Chapter 2: The King
I slowly opened my eyes when I felt something hot hit my face.
Sinangga ko ang kamay ko sa sinag ng araw na galing sa bintana. It directly hit my eyes.
Gusto kong bumangon pero parang pagod na pagod ang katawan ko. Every part of my body hurts.
Para akong nag-marathon buong maghapon sa sobrang sakit ng katawan ko.
Teka bakit ba masakit ng katawan ko?
Wala naman akong maalalang nangyari kagabi. Weird. Ang naalala ko lang ay yung nangyari dun sa party ni Jessica, after that wala na.
Pinilit kong bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. My eyes slightly widened with the realization that I'm not in my apartment.
Hindi pamilyar sa'kin ang kwartong tumambad sa'kin.
The room is much larger than my apartment, four times larger even.
The walls are maroon and with classical designs. The furnitures are something rare. I mean everything about the whole place screams classic. Saang kaharian ako napadpad?
Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at hindi ko ulit mapigilang manlaki ang mata. Napadapo ang kamay ko sa bibig ko.
Holy Moly! At na'saan ang mga damit ko? Bakit wala akong damit? Anong nangyari?! O my god.
I panicked and different conclusions flooded into my mind.
Ganito ang mga napapanood ko sa pelikula eh. Malalasing ang babae tapos hindi niya maaalala na sumama siya sa isang lalaki na ititake advantage ang kalasingan niya.
Pero imposibleng mangyari sa'kin 'yun!
Hindi naman ako uminom sa party ni Jessica. Wala pang isang oras ay umalis na kami 'dun.
Then what happened?
O my god! Hindi ko na matandaan kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos akong iwan ni Hazel sa tabi ng kalsada.
Gusto kong pigain ang utak ko, baka sakaling may maalala ako pero wala talaga.
Hindi kaya naaksidente ako?
I mean baka nasagasaan ako nung patawid ako sa kalsada then I had an amnesia.
Teka kung nagkaamnesia ako how come 'yung kagabi lang ang hindi ko maalala? May ganun bang amnesia?
At kung nasagasaan ako, wala akong makitang mga bruises sa katawan ko.
Hindi rin maipapaliwanag 'nun kung bakit hubod-hubad ako!
Nagulat ako nung bumukas bigla yung pinto kaya agad kong nahablot ang kumot para itakip sa hubad kong katawan. Mahigpit kong hinawakan ang kumot sa katawan ko.
Napayuko ako kaya ang unang kung nakita ay ang malalaking boot ng pumasok. Mabibigat ang hakbang nito papalapit.
My heart instantly hammered inside my chest.
Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa kanya.
I froze.
My lips parted when I came face to face with HIM. I silently gasped while staring at the guy in front of me. His face is perfect. He is tall, lean and has a body that every woman wants to die praising
I can feel my face getting hot.
The guy is indeniably handsome. I studied him, thinking if he's real.
His light brown eyes made me want to stare at it all day. His chiseled features reminds me of those hot male models I've seen on magazines.
Halata sa tindig at mukha niya ang dugong banyaga.
Nakasuot siya ng black polo shirt. Naka-bukas ang dalawang buttons sa taas, exposing his bare chest.
O my god!
Parang siya yung lalaking dine-describe sa mga librong nababasa kong Love novels.
Napansin ko ang dahan-dahan na paglabas ng nakakalokong ngiti sa labi niya. Saka lang ata ako napabalik sa sarili kong diwa.
Pumasok sa utak ko na baka siya ang lalaking nag-take advantage sa'kin.
Pero kung ganyan ba naman kagwapo eh, ok lang--Este--Hindi!
Paano ba naman kasi.. Ang mahalay kong utak ngayon lang nakakita ng isang prinsipeng tulad niya.
" I'm not a prince."
I gasped when he spoke. His deep baritone voice awaken something inside me. His accent is Brittish? Kahit ang boses niya, napaka-manly.
He chuckled making me see those perfectly white teeth. I can't take my eyes off of him.
If this is a dream please don't wake me up.
" Sweetheart, I believe you aren't dreaming."sabi niya.
There's something about his voice. May accent siya!
Teka-Anong sabi niya?
I didn't blurted that out loud right?
" Definitely not. It's useless."
Napakunot ang noo ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.
Saka lang rumehistro sa isip ko ang mga sinabi niya.
Did he just..
" Read your mind?" he finished what I was thinking.
O my god! Paano niya nabasa ang iniisip ko.
Teka testing ulit.
Nababasa mo ang iniisip ko?
" Yes."sagot niya habang binibigyan ako ng mga tingin niyang nakakatunaw.
My mouth formed an O before I closed them.
" Paano mo--teka, sino ka ba? At nasaan ako? At bakit--- w-wala akong damit?" sunod sunod na tanong ko.
Nakidnap ba ako?
Na droga?!
Kaya wala akong maalala?!
Mahinang natawa ang lalaki kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
" You weren't drugged." sabi nito.
Ginawa niya nanaman yun! Paano niya nababasa ang isip ko?!
