#SMfinaleNeoPOV Inubos ni Neo ang kaniyang oras sa trabaho. Alak. At babae. Gusto niyang makalimutan kahit saglit si Safara. Yung kirot. Yung sakit. Bakit ba kasi iniwan siya ni Safara? Sa loob ng isang linggo wala siyang ginawa kun’di lunurin ang sarili sa alak at babae, nakalimutan na niya ang trabaho niya. Ang kompanya niya ay pabagsak na and damn it! Wala si Safara at ang mga anak niya na pinagkukunan niya ng lakas upang lampasan ito. Hindi ka na niya kailangan, maghihirap ka na Neo. Once na humirap ka na iiwan ka rin ni Safara. Ano nalang ang magagawa mo sa kaniya kapag wala ka ng pera, hindi mo na mabibili lahat ng gusto niya. Wala ka ng silbi sa kaniya. Lahat ng sinabi noon ni Mara sa kaniya ay tumatak sa kaniyang isipan. Kapag naghirap siya ay mawawala si Safara sa kaniya,

