Madalas akong nakakakita ng condom sa mga kaibigan ko. Padamihan pa nga sila ng koleksyon. Pero dahil mabuting binata lang ako, isa lang ang binili ko at ilang buwan ko rin 'yung itinago sa pitaka ko. Isang beses ko lang iyon nagamit noong nagsarili ako at mula no'n hindi na ako bumili pa ng gano'ng bagay. Saan ko naman gagamitin iyon? Wala naman akong natitipuhang babae para alokin ng s*x. At isa pa, busy ako sa pag-aaral. Sinayang ko lang ang pagkakataon kong makapag-aral sa private school dahil sa pagkaka-adik ko sa sugal.
Puro aral lang talaga ang inatupag ko noong 1st year at 2nd year college ako pero noong tumuntong na ako sa 3rd year, doon na nagsimulang gumuho ang mga pangarap ko. BSCS sana ang kurso ko pero ngayon bumagsak ako sa bahay ni tita, imbes na makapagtapos ako sa pag-aaral mukhang dito matatapos ang buhay ko.
"H-Hindi ko alam, wala akong dalang condom sa bag ko. Baka sa'yo 'yan?"
"Hindi rin ito sakin." umiling-iling si Raph habang lumabas ng kuwarto.
Pumikit na ako dahil sa gusto ko na talagang matulog. Gusto kong kalimutan ang nangyaring kahalayan sa akin kagabi pero tumatatak pa rin iyon sa isipan ko kahit anong gawin kong pagpikit. Kung hindi si kuya Raph 'yon, baka ibang houseboy 'yon ni tita Joy at ako ang napagtripan. Nakakabuwisit! Kailanman ay hindi ko hinahayaan ang sarili ko na baboyin ako ng iba pero wala akong magagawa nandito ako sa bahay ni tita Joy kaya kailangan kong mag-adjust. Kasalanan ko rin, hindi ako nakapagpigil at nilamon ako ng libido kagabi. Okay lang sana kung si kuya Raph ang gumawa no'n pero iba, eh. Ibang tao pala 'yon at hindi ko pa nakikilala. Naisahan niya ako habang natutulog.
"Goodnight, Hart." sabi ni Raph na ngayon ay kakabalik lang sa kuwarto. Napansin kong hindi na niya hawak-hawak ang condom, baka itinapon na niya iyon.
"Sige. Nyt din." inaantok kong tugon.
"Pasensya na talaga, Hart. Kasalanan ko 'to, eh. Kung ni-lock ko lang sana ang pinto ng kuwarto mo ay hindi ka na papasukin pa dito ng ibang houseboy."
"Hindi mo kasalanan 'yon, Raph. Kung ni-lock mo ang pinto, edi hindi ka na rin makakapasok. Saan ka pa matutulog kung gano'n?" tanong ko.
"Kaya ko naman matulog sa hardin, may mga bench do'n. Kung ni-lock ko lang sana yung pinto, 'di ka na sana maiisahan. Sorry talaga, Hart."
"Wala iyon, sige na. Magpahinga ka na. Magpahinga na tayo." sabi ko at pinatay na niya ang ilaw. Sinugarado naman naming naka-lock na ang kuwarto ko kaya mahimbing na akong makakatulog.
Mr. Roeland, ako po si Howard. Alam niyo po bang may utang sa akin ang anak ninyo na nagkakahalaga ng isang-daang libo? Nandyan po ba ang anak niyo?
Wala, wala siya dito. Matagal na namin siyang hinahanap.
Kung gano'n, bayaran niyo itong utang ng anak niyo. Kung hindi papabagsakin namin buong pamilya niyo sa isang putok lang.
Howard, wala kaming ganyang kalaking halaga. Pakiusap, ibaba mo na ang baril, kayo ng mga kasama mo, ibaba niyo na ang baril. Babayaran namin kayo sa sususunod na araw.
Hindi. Hindi ako pumapayag. Kailangan matapos na ang lahat ngayong gabi.
"BAAAANG!"
"Hindeee!!!!" malakas kong sigaw. Kitang-kita ko kung paano papatukan ng baril ang mga magulang ko. "Mga kapatid ko, ililigtas ko kayo!"
"H-Hart? Gumising ka!"
Ikaw pala, Brethart. Saan ka nagtatago? Bakit ngayon ka lang dumating kung kelan huli na ang lahat.
"Maawa ka sa pamilya ko, Howard! Wala kang puso! Dapat ako na lang ang pinatay mo at hindi ang mga magulang ko. Wala silang kasalanan. Ako ang harapin mo!" malakas kong sigaw sa kanya pero humalakhak lang siya.
"HART! Nananaginip ka! Gumising ka na, pakiusap!"
Narito na ang mga kapatid mo. Ay may naisip akong magandang ideya. Kapalit ng utang mo, mamili ka sa kanilang dalawa kung sino ang ililigtas mo at isa sa kanila ang mamamatay dahil sa kasalanan mo. Mamila ka! Si Sean o si Chiro?
"Wag! Ako na lang ang patayin mo! Ako na lang!"
"Putang ina, Hart! Gumising ka na! Parang awa mo na!
"BAAAAANGGGG!"
Napatayo ako dahil sa takot. Isa sa mga kapatid ko ang namatay at ang isa naman ang nabuhay. Hindi ko maalala kung sino. Pagtayo ko ay si Raph agad ang bumungad sa akin. Huminga ako nang malalim. Panaganip lang pala ang lahat. Pero isa na 'yon sa nakakatakot kong panaganip. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kung kaya't gano'n na lamang ako matakot na mawala sila sa akin. Ayos na ako ang mawala, huwag lang sila. Wala silang kasalanan, ako ang may kasalanan kaya dapat ako ang magdusa. Kaya heto ako na ang lumayo sa kanila at pinagbabayaran ko ang kasalanan ko sa pamamagitan ng pagtira kay tita Joy kung saan namulat ako sa kakaibang mundo.
"Kanina pa kita ginigising, ano bang nangyayari? Anong napanaginipan mo?" pagtatanong niya.
"Yung pamilya ko. Nanganganib sila, kuya Raph." napatingin ako sa mga mata niya. Umiwas ako agad dahil naalala ko lang ang mga kinuwento niya sa akin. Naalala ko kung paano ko rin maalala ang pamilya ko kapag tumitingin ako sa mga mata niya.
"Bakit nanganganib? Sabihin mo, pano ba kita matutulungan, Hart?"
"Gusto kong bumalik sa bahay, gusto ko silang puntahan. Gusto kong siguraduhin kung maayos nga ba talaga sila."
Tumango si Raph bilang pagsang-ayon niya sa plano ko. Pinagsuot niya ako ng jacket at saka ng shades upang hindi ako makilala ng mga tao. Nagsuot din ako ng pambabaeng wig na kulay itim para hindi na talaga ako makilala. Nagpapasalamat ako kay Raph dahil tinulungan niya ako sa plano ko. Kahit na hindi pa ako handang bumalik, nakayanan ko dahil katulong ko siya, kaalyado sa planong gusto kong gawin.
"Malapit na ba tayo, Hart?" tanong ni kuya Raph.
"Oo, dito lang tayo sa tapat ng gate mag-abang." ang sabi ko. Normal naman ang bahay. Walang lumalabas o pumapasok. Tatlong gabi na rin akong nawala sa bahay na dati kong tinutuluyan. Sobrang namiss ko na ang mga tao doon lalo na ang mga kapatid ko. Kumusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?
"Hart, may tao, parating."
Napukaw ang mga mata ko sa isang binatang paparating malapit sa bahay. Hindi naman niya kami napansin at tuloy-tuloy lang siya hanggang sa gate namin. Taimtim kong minukhaan kung sino ang lalaking iyon. Pamilyar na pamilyar ang lalaking ito sa akin, ano naman kaya ang ginagawa niya dito sa bahay namin? Ano kayang pakay niya?
"Kilala mo ba yan?" mahinang tanong ni Raph.
"Oo, kaibigan ko. Si Zyrill ang lalakeng 'yan." tugon ko kay Raph. Napansin kong may sumunod din sa likuran ni Zyrill. "s**t! Bakit nandito rin si Troy?"
"Mga kaibigan mo 'yang mga 'yan?"
"Oo, at sila din ang nakaka-alam na may malaki akong utang kay Howard."
Tumayo si Raph. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niyo pero agad ko siyang pinigilan. "Bakit? Sisilip lang ako doon sa loob ng bahay niyo."
"Huwag na, umuwi na tayo." hinila ko siya. Pagkaharap namin sa daan namataan kong paparating si Howard. Kalmado lang ako na naglalakad at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Raph upang manapansin niya na magkasintahan kami at hindi niya ako makilala. Tumingin lang siya sa akin pero hindi naman niya ako nakilala dahil na rin sa wig at shades na suot-suot ko.
Umuwi na kami sa mansyon at nagpahinga. Pinayagan na rin naman si Raph na tumuloy dito sa kuwarto ko kaya malaya ko na siyang nakakasama rito. Para kahit papano hindi naman ako ma-bored. Malaking tulong si Raph para sa akin. Sa tingin ko siya ang makakatulong sa akin sa mga problema ko.
"Muntik na 'yung kanina." napabuntong-hininga ako.
"Bakit? Kilala mo ba 'yung lalaking nakasalubong natin kanina no'ng hinawakan mo ako sa kamay?"
