“Let’s talk,” Napalingon ako sa lalaking nagsabi noon. Tumayo lang ako sa table para kumuha ng makakain, hindi ko alam na nakasunod agad siya. Ako lang ba ang pinagtutuunan niya ng pansin sa buong oras na nandito siya? Nagpanggap ako na walang naririnig. Pagtapos kong kumuha ng pagkain ay bumalik ako sa lamesa. Wala na si Austin, hindi ko alam kung saan nagpunta. Mas mabuti iyon dahil hindi ko rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan. “Anong mayroon sa inyo ni Austin?” Bahagya pa akong nagulat na nakasunod pa rin siya hanggang sa table ko. Katulad ko ay umupo siya sa may tabi kong upuan. Ang isang kamay niya ay idinantay niya sa likod ng upuan ko. And now, the piercing eyes looking at us doubled. Bakit hindi naman sila hindi titingin? Sunod nang sunod lang naman sa akin ang lal

