Chapter 33

1825 Words

“Bakit hindi ka kumatok? Nandiyan lang si Nanay sa loob,” sabi ni Joyce na kararating lang. Lumabas kasi siya pagkatapos ng tawag ni Amelia. Alam niyang nagugutom ito kaya bumili siya ng ilang pagkain sa labas. Nag-iwan naman siya ng kanin sa rice cooker at ulam, pero hindi iyon kasya. Habang nasa daan, napadaan siya sa nagtitinda ng banana que, bumili na rin siya bilang pangmeryenda. Tuloy, ang dami niyang hitbit. Naabutan nga niya si Amelia sa labas ng kanilang bahay. Nakasuot ito ng jeans at blouse na bumagay naman sa kaniya, ngunit hindi maipagkakaila ang lungkot sa nakayuko nitong pigura. Kahit anong ngiti niya, hindi maitatago ang lungkot sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaibigan. Hindi nagtanong si Joy tungkol dito dahil alam niyang pribadong bagay na ito. “Kararating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD