Chapter 22: Caught Bumilis ang paghinga ko at nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Sebastian. Mabilis ang t***k ng puso ko na parang sasabog na bomba. He really has this kind of effect in me! And s**t. He is here?! Paano niya kami nasundan ng ganun kabilis?! And Dylan.. He looked like nothing happened to him, na parang hindi siya nasaksak kanina lang. Maybe they have the ability to heal fast. Hindi ko maiwasang makonsensiya sa ginawa ko. Siguro siya rin ang dahilan kung bakit nalaman agad ni Sebastian ang mga nangyari. He told him through the mind link. Unti-unting umangat ang gilid ng labi ni Dylan nung makita niyang nakatingin ako sa kanya. Bumuka ang bibig niya at parang may sinabi siya kay Sebastian. Sebastian's expression went hard with that. Ngumisi pa si Dylan

