I had a meeting with my client. Dahil ilang araw na rin simula ng magreklamo sila sa akin ay nakakalap na rin ng ibang ibidensiya na pwedeng magamit sa oras na maisalang kami sa korte. Hindi na rin malabo na sa mga oras na ito ay alam na ni Mayor Marquez na ako ang humahawak sa kaso niya. “Kawawa sila, balita ko hanggang ngayon ay wala pa rin silang mahanap na matitirhan at trabaho dahil sa nangyari.” Pareho naming pinanood ni Pia ang paglisan ng ilang membro ng magsasaka. “Did you send them the groceries?” tanong ko. “Ah, yes. Tulad ng sinabi niyo, hindi ko pinabanggit kung sino ang nagbigay.” “Good. By the way, do I have any other appointments today?” Agad niyang kinuha ang tablet para makita ang schedule ko. “Ah, yes. You have an appointment with the managing principal of Felic