"Oo, ayun si Howard. Ayun yung taong iniiwasan ko dahil nagkaroon ako ng malaking utang. Hindi ko alam kung saan 'yun papunta. Pero sana huwag naman sa bahay."
"Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang kaibigan mo sa loob ng bahay niyo kanina?"
"Yun ang hindi ko alam." natulala na lang ako habang iniisip ko ang mga posibleng mangyari sa bahay. Baka mamaya alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa pagkakabaon ko sa utang. Ano nang gagawin ko? Wala namang ganoong kalaking halaga si dad para mabayaran si Howard. Siguro kung pumayag ako sa gusto ni Howard, natapos na ang gulong ito. Kinalimutan na niya sana ang tungkol sa utang kung pumatol na lang ako sa kanya.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah. Humingi ka na kaya ng tulong sa tita mo? Pare, Hart, kung mahal mo ang mga magulang mo hindi mo sila iiwan, hindi ka aalis ng wala silang alam. Kung mahal mo sila, gagawa ka ng paraan."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Raph. Tama siya, kung mahal ko talaga ang pamilya ko. Hindi ko sila tatakasan ng dahil lang sa pagkakautang. Kailangan ko gumawa ng paraan. Kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat. Bago pa humantong ang pamilya ko sa nangyari sa panaginip ko.
"Bret? Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ni tita. Ito ang unang beses ko na makapasok sa kuwarto ni tita Joy. Tinuro lang ito sa akin ni Raph. Kulay pink lahat ng nakikita ko sa kuwarto ni tita. Masyado nga lang mahalay dahil may mga larawan ng mga lalaking nakahubo't-hubad sa pader. Maganda rin ang pagkakadisenyo. Napakalaki ng kama niya kaysa sa kama namin ni Raph sa kuwarto.
"Kailangan ko ng pera, tita. Matutulungan mo ba ako?" nilabas ko na ang totoong pakay ko kung bakit nandito ako sa mansyon niya. Nangungusap na ang mga mata ko ngayon. Kailangan kong gawin ito para sa pamilya.
"Bret, tulad ng sabi ko. Kung papayag ka gumawa ng content sa isang pribadong site, matutulungan kita sa problema mo. Hindi lang libo-libo ang matatanggap mo, puwede pang umabot sa milyon depende sa views ng gagawin mong content."
"Pano kung makilala ako? Pano kung malaman nila ang totoong pangalan ko?" tanong ko.
"Bret, iibahin natin ang hitsura mo. Aayusan kita para mas lalo ka pang maging gwapong tingnan sa harap ng kamera. At itatago kita sa isang pangalan. Pangalan na sigurado akong tatatak sa mga manonood. Ano kaya kung... itago kita sa pangalan na Hudas?"
"Hudas?" gulat kong tanong. "Ba't naman Hudas?"
"May isang sikat na lalake doon sa site at gusto kong tapatan mo ang lalakeng iyon. Gusto kong tapatan mo si alyas Anghel. Alam kong kaya mo siyang tapatan, Bret. Mas maganda ang katawan mo kaysa kanya. Mas lamang ang gandang lalaki mo kaysa kanya."
"Paano po ba ako makakapagsimula?"
"Ito ang camera." binigay niya sa akin ang isang mamahaling camera. "Bigyan mo muna ako ng sample. Gusto kong magsarili ka habang bini-videohan mo ang sarili mo."
"P-Po?" pautal kong tanong.
"Bret, kung gusto mong magkaroon ng pera, huwag mo nang sayangin ang pagkakataon. Video lang ang gagawin mo, hindi ka nila makikilala dahil sa alyas mo. Video lang, at magkakaroon ka na ng malaking pera."
Lumabas na ako ng kuwarto ni tita. Gagawin ko ba talaga 'to? Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko? Dapat ko talagang gawin ito. Kasalanan ko ito kaya dapat ako rin ang gumawa ng solusyon sa problema ko. Dapat na akong kumilos hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa pamilya ko. Para matapos na ang problemang ito.
"Ano 'yan? Magsisimula ka na? Magvi-video ka na?" tanong ni Raph.
"Oo sana, pero wala ako sa mood." ang sabi ko at bigla niyang hinimas ang harapan ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Hindi ka pa kasi libog kaya wala ka talaga sa mood. Hayaan mo akong patigasin iyang tinatago mo para makapagsimula ka na sa pagvi-video."
Pinaubaya ko muna ang sarili ko sa kanya. Aayaw-ayaw pa ako noong una sa mga ganitong bagay pero bandang huli magbabago pala ang ihip ng hangin. Sa inaayawan kong bagay din pala ako babagsak. Sa inaayawan kong bagay din pala ako magkakaroon ng pag-asa.