Lahat kami ay hindi mapigilan na mamangha sa painting sa akin ni Tristan. Naiuwi na niya kaya si Manang, Danica, at ako ay hindi maalis ang tingin sa canvas. It wasn’t that big but it’s enough to see the texture and the strokes of paint brushes that he used. “Ang galing mo naman, ‘nak.” Halata sa mukha ni Manang na proud siya sa gawa ng kaniyang anak. “Bakit hindi si Ate Alliana ang ginawa mong subject? Hindi mo na kailangan na i-paint si Miss Charlotte dahil likhang sining na talaga siya.” Nabura ang ngiti ko sa sinabi ni Danica. Alliana? Sino na naman si Alliana? Ang daming babae ni Tristan. “Kasi ayaw ko, saka gusto kong mahirapan.” Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng mag-tito na ito at hindi ko masabayan? Napansin ni Tristan ang masamang tingin k