"S-sino ka ba? I-Isa ka bang Psychic kaya nababasa mo ang isip ko?" tanong ko habang nakaturo sa kanya.
" Maybe." sabi niya. In a blink of an eye nasa harap ko na siya bigla. Sobrang lapit ng mukha niya sakin na naaamoy ko na ang aftershave niya. Kahit ang pagbuga niya ng hangin ay nararamdaman ko sa mukha ko.
" P-Paano mo yun nagawa?" tanong ko na medyo pabulong dahil sobrang lapit niya sa'kin.
Hindi ko mapigilang i-admire ang features ng mukha niya. Ngayong mas malapit na ang mukha niya mas lalo kong nakita kong paano siya kagwapo at kung gaano kaperpekto ang mukha niya. His eyes were so dark like charcoal.
Wait a minute.
Kulay brown ang mata niya kanina and now they're black?!
Napakapit ako sa kumot na nakabalot sa katawan ko. I'm very sure they were brown a while ago.
Medyo umusog ako dahil naaamoy ko na ang hininga niyang minty. He smells soap and water. Bagong ligo.
" Kung ganito ka kalapit, I may accomplish round 2." bulong niya sa tenga ko.
His hot breath lingered there. Nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko.
He look back at me and I can feel the intensity of his stare.
His eyes turned into something dangerous yet playful. May kung anong humihigop sa akin para tignan ang mga mata niya.
Nasabi ko na bang napakatangos ng ilong niya?
Napailing nanaman ako dahil gusto ko nanamang matulala sa kagwapuhan niya.
Ano nga 'yung sinabi niya?
Round 2?
" A-anong i-ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.
Lumapit pa siya sa'kin, now we're an inch away.
Nagulat ako nung haplusin niya ang hita ko which gave me shivers all over.
Bumaba naman ang mata niya and stared at my lips. Hindi ko mapigilang mapalunok.
" Like this."
Bago pa ako makapalag, bigla niyang sinara ang espasyo sa pagitan namin.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He crashed his lips into mine. Hard.
It was harsh yet his lips felt so soft. I felt butterflies in my stomach. Hindi ako makagalaw na parang bato.
His lips move and tried to mold mine. May kung anong dalang kuryente ang halik niya.
Pakiramdam ko nag-init lahat ng pwedeng uminit sa'kin.
How ironic. Hindi ko siya kilala pero bakit ganito ang epekto niya sakin. His lips were moving, parting mine.
I lost it.
Hinawakan ko ang batok niya pulling him to me. Kissing him hard. He smiled between our kiss.
Hindi ko magawang hindi tugunan ang bawat halik niya. I can't stop! It's like my body is fated to serve him.
Hiniga niya ako sa malambot na kama habang hinahalikan pa rin ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Kaya napalayo ako agad sa kanya habang habol habol ang hininga ko.
"A-ang lamig ng kamay mo." nahihingal kong sabi.
Pagtingin ko sa mata niya, naging iba ang kulay nito. Hindi ko alam kung ano yun, pero natakot ako. Hinawakan niya ako bigla sa magkabilang braso at sa isang iglap, he's kissing my neck. The feeling of his lips on my neck made me shiver.
" I'm sure I can taste your blood now." he whispered.
Pagkatapos kung maramdaman ang hininga niya sa leeg ko, nakaramdam naman ako bigla ng matatalim na ngipin, burying my skin.
Napasinghap ako nung maramdaman ko iyon.
Napasigaw ako bigla sa sakit at napakapit sa balikat niya.
I squirm under him but he is strong. He pin me down on the bed. Hawak niya ang beywang ko at ang isa ay hawak ang balikat ko. I arched my body and a soft cry came out of me.
My heart pounded faster when those sharp teeth buried deeper, drawing blood on purpose.
He's now sucking my blood, at ramdam na ramdam ko.
" T-tama na! Bitiwan mo ako!" I cried in protest.
Hindi niya pa rin ako binitawan instead he gripped me tighter and pinned me down the mattress na parang hindi niya magawang tumigil.
Gusto ko siyang itulak pero hindi ko kaya dahil sobrang lakas niya na kulang na lang ay pigain niya ako.
Nararamdaman ko na ang sunod-sunod na pag-agos ng luha ko. I heard him moan with pleasure na parang satisfied na satisfied siya sa ginagawa niya.
My life is slowly slipping away from too much loss of blood. Unti unting nawawalan ako ng boses at nanghihina ang buong katawan ko. Napabitaw ako sa balikat niya, feeling lifeless. My body felt limp.
Nakarinig ako bigla ng kalabog ng pinto at nawala sa paningin ko ang lalaki.
Hindi ko na napansin kung ano nangyari.
Naiwan ako na nakahiga sa kama, feeling so weak and vulnerable.
My sight is blurry but I can manage to look at the man who entered.
Nakarinig ako ng mahinang tawa.
" Sa tingin ko hindi tamang pumasok ka na lang sa kwarto ko at itapon ang pinuno mo sa pader, Alexander."tumayo ang lalaking halimaw na 'yun at inayos ang nagusot niyang damit.
" Pasensya na, kailangan kong gawin iyon. Malapit mo na siyang mapatay, pinuno." kalmadong sabi nung isa pang lalaki.
" Tss. Wala akong pakialam, nakuha ko na ang gusto ko." He slowly licked the side of his lips. " Besides, her blood is so addicting. Too bad, I don't need her anymore. "
" Sa tingin ko mali ka 'dun, mahal na pinuno."
" Stop being such a smart ass Alexander. I already claimed her, 'yun lang naman ang kailangan ko para maging buo."
Wala akong maintindihan sa pinag- uusapan nila. Naka-tuon lang ako sa bawat paghinga ko, gaining my strength.
I feel numb all over. My neck stings. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
" I believe you have to talk to the Oracle again. Hindi sapat ang kanyang dugo para maging buo ka o kahit markahan mo siya. Yun ang sinabi niya."
I heard a groan. "You mean to say, I can't get rid of her already?"
Tumango ang lalaki.
Nakaramdam ako na parang may nakatingin sa'kin. I turned to see the man with the brown eyes stare down at me.
His eyes are cold and emotionless.
I felt a pang inside my chest.
" I'll talk to her about it, Alexander."sabi nito habang nakatingin pa rin sa'kin.
" You take care of 'this' mess."
Nag-bow si Alexander sa kanya.
" Ako na po ang bahala sa kanya."
" Clean her up before the others smell her blood."
" Masusunod, mahal na hari."sagot nung Alexander, his head down.
Parang kanina lang marahas niyang tinapon ang kausap at ngayon may pa bow-bow pa siyang nalalaman?
Naguguluhan ako.
Naglakad na paalis ang lalaking 'YUN pero huminto siya malapit sa pinto.
"By the way, Alexander?"
"Ano 'yon mahal na hari?"
" Do not dare lay your fangs on her or even think of having a taste. You know me, I don't share."
Nakita kong tumango si Alexander saka nilingon ako nung lalaking 'YUN. Hindi ko alam ang pangalan.
He gave me a cold look before walking out of the door.
Nilingon ako 'nung Alexander. I sucked a breath when his gray eyes found mine.
Lumapit sa'kin si Alexander kaya napausod ako paatras.
Kakagatin niya din kaya ako gaya nung ginawa nung lalaki?
Umupo siya sa gilid ng kama kaya napausod pa ako lalo paatras.
" Pasensiya na sa inasal ng mahal na hari. He's not a very patient man." sabi niya saka ngumiti.
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo.
He realized that I'm too scared to even speak. May inabot siya sa may side table. He handed me glass of water.
I found this gesture weird.
" Drink this and you'll feel better."sabi niya.
Unti-unti kong kinuha ang baso. Nanginginig pa ang kamay ko na inabot 'yun mula sa kanya.
" Drink."he motioned the glass of water. Imbis na ibigay sa'kin iyon, mukhang siya na ang magpapa-inom ng tubig sa'kin.
Kinuha ko na lang mula sa kanya ang tubig. Hindi ako komportable sa ginagawa niya.
" S-sino ba kayo? At bakit nandito ako? Papatayin niyo ba ako?" tanong ko.
Tumayo siya. Magkasing-taas lang ata sila nung lalaking YUN. Pareho lang din silang makisig, gwapo--shut up mind!
" H-hindi ko alam kung bakit nandito ako. H-hindi ko rin kayo k-kilala. K-kaya a-anong kailangan niyo sa'kin?"nanginginig pa ang labi ko.
" Hindi mo ako kailangang katakutan, Hope."
Nanlaki ang mata ko." P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"
" We can read thoughts."
I gaped at him. " A-ano?"
Kung ganon kagaya niya 'rin yung lalaking YUN na psychic?
Ano ba sila?
How can they do it?
Ang bilis na ipinakita 'nung lalaki kanina. The way his teeth buries into my skin. When he drank..
my blood.
I found myself drinking the water nung maalala ko 'yun.
Umangat ulit ang tingin ko sa kanya.
" W-what are y-you p-people?"
The side of his lips stretched to smile.
" We're vampires."
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.
Is this some kind of joke?!
" A-ano ulit?"
He crossed his arms on his chest. " We're vampires. We suck blood to live."
Well, that was quite an introduction.
" S-sabihin mong n-nagbibiro ka. " tumingin-tingin ako sa paligid. " Nasa Wow Mali ako, 'di ba?"pinilit kong ngumiti kahit na kinakabahan ako.
Napatingin ako sa kanya at hindi man lang nagbago ang seryosong mukha niya.
" No, you are not and by the way, hindi ko alam ang sinasabi mong Wow Mali."
Napanganga ako.
" What? Then sabihin mo sa'king isa lang 'tong palabas. May mga camera dito, 'di ba?"
Ngumisi siya at napayuko.
Now I'm positive na may camera sa paligid.
" Kahit halughugin mo pa ang buong paligid, wala kang makikita."
" Kung ganun nasaan ba talaga ako?! Anong kailangan niyo sa'kin?!"
Umangat ang gilid ng labi niya kahit nanlalaki na ang mata ko sa kanya." You're here because you just married our King."
***