuro nito kanina. s**t! Magic nga! Magic Sarap! Bwisit tawang tawa na talaga ako haha. Takte may ganon pala talaga? Sakit ng tyan ko kakatawa.  ''Ano tapos ka na tumawa dyan?'' iritadong taong ulit nito  Hawak hawak nito ang sandok at nilalagay na sa isang pinggan ang sinangag na niluto nya. Masarap naman sya marami din kasing toppings yung kanyang fried rice. May hot dogs, bacon, scramble eggs slices pa panong hindi sasarap yun. Tapos dinagdagan pa daw nya ng Magic kuno haha. ''Wait lang hindi pa ako maka move on haha'' kahit natatawa pa rin ay inayos ko ang sarili at kinagat ang labi para mapigilan ang tawang lalabas sa aking bibig. ''Tsss ikaw mag hugas ng pinggan mamaya pati yung kawali na pinag prituhan'' abay inirapan pa sya Napailing na lang sya. ''Ok boss''  Ito naman ngayun ang naka ngisi. ''Good job Sofia pag igihan mo ang trabaho kung hindi wala kang sahod sa katapusan''  They burst out laughing nang madatnan sila ni Tito Matthew. Kaya ito naman ang napa iling sa kanilang dalawa nagtataka siguro kung anong kalokohan na naman ang naisip nilang magkapatid. Pag sila talaga mag kasama hindi pwedeng hindi nag aasaran o ano pa mang kalokohan ang maisip nila. Buti na lang minsan lang sila mapikon sa isa't isa. ''Kain na po Tito Matthew nagluto po si Kuya ng fried rice''  Naka corporate attire pa ito. Galing siguro ng trabaho. He put his coat into the wood rack beside the door and then join us to eat. Saktong saktong ang dating nito dahil nag uumpisa palang silang kumain magkapatid. ''Hmm Ang sarap ahh anong nilagay mo dito Levi?'' Kumakain na ito at mukhang gutom na nga mabuti na lang talaga ay nag luto na ang kapatid nya dahil nakakahiya maabutan nitong walang pagkain tapos ito pa ang magluto para sa kanila.  Sabay pa kaming sumagot magkapatid sa tanong ng Tito Matthew ng ''Magic'' kaya nasamid pa ito. Natawa pa nga ito at puro daw sila kalokohan. Ako man ay natatawa dahil ganoon din ang reaksyon ko kanina. ''Totoo po Tito yung Magic nakalagay pa nga sya sa sachet ehh, anong pangalan nga non Kuya Levi?'' sagot ko kay Tito Matthew sabay baling kay Kuya Levi na kumakain na rin ninanamnam ang luto nya ''Magic Sarap'' supladong sagot nito Hindi na napiligan ni Tito Matthew tawa ng ito ng tawa sa hapag kainan.  ''Ahh oo mahilig kasi maglagay ng seasonings yung dating katulong si Manang Beth''  Napapa iling na lang ang kanyang Tito Matthew akala siguro nito ay kalokohan na naman ang sasabihin nilang magkapatid. Naikwento sa amin ni Tito na mahilig daw maglagay ng seasonings tulad ng ajinomoto at magic sarap ang mga Pilipino kaya napa ''ahhh'' na lang kami magkapatid. Sa ibang bansa kasi walang ganon ehh puro spices lang talaga. Pero masarap naman ang pagkaing Pinoy lalo na yung sinigang at adobo na niluto ng nakaraan ng Tito Matthew. Pagkatapos kumain tulad ng pinag usapan ako nga ang nag hugas ng pinag kainan. Sya na lang ang naiwan doon sa kusina. Hindi naman sya natatakot magaan panga sa pakiramdam nya ang mansion na ito. Hays ewan nya. Matapos na nga lang tong hugasin nya. Kinabukasan maaga syang pumasok minsan kasi yung prof ng ibang first subject nila nagpapa quiz agad kaya pag late ka wala kang maipapasa wala ka ding grade. Mabuti na lang wala sa bukabularyo nya ang pagiging tardy. Nasanay na sya noon pa man na maaga magising kaya ni minsan ay hindi sya na late. Kaka onti pa lang ang estudyante kaya nag paalam sya sa Kuya nya na mag ikot ikot muna sya para hindi naman sya ma bored kakahintay sa prof nila. Ayaw din naman nyang saksihan ang magugulong mga kaklase nya kaya mas mabuting maglakad lakad na lang sya sa labas ng classroom. Nakita nya pa di kalayuan ang pagtawag ng magandang si Charlotte sa kanyang Kuya Levi pero hindi sya nito pinansin. Suplado mode na naman ang Kuya Levi nya. Kasi naman ang kulit kasi nong babaeng yun baka nakukulitan din ang Kuya nya. Bahala nga sila dyan. Tumuloy na lang sya sa pag iikot. At dahil wala talaga akong magawa at marami pa akong oras bago mag umpisa ang klase ay pumunta ako sa likod ng ng campus. May bench doon na gawa sa bato mukha namang walang tao kaya umupo sya doon tsaka ibinaba ang bag nya na kanina pa naka sabit sa balikat nya. Mabigat din kasi ito dahil may iilang libro ng math at english. Sumalampak na sya ng upo doon tsaka tumingala sa langit ang, sarap ng hangin sa pwesto nya nakakawala ng stress hindi rin maingay. ''Ahemm'' napa hawak sya sa dibdib sa gulat at tiningnan kung sino ang pangahas na nagsalita Si Cedrick? ''Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko hindi pa rin nawala ang kaba dahil sa pagkagulat Nakatayo sya at naka sandala ang likod sa pader. Nasa bulsa ang mga kamay nito. Hindi maipag kakailang maganda ang tindig nito lalaking lalaki. Amoy na amoy nya rin ang shower gel nito hmm ang sarap amuyin. Kung pwede lang nyang yakapin ito para maamoy ginawa nya na. Lalo ata itong guma gwapo sa paningin nya.  Natawa ito sa kanya ''Dito ang tambayan ko akala ko akin lang to ehh pero nakita mo na pala sarap ng hangin dito no?'' Hindi nya ito sinagot iniiisip nya na masarap nga ang hangin dito. ''Anong ginagawa mo dito wala ka bang klase?'' tanong ulit nito sa kanya ng hindi sya nagsalita Nilingon nya ito nakangiti ito sa kanya. Labas ang puting ngipin nito. Nakatitig lang ito sa kanya, hindi nya natagalan ang titig nito kaya umiwas sya ng tigin sa mga mata nito. Tiningnan nya na lang ang langit bago sumagot. ''Nagmumuni muni lang ako tsaka mamaya pa ang klase ko maaga pa kasi'' Natawa ulit ito ng mahina ''Parehas pala tayo'' tiningnan nya ulit ito at ito naman ngaun ang naka tingin sa langit. Iniisip din siguro nitong masarap tumambay dito dahil walang ingay at mapresko ang hangin.  Namula tuloy ang pisngi nya. Sana pala hindi na lang sya pumunta dito sa likod ng campus. Dito pala ang tambayan nya nakakahiya talaga.  Hindi sya sanay na hindi sya iniinis nito kaya nakaka panibagong makita ko itong kinakausap sya ng maayos at hindi nang aasar. Mas lalo lamang syang naging gwapo sa paningin ko gayong seryoso itong nakikipag usap na tila ba matagal na silang magkakilala. Tumunog ang bell na naghuhudyat na mag uumpisa na ang unang klase. ''Wait sabay na ako sayo!'' sigaw nito ng makitang tumayo na sya  Nagulat na naman sya dahil sasabay kamo ito sa kanya? Aangal pa sana sya pero nasa harap nya na ito kaya wala na syang nagawa kundi ang isabay ito sa paglalakad. Hinatid pa sya sa classroom nila! Marami tuloy ang napapatingin sa kanila. Isinawalang bahala nya na lang ang mga matatalim na titig sa kanya at ang mga naririnig nyang kung ano ano sa kanya. Wala naman syang ginagawang masama eh. ''Hi Cedrick I love you!'' sigaw ng isa sa kaklase nyang babae ''ihhh yung crush ko nandito'' tili ng isa pang kaklase nya ''Ang tanong crush ka ba nya?'' sumalpal ng kaibigan nitong bakla sa kanya at tinawanan pa ito Nag away pa ata silang dalawang magkaibigan. Bahala sila dyan. Dumating agad ang prof nila sa oras na iyon kaya na idivert nila ang atensyon sa quiz na nasa harap na nila ngaun. Wala na ring bulung bulungan kaya kahit paano ay nakapag concentrate sya at nakakuha ng mataas na marka. Perks of being nerd. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD