CHAPTER 15 SAFARA POV Tatlong araw na ang nakalipas simula noong magkita kami ni Neo sa Restaurant. Pagkatapos din ng araw na iyon ay naging busy na rin si Kezz, minsan nalang siya kung makapunta sa bahay at bisitahin ang mga anak ko pero naiintindihan naman namin siya, meron siyang trabaho na kailangang unahin bago kami. "Ma'am Safara, meron pong naghahanap sa inyo sa labas ng bahay," Napatingin ako kay manang na pumasok siya sa kusina. Naghuhugas ako ng pinagkainan namin kaninang umagahan. Ang kambal ko ay naliligo, pinaliliguan ito ni mama. Sa susunod na linggo ay aalis na rin si mama, susunod ito kay Daddy sa states para ayusin ang iba naming negosyo. "Sino daw po, manang?" Tanong ko. "Asawa niyo daw po?" Nagtatakang tanong nito. Nahinto ako sa paghuhugas ng plato. Asawa? B

