Kabanata 17

1824 Words
Ibinigay na kanina pa ni Manang ang numero ng magulang ko pero ilang beses na akong tumatawag ay wala pa ring sumasagot. “Wala pa rin?” nag-aalalang tanong sa akin ni Danica. Mapait ang ngiti na umiling ako sa kaniya. “Baka busy, susubukan ko bukas.” Dumating ang bukas, susunod na bukas, linggo, hanggang sa loob ng dalawang buwan ay hindi sinagot ang mga tawag ko. Hindi ko na rin nakita si Manang na nakipag-usap sa kanila. “Patingin ng schedule mo,” wika ni Patrick. Patrick and I continue being together. Hindi pa rin kami madalas magkita dahil bantay sarado kami ni Danica rito sa bahay. But sometimes I will sneak out from Tristan—siya lang naman itong kontrabida sa akin. Kapag siya pwedeng lumabas-labas sa gabi kasama girlfriend niya pero ako bawal? “Here,” iniabot ko sa kaniya ang certificate of enrollment ko. Nasa isang convenient store kami. Hindi nakapasa si Patrick sa YSU dahil mababa ang nakuha niyang score noong entrance exam. Ako lang ang nakapasa sa amin dalawa. He enrolled in a private university near our old school. Habang ako ay ngayon lang nakapagpa-enroll, sinamahan niya ako. “Halos wala kang vacant, kaya mo ba?” he asked. “Why not?” I asked back. “Hindi naman sa minamaliit kita. Nag-aalala lang ako na wala ka ng magiging oras para sa sarili mo… para sa atin.” The relationship of him and I is not that deep. Alam kong kami pero hindi ko maipagkaiba ang kaibigan at sa kung anong mayroon kami. I am happy that he is with me but sometimes I wish that he could also give me some time alone. Sinasabi ko iyon sa kaniya pero ang iniisip niya ay galit ako sa kaniya. Hindi na ba pwedeng magkaroon ng alone time kapag nasa relasyon ka na? “Kaya ko, tutal naroon din si Tristan. He can help me when I need a hand.” He sighed deeply. “Bakit sa kaniya pa?” I look at him wondering. “Bakit hindi sa kaniya?” Isa rin sa napansin ko habang tumatagal ay marami na rin siyang napupuna. Every little thing he will ask me. “Sinasabi ko na sa ‘yo noon pa, babe—nagseselos ako sa kaniya.” I chuckled. “Nagseselos ka sa kaniya? I don’t like him; he does not like me either. Para na nga kaming aso’t pusa.” Napakamot siya sa ulo niya. “Kahit na, may kakaiba sa inyong dalawa kapag magkasama kayo. You seem comfortable with each other. Ikaw na mismo ang nagsabi, hindi kayo magkaano-ano. What if he likes you secretly?” “I doubt it, Patrick. May girlfriend siya.” “Hindi iyon nagge-girlfriend. Mga pampalipas init at stress niya lang ang mga babaeng ‘yon.” Hindi ko alam pero nag-init ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya. I am not that innocent anymore. Since Patrick had become my boyfriend, I have researched a lot of things. Marami akong natutunan sa internet, hindi lang ang halikan. We never had our first kiss together. Hindi ko lang kung nahihiya ako o hindi ako ready. Hindi rin naman nagpapakita ng motibo si Patrick na gusto niya akong halikan. Was it because he knew that I didn’t know how to kiss? Nahihiya lang akong itanong. Inihatid niya ako sa bahay. Wala na naman si Danica, nag-message siya sa akin na pupunta siya kina Elena. Si Manang ay paniguradong nasa palengke na naman. Wala rin si Tristan dito sa bahay. Magpapahinga na lang sana ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Danica. Nasa Mahiwagang ilog daw sila. Ilang buwan na rin simula ng nakapunta ako roon kaya sumunod na ako sa kanila. I don’t plan on getting myself wet. Gusto ko lang talaga mag-relax doon. Nag-tricycle na ako papunta. Pagdating ko ay naabutan ko na medyo maraming tao. I noticed a group of people which includes Tristan. Nasa iisang cottage sila. Siya agad ang nakita ko—he was laughing at someone’s joke. Nakaupo siya sa mahabang upuan na gawa sa bamboo habang may babae sa tabi niya na halos lumingkis na sa kaniya. “Charlotte!” Lumapit sa akin si Javier na walang suot na pag-itaas. Basa na ang buong katawan niya dahil galing siya sa pagligo. “Buti napadaan ka rito?” nakangiti niyang tanong. Sa likod niya ay naglalakad na palapit si Elena at Danica. “Ah, nag-message si Danica na narito raw kayo. Wala akong kasama sa bahay kaya nagpunta na lang ako rito.” May cottage din pala na nakahiwalay. Hinila ako papunta sa kabilang cottage kaya lang ay hindi maiwasan na tignan ulit ang kabila. Maraming alak at iba’t ibang pulutan na nasa lamesa nila. Napatingin ako sa table namin, puro chips lang nakalagay. “Hindi ka maliligo, Miss?” tanong ni Danica. Umiling ako. “Hindi na muna, magliliwaliw lang ako ng tingin. Balik na kayo sa tubig kung gusto niyo.” Si Danica at Elena lang ang bumalik sa tubig kaya naiwan kaming dalawa ni Javier. Kumuha ako ng chips at iyon na lang ang kinain. “Buti hindi mo kasama ‘yong boyfriend mo?” maingat niyang tanong bago rin kumain. “Halos ayaw na no’n humiwalay sa ‘yo.” “Magkasama kami kanina, sinamahan niya ako na mag-enroll.” Tumango-tango siya. “Mahal mo?” sunod nitong tanong na ikinatigil ko. Do I love him? No. “Gusto ko siya bilang kaibigan,” I answered with honesty. Agad na nagtaka ang mukha niya. “Bakit mo pinayagan na maging kayo kung hindi mo naman pala mahal?” “Experience? Gusto kong ma-experience lahat.” Natatakot ako na baka dumating ang araw na kailangan ko ng bumalik sa dati kong buhay ay hindi ko na magagawa lahat ng ito. I have actually a list of the things I need to do before I go back to my previous life. Bahagya siyang natawa. “Kung makapasalita ka ay parang may taning na ang buhay mo, ah? Bata ka pa naman, makakapaghintay ‘yan mga—” “Javier! Bili mo nga kami ng yelo!” sigaw sa kabilang cottage. Umungot si Javier dahil sa inis kaya napangiti ako. “Gusto mong samahan kita?” Umiling siya. “Huwag na, gagamitin ko na lang motor ni Kuya para makabalik ako agad. Hintayin mo ‘ko, ah.” I nodded as I watched him leave. Ibinalik ko ang tingin sa harapan kung nasaan ang cottage ng kabila. Agad napukaw ng tingin ko si Tristan kasama ‘yong babae na pumasok sa mapuno at masukal na daan. “Hindi iyon nagge-girlfriend. Mga pampalipas init at stress niya lang ang mga babaeng ‘yon.” Mariin akong napalunok nang maalala ang sinabi ni Patrick. Pumasok sila sa kung saan walang tao… Are they going to do it there? Dahil sa kuryosidad ay umalis ako sa pagkakaupo para sundan sila. Tahimik kong tinahak ang daan kung saan sila pumasok. Nangati agad ang legs ko dahil masukal ang daan. Kung alam ko lang ay sana nag-jogging pants man lang ako. Luminga-linga ako nang wala ni anino nila ang makita ko. I walked further to look for them but to no avail, I saw no one. Pabalik na sana ako nang malito kung saan ako dumaan kanina. Naglakad na lang ako kung saan nagbabakasakali na makabalik pero nahilo lang ako kung saan ba talaga. Bakit ko pa kasi sila sinundan? This is such a bad idea. Bumundol ang kaba ko nang mag-iilang minuto na ay hindi ko pa rin nahahanap ang daan. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ngunit naalala ko na naiwan ko pala sa may table sa cottage. “Oh, no. This is really a bad idea. Please, I won’t do it again.” Kinalma ko ang sarili sa pagbulong-bulong ko. I screamed when I heard a noise not from far away. Parang tunog ng dahon na tinatapakan ng higante. “M-May tao diyan?” kinakabahan kong tanong. Luminga-linga ako pero wala akong napansin na kahit sino. Walang sumagot pero narinig ko muli ang ingay kanina. Dali-dali akong tumakbo palayo. Kaya lang napatili ako ng sobrang lakas ng may humawak sa bewang ako. Mariin akong napapikit nang tumama ang likod ko sa matigas na bahay. Tahimik akong humikbi dahil sa takot. Is this my end? Am I going to die? Wala pa akong the first kiss? “Buksan mo mata mo,” tinig ng baritonong boses. It sounds so familiar. Umiling ako, ayaw kong buksan ang mga mata ko dahil kinakabahan ako sa takot. “Senyorita, anong ginagawa mo sa gitna ng kakahuyan?” Doon na ako unti-unting nagdilat ng tingin. Malabo ang patingin ko noong una dahil napadiin ang pikit pero kalaunan ay lumiwanag din. Bumungad sa akin ang mukha ni Tristan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. He is pinning me on the tree’s trunk. Ang isang kamay niya ay nasa tabi ng ulo ko habang ang isa naman ay humahawak sa bewang ko. Sinilip ko ang likod niya. “Nasaan ‘yong kasama mong babae kanina?” mahina kong tanong sa kaniya. “Sinundan mo kami?” tanong nito. Napaiwas agad ako ng tingin sa kaniya. Sa klase ng tanong niya ay parang inaakusahan niya na ako. “N-No… nakita ko lang kayo kanina.” “Tapos sinundan mo kami,” sigurado niyang bigkas. Napatingin ulit ako sa kaniya. “Hindi ko kayo sinundan. Kung sinundan ko kayo ay sana naabutan ko kayo noong nagpunta ako rito, hindi ba? Hindi ko kayo sinundan, nagpahangin lang ako.” He chuckled. “Nagpahangin? Bakit? Wala bang hangin sa ilog? Ang alam ko mas malakas at malamig ang simoy ng hangin doon.” “Ah, basta, hindi ko kayo susundan. Bakit ko naman kayo susundan dito?” His smirk grew bigger. “Hindi ko alam, sabihin mo sa akin bakit mo kami sinusunda. Are you expecting something?” Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya. Saka ko lamang napansin na sobrang lapit pala namin sa isa’t isa. “W-Wala ‘no! Hindi ko nga kayo sinusundan. May mapapala ba ako kung susundan ko kayo? Baka kung ano pa ang makita ko kapag sumunod talaga ko. Excuse me!” Walang lakas ko siyang tinulak pero nagpatulak naman siya. Nagmamadali akong umalis. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi dahil sa sobrang init noon. Gosh, he is really something else. Hindi man lang siya nahiya o itinanggi man lang na walang nangyaring kababalaghan dito. Kanina hindi ko alam ang daan pero nagulat ako nakalabas agad ako sa kakahuyan. “Oh, saan ka galing? Bakit namumula ka?” tanong ni Elena. Tapos na yata siyang maligo dahil may twalya nang nakabalot sa kaniya. “Diyan lang. A-Akala ko mas mahangin sa may kakahuyan, mainit pala.” Namilog ang mata niya. “Nagpunta ka roon? Maraming mababangis na hayop doon, huwag ka na ulit pumunta, ah.” Hinding-hindi na talaga ako babalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD