Itinulak ko siya nang maamoy na parang may nasusunog. Sakto rin na may tunog ng sasakyan na pumasok sa garahe niya. Nagpatulak naman siya at mabilis na binalikan ang niluluto. Mabilis kong inayos ang mukha. “Anong amoy ‘yon? Amoy sunog!” Hindi ko nagawang lumingon agad nang marinig ang boses na ‘yon. I stilled for a second. “Oh, my goodness! May jowa ka na sa wakas?” tili ni Danica. Doon ako unti-unting humarap. I was shocked to see Danica get so tall. Bumaba ang tingin ko kay Manang na nakaupo sa wheelchair. Silang dalawa ay hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. “M-Miss Charlotte?” gulantang niyang banggit sa pangalan ka. “Hindi naman ako nananaginip, hindi ba?” “H-Hija, ikaw na ba ‘yan? Jusko, ang laki mo na.” I smiled painfully at them. Tumayo ako naglakad. Hindi ko alam

