Namilog ang mata ko sa nasaksihan. He continues chewing the cupcake and every bite makes me dizzy. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Ang nakakalahati na niyang cupcake ay kinuha ko sa kamay niya nang akma niya itong issues. “Ay! Ang bastos–” “This isn’t yours, why did you eat it?” Pilit kong kinalma ang tono ng pananalita ko pero lumabas pa rin iyon bilang mariin at gigil na gigil sa kaniya. Masama ang tingin niya sa kalahati ng cupcake na nasa kamay ko. May dumi pa ang gilid ng labi niya. Sobrang sama ng loob ko sa pagkain niya rito. Hindi naman sa kaniya pero bakit niya kinain? “Malamang nasa lamesa. Kung sa ‘to sana tinabi mo sa damitan mo para hindi ko nakita at nakain.” “But still, sana nagtanong ka na muna. Paano kung ibibigay ko ‘to sa kaibigan ko para iregalo?” Nilagp

