CHAPTER 1
SAFARA POV
8 Months later...
"OO, tanga ako! Inaamin kong tanga ako, Neo. Pero hindi pa ako nasisiraan ng ulo para hindi malaman na ginagago mo pa rin ako hanggang ngayon!" Hindi ko maiwasang taasan ang boses ko. Marahas kong tinulak ang kaniyang braso. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko. Hindi ko mapaliwanag ang sakit dahil sa nalaman ko. "Ni hindi mo magawang magsalita. Dahil ba totoo ang ibinibintang ko sa ‘yo? Na may babae ka, Neo? Tama ba?" tuloy tuloy sa pagtulo ang bigo kong mga luha dahil kay Neo. “Paulit-ulit na lang tayo, Neo! Pero sige, titiisin ko. Magsasawa ka rin sa bisyo mong pambababae.”
Ang buong akala ko'y hindi na niya uulitin pa ang ginawa niyang panloloko sa akin dahil nagpakasal na kami. Pero anong ginawa niya? Sinisira niya ang tiwala ko at sinasaktan ako ng paulit-ulit.
"This is what you want, right?" Walang emosyon niyang wika. Kahit na ang kaniyang ekspresyon ay blanko.
"Hindi ito ang gusto ko, Neo."
"You forced me to marry you because this is what you want, Safara." Mahina ngunit mariin niyang bigkas. Umigting ang kaniyang panga nang dahil siguro sa pinipigilang galit.
Mahigpit ang pagkahawak niya sa aking braso. Pakiramdam ko ay babakat ang mga kamay niya rito. "Kaya huwag kang umasa na taratuhin kita na tunay kong asawa, Safara. Ibalik mo ang anak ko," diretso ang kaniyang mata sa aking mata. Nakikita ko na nasasaktan siya. Kita ko ang galit at sakit sa kaniyang mga mata. "Baka sakaling bumalik ang lahat sa dati." Pinakawalan niya ang aking braso mula sa kaniyang mahigpit na pagkakahawak at iniwan akong nakatulala.
Ito nga ba ang gusto ko? Nanghihina akong sumandal sa pader. Hindi ito ang nais kong mangyari sa ating dalawa, Neo.
Walang asawa na ginusto na taratuhin ng asawa nila na parang wala lang. Gusto ko na mahalin niya ako, gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko kasalanan na malaglag ang bata sa sinapupunan ko. At lalong hindi ko ginusto iyon! Sino ba ang may gusto na mamatay ang sariling anak sa sinapupunan pa lamang? Wala. Walang Ina na gustong mamatay ang sarili nilang anak.
Aksidente ang nangyari. Walang may gusto na mawala ang anak namin ni Neo. Akala ko okay lang sa kaniya. Bakit habang tumatagal ay nag iiba na ang pagtrato niya sa akin? Dahil ba ito sa babae niya?
ANONG oras na ay wala pa rin si Neo hanggang ngayon. Hindi na naman ba siya uuwi? Ilang araw na siyang hindi rito nagpapalipas ng gabi. Kahit na sabihin niyang sa kaibigan niya siya nagpapalipas ng gabi ay hindi ako naniniwala. Hindi ako pinanganak kahapon upang hindi malaman na sa babae niya lang siya pumupunta gabi gabi!
"Tama na, anak." Ramdam ko ang pagmamahal sa yakap ni Mama. "Tahan na."
"Hindi ko na kaya, Ma. Sobrang sakit. Hindi ko mapaliwanag yung sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib na 'to!" Mariin kong bigkas habang hinahampas ang dibdib ko kung saan sobrang pinipilipit sa sakit. Kahit ang mga luha ko ay hindi ko mapigilan dahil sa sobrang sakit. "Hindi namin nais na mawala sa amin si Nile, Ma. Pero bakit ganoon? Ang unfair ng panginoon! Ang unfair unfair! Kung kailan masaya na kami. Kung kailan unti unti nang natatanggap ni Neo ang anak namin at ako saka pa nawala ang magiging anak sana namin ni Neo, Ma"
"Huwag mong sisihin ang panginoon anak."
"Kung hindi siya, sino po? Ako? Ako na tanga? Ako na nagmahal sa taong hindi ako ang mahal? Ako na nagmahal lang at nais na mahalin din ng taong mahal ko?"
"Huwag kang ganiyan anak. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. At may plano ang panginoon sa inyo kung bakit nangyari ang trahedyang iyon sa inyong dalawa ni Neo."
"Sobrang sakit, Ma! Sa tingin ko'y hindi na maayos pa ang sa aming dalawa ni Neo. Hindi niya ako mahal! At simula pa lang ay alam ko na 'yon pero pinagpilitan ko pa rin kasi ang tanga tanga ko! Nagpakatanga ako sa taong alam ko na kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin!"
"Huwag kang mag alala anak. Babalik din ang lahat sa dati. Matututunan ka rin mahalin ng asawa mo. Balang araw, balang araw, Safara. Matututunan ka rin mahalin ni Neo."
Bigo akong umiling at pinunasan ang luha ko. "Imposible na 'yon, Ma. Imposible na mahalin pa ako ni Neo. Wala na ang anak namin. Wala na si Nile. Wala na yung batang dahilan para mahalin pa ako ni Neo."
"Sa tingin mo ba ay dahil lang sa bata kaya ka mamahalin ni Neo? Where's my daughter, Safara? Where's my superdaughter na kayang paamuhin ang lahat ng lalaki sa kaniya? Nasaan na yung anak ko na mataas ang tingin sa sarili? Nasaan na yung anak ko na---"
"Ma, please stop."
Bumuntung hininga na lamang si Mama. "Ano na ang plano mo ngayon, anak?"
"Nakapagdesisyon na ako, Ma. Sasama ako sa'yo sa states. Gusto kong mawala ang sakit. Gusto kong makalimot. Gusto kong mawala 'tong sakit na 'to kahit saglit." Tinuro ko ang puso kong nasasaktan. "Ayaw ko nito. Ayaw ko nito kasi para akong pinapatay sa sobrang sakit, Ma."
"Naiintindihan kita, anak. Pero, nasabi mo na ba sa asawa mo ang naging desisyon mo? Kailangan niyang malaman na sasama ka sa akin sa states. Asawa mo pa rin siya."
"Para saan pa? Para pagtawanan niya ako, Ma? Wala naman siyang pakialam sa akin. Bakit kailangan ko pang sabihin sa kaniya?"
"Because he is still your husband."
"WHERE have you been?"
"Ikaw. Saan ka galing?" Balik tanong ko kay Neo.
Kumunot ang perpekto niyang noo habang nakatitig sa akin. "Don't test me, Safara. I'm asking you and you answer me a question? Isn't that rude?"
"Kung papasukin mo kaya muna ako sa loob hindi yung dito tayo sa labas nag uusap di ba?" Puno ng pang uuyam ang tono ng aking boses. Hindi ko alam kung saan galing ang tapang na mayroon ako ngayon.
Saglit siyang tumitig sa akin at pumasok sa loob. Sumunod ako sa kaniya at sinarado ang gate ng bahay.
"Do you know what time is it, Safara?"
Saglit akong tumingin sa relo ko at sinagot ang tanong niya. "12:58 in the morning," wika ko sa kaniya.
Tumango tango siya at halatang naiinis na. "Yeah. 12:58 in the morning," dahan dahan siyang lumapit sa akin at bumulong sa tainga ko. "In your opinion, uwi ba 'yon ng isang babaeng may asawa, Safara?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero hindi ko dapat pansinin iyon. Kahit na nanghihina ako ay lumayo ako ng kaunti sa kaniya. "Ikaw. Tanungin kita. Nauwi ka pa ba?"
I smirk nang hindi siya nakapagsalita. "Na pipe ka." Tumaas ang gilid ng labi ko.
Hinilot niya ang sentido niya at parang namamangha na naiinis na tumitig sa akin. "I have a work that I need to finish, woman."
"Oh, really? You have a work, Neo?" tanong ko. Tumango tango ako na parang naiintindihan siya. "Dahil ba diyan sa work mo na 'yan nakalimutan mong may asawa ka na dapat inuuwian sa malaking bahay na 'to? Na yung asawa mong iyon ay mag isa sa malaki at tahimik na bahay na 'to? Ha, Neo?"
"I'm only asking! Where the f**k did you go?! Kung saan saan na napunta 'tong pag uusap na 'to."
"Kung ganoon ay sana hindi ka na lang nagtanong nang hindi kung saan saan napunta ang pag uusap na 'to di ba?"
"You just have to answer my damn question and we're done!"
"What if sabihin ko na sa mga lalaki ko? Sa mga lalaki ko ako pumunta at alam mo ba? Bitin na bitin pa nga kami. Hindi pa nga sana ako uuwi kasi bitin na bitin kami Neo. Bitin na bitin kami, alam mo ba 'yon?"
"Shut up. Now, I know where you've been." aniya na punong puno ng pagkadiri sa mga mata.
"Hindi pa ako tapos. alam mo ba na maraming beses naming ginawa iyon? Sa kama, sa bathroom, sa..."
"I said shut up! Can you please shut up?"
"At alam mo ba na mas magaling siya kaysa sa 'yo? Mas magaling siya Neo--"
He pushed me hard on the wall. He pulled his body closer to mine and hungrily kiss me. Sobrang agresibo ng kaniyang pagkakahalik.
"Let me go!" pilit ko siyang inaalis sa pagkakadagan sa akin at iniiwas ang bibig ko para hindi niya mahalikan pero ganoon na lamang siya kalakas para mahalikan ako ng marahas sa aking labi.
Humiwalay siya sa pagkakahalik sa akin. Parehas kaming hinihingal dahil sa klase ng paghalik niya sa akin. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung ihambing ako sa iba, Safara. Alam mo iyon" Hinihingal niyang sabi. "Di ba?" Marahas niya muli akong hinalikan. He suck my lips. Kinagat niya ang ibabang labi ko para maibuka ko ang bibig ko at kinuha niya iyong pagkakataon upang ipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko.
"P-please stop," usal ko sa gitna ng aming paghahalikan.
Agad din naman siyang tumigil sa paghalik. Sobra kaming hingal.
"Next time, don't compare me to others." anito bago umakyat ng hagdan. Pinunasan pa nito ang gilid ng labi na puno nang laway naming dalawa. Ganoon din ang ginawa ko.
Pinagmasdan ko lamang siya at ang kaniyang matipunong likod habang umaakyat ng hagdan. He always gives me shiver whenever he kissed me. But I always love his lips on my lips. Damn Neo! He always making me crazy!
KINALIMUTAN ko ang lahat nang nangyari kahapon. Masaya akong gumising ngayong umaga at nagluto ng almusal ni Neo. Ito naman talaga ang tungkulin ng mga asawang babae sa kanilang asawa di ba? Ang pagsilbihan ang kanilang kabiyak.
Gusto ko itong gawin kahit sa huli naming pagsasama ni Neo. Masakit. Masakit kasi kahit mahal ko siya ay pakakawalan ko na siya. Palalayain ko na siya dahil iyon ang nais niya. Ibibigay ko sa kaniya ang kalayaan na ninanais niya.
Mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Inilagay ko na sa isang plato ang mga niluto kong pritong itlog, bacon at hotdog.
"Good morning." Nakangiti kong bati sa kaniya pagkakita ko sa kaniya na papasok sa kusina. Mapungay ang kaniyang mukha. Kinukusot kusot niya pa ang kaniyang mata.
"Good morning." Bati niya sa akin. Kahit hindi siya ngumiti ay buo na ang araw ko.
Tumingin ako sa kaniyang maskuladong katawan. He's topless. Hindi ako makapaniwala na kahit papaano ay naging akin iyon. Na naging akin siya. Sanay siya matulog ng nakahubad ang itaas at naka boxer. Hindi kasi siya makatulog kapag nakabihis. Kailangan nakahubad siya. Ewan ko ba diyan.
Nakita kong lumapit siya sa washstand at nag mumog siguro.
Nag timpla ako ng kape niya.
After niyang punasan ang bibig niya sa towel ay umupo na siya sa mesa.
"Coffee." Inilagay ko yung kapeng tinimpla ko sa mesa niya. Ngayon ko na lang uli siya naipagtimpla ng kape.
"Thank you," aniya. No smile. No expression. No emotion. Kailan pa ba ako masasanay sa kaniya? Nginitian ko siya. Masaya na ako sa kaniyang tugon.
Tumalikod na ako at aalis na sana kasi tapos na akong mag ayos para sa almusal niya. Kakain na lang siya.
"Safara," tawag niya sa aking pangalan kaya humarap muli ako sa kaniya.
"Bakit?"
"Pumunta ka sa Condo ko mamayang gabi. I have something to tell you," aniya at tinuon na ang pansin sa kaniyang pagkain.
Ngumiti ako at tumalikod. Hindi pa rin pala niya naibebenta yung Condo niya? Natawa ako ng pagak. Siyempre. Ang iniisip niya lang ay kung paano ako idiborsiyo. At sa huli ay makauwi na muli sa dati niyang Condo. Hindi dito sa bahay naming dalawa na regalo pa sa amin ng kaniyang Ama.
NEO POV
Maybe this is the right time to give her a chance. To love her. I know that I'm starting to like her. Nalaman ko noong umamin siya sa akin kagabi kung saan siya galing.
Imagining her with other man wants me to break that mans neck. I want to kill him for touching my wife. Damn it! Hindi ko maintindihan sa sarili ko ang nararamdaman ko. Mahal ko ang asawa ko. Pero mahal ko rin si Mara, my ex girlfriend. Gusto ko sa akin lang si Safara pero gusto ko rin si Mara. I know, i'm selfish! Mahal ko ang asawa ko pero mas mahal ko si Mara.
Sinabi ko sa kaniya na pumunta siya sa condo ko para ipaalam sa kaniya na mamahalin ko na siya. Susubukan kong kalimutan ang nakaraan. Susubukan kong kalimutan na si Mara.
Noon, ginawa ko ang mali. Pinili ko si Mara kahit na may asawa na ako. Minahal ko siya kaysa sa asawa ko. Pero mas pinili pa rin ni Mara ang iwan ako. Pero kahit anong gawin ko mahal ko pa rin 'yon. Kung natuturuan lang sana ang puso, sana si Safara na lang ang minahal ko simula pa noong una. Pero susubukan ko. Susubukan ko ngayon na mahalin siya. Susubukan kong mahalin ka, Safara.
SAFARA POV
I looked at myself in the mirror after I put a simple make up on my face. Hindi ko alam kay Neo kung bakit hindi niya ako magawang mahalin. Kulang pa ba ang ganda ko sa kaniya? Pang kama lang ba talaga ako? Pang kama lang ba ako sa kaniya? Pang kama lang ba 'tong gandang 'to? Pangit ba ako? May mali ba sa akin? Ano ba'ng mali?
Umiling na lamang ako sa aking iniisip. Kailangan kong ihanda ang aking sarili sa sasabihin ni Neo. Simula pa lang ay alam ko na ang sasabihin niya. Bakit kailangan pa doon sa condo niya? Kung pwede niya naman sabihin sa akin kanina na gusto na niyang makipag diborsiyo sa akin. Ibibigay ko naman sa kaniya. After noon ay sasama na ako kay Mama sa states.
Ramdam ko ang pag-init ng bawa't sulok ng aking mata. Hindi ko kaya. Sa tuwing iniisip ko na makikipag diborsiyo siya sa akin ay hindi ko na kaya. Sobrang sakit. It's killing me! He's killing me, emotionally. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Safara, don't cry! Sayang 'yong make up, gaga!
Para na akong baliw na umiiyak pero tumatawa. Tiningnan ko ang oras sa relo. 5:58. Hindi pa rin nagpapadala si Neo ng mensahe. Puntahan ko na kaya siya sa Condo niya? Huwag na lan kasi baka wala pa siya. Tumawag ako sa opisina ni Neo at hindi raw ito pumasok. Wala ito buong maghapon sa opisina. Pero hindi ko na inalam kung nasaan siya. Para saan pa? Maghihiwalay na rin naman kami maya-maya. Mapait akong ngumiti. Bahala na.
NEO POV
"Salamat mga 'tol," isa isa ko silang tinapik. "Salamat sa tulong, maasahan talaga kayo."
"May bayad 'yon, 'tol," Ngumisi si Frederick dahil sa sariling winika.
"Tama tama. Dahil tinulungan ka namin dito sa ka cheesyhan mo, magpa-painom ka sa amin bukas," si Giovanni. "Alam naman kasi namin na hindi ka pwede mamayang gabi kasi alam na ang mangyayari mamaya." Pilyong sabi nito.
Natatawang umiling na lamang ako. "Mga gago."
"Ewan ko na lang kung hindi ka lalong mahalin ni misis after niyang makita ang lahat ng ito." ani Frederick.
"Hindi ko alam na may tinatago ka pa lang, kacornyhan." wika ni Enrico.
"Paano na si Mara? Kakalimutan mo na ba talaga siya?" tanong ni Frederick.
"Siya na ang nang iwan. Wala na akong magagawa pa doon, Frederick."
"Tama lang na iwan niya si Mara. May asawa siya." wika ni Enrico. Sumilip siya sa malaking bintana ng condo. "Padilim na. Kailangan na nating umalis at ikaw Neo. Tawagan mo na ang maganda mong misis para mapasaya mo naman 'yon," dagdag pa nito.
"Kaya ang boring ng life mo 'tol," sabi ni Giovanni kay Enrico. "Wala kang thrill sa ibang babae. Masyado kang loyal sa asawa mo." Tawanan sila ni Frederick.
Si Enrico ang bukod tangi sa aming apat na hindi babaero. Naiiling ako habang isa isa na silang lumabas sa condo ko.
Nagpadala ako ng mensahe kay Safara na maari na siyang pumunta dito sa Condo. Nagbihis na rin ako. Simpleng tuksedo-pantalon lang at puting kurbata. Gusto kong maging mukhang presentable sa harap ng asawa ko mamaya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sobra akong kinakabahan.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng condo. Masyadong puno ng mga pulang lobo, rosas at kung ano ano. Sabi kasi ni Enrico, ang gusto ng mga babae ay ganito. Naniwala ako. Sa aming apat siya ang magaling sa ganitong bagay. Wala akong alam sa ganitong bagay dahil kahit sinong babaeng gustuhin ko ay nakukuha ko nang walang kahirap hirap. Ito ang unang pagkakataon na nag effort at kinabahan ako ng ganito dahil sa isang babae. Naramdaman ko rin ito kay Mara pero may iba. Iba 'yong kay Safara.
Hanggang ngayon ay wala pa rin si Safara. Bakit hindi ko naisip na malayo ang bahay namin dito sa condo?
Mabilis akong lumapit sa pinto nang tumunog ang doorbell. Nandiyan na siya. I sigh. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ngayon. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa kaba.
Pagkabukas ko ng pinto... Kumunot ang aking noo. "Mara?"
"Bakit? Mukhang may ineexpect kang iba, Neo." Natatawa niyang saad.
Mabilis akong umiling. "W-wala. Bakit ka nandito?" I asked her.
"Nagpadala ka ng mensahe na pumunta ako rito. Kaya pumunta ako. Parang hindi mo alam na nag text ka sa akin."
"What? Nagpadala ako ng mensahe sa'yo?"
Tumango siya sa aking tanong. No way. Mabilis kong tiningnan ang phone ko. Wrong send. Kay Safara dapat iyon!
Pumasok siya sa loob. "Oh my god!"
Wala na akong nagawa. Sumunod na lamang ako sa kaniya.
"Ang sweet, Neo. Nagustuhan ko." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Hindi ko alam na may sorpresa ka sa akin. Nagustuhan ko ang mga decorations, so sweet! Pinasaya mo ako!"
Nginitian ko lang siya. "Salamat dahil nagustuhan mo."
"Sobra. Sobra kong nagustuhan. Alam mo, patatawarin naman talaga kita, Neo. Kahit na nag away tayo noon at hindi kita pinili. Ikaw naman kasi, wala ka naman kasi dapat ika-selos."
"Sorry,"
"Sorry din dahil hindi ikaw ang pinili ko. Pero ikaw ang mahal ko, Neo."
"Pero Mara..." Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi.
Oh s**t!
SAFARA POV
Sa wakas ay nakarating din ako rito sa Condo ni Neo. Pumasok agad ako sa elevator at pinindot yung 28'th floor.
"Hi," nagsalita ‘yong lalaking kasama ko rito sa elevator. Sino kaya ang kinakausap niya gayon kaming dalawa lang ang tao rito sa loob ng elevator. Baliw yata 'to. Sayang, gwapo pa naman.
"Snobbish," bulong niya.
Hinarap ko siya. "Excuse me?"
Tumaas ang dalawang kilay niya. "Hi," aniya saka ngumiti.
"Ako ba ang tinutukoy mo?"
"I'm Kezz," aniya.
Tinitigan ko lamang siya.
"If you want to know my name. I'm Kezz, why?"
"Ano’ng pakialam ko sa pangalan mo, Mister?"
"Akala ko kasi gusto mong malaman yung name ko," aniya at ngumisi.
What?
"Mister, paano mo naman nasabi na gusto ko malaman ang pangalan mo?" Mapanuya kong tanong sa kaniya.
"Nagpapapansin ka kasi?"
"Wait, ano’ng sabi mo? Papansin? Ako nagpapapansin sa ‘yo? E ikaw nga ‘tong nagpapapansin. So, ikaw ang may gustong malaman ang name ko?"
Tumaas ang isang kilay niya. Bakit bagay sa kaniya ang magtaas ng isang kilay? Di ba dapat nagmumukha siyang bading?
"Hindi ako papansin."
"Talaga ba? Kaya pala 'hi' ka nang 'hi'. Assuming mo naman" ako? Nais malaman name niya? Hindi siya guwapo--- fine, gwapo siya pero hindi siya si Neo para magpapansin ako sa kaniya. Ang yabang at assuming niya.
Mabuti na lang at bumukas na ang pinto ng elevator. Mabilis akong lumabas. Ayaw kong makasama yung mayabang na assuming na 'yon.
"Alam mo miss mag iibang bansa na ako" Hindi ko alam na hanggang ngayon ay sinundan niya ako. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit?"
"Ano bang pakialam ko sa 'yo? Mag ibang bansa ka kung gusto mo!" Tumaas na ang tono ng boses ko. Sino ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
"Dahil niloko ako ng babaeng mahal ko. Sinabi niya sa aking mahal niya rin ako pero ginagamit niya lang pala ako. Hindi niya ako mahal. Mas pinili niya yung lalaking may asawa na."
Napahinto ako sa paglakad ko dahil sa sinabi niya. Muli ko siyang hinarap pero huli na para maka usap pa dahil nakapasok na siya sa Elevator. Anong ibig niyang sabihin? Pinariringgan niya ba ako? Mag iibang bansa siya dahil niloko siya ng taong mahal niya? Na hindi siya yung mahal nang mahal niya? Kainis!
NEO POV
I can't stop her from kissing me. Mara's kissing me wild. And i can't help but to response to her kisses. It's giving a heat on my body. Her touch is making my body shouts for more. My manhood is slowly rising from sleep. s**t! Marahas ko siyang hinalikan.
Hindi siguro pupunta ang asawa ko. Hindi ko siya na text. Siguro hindi siya pupunta rito sa Condo ko. Hinawakan ko ang lahat ng maselan sa katawan niya. She moan my name because of pleasure. I suck her lips.
"Neo..." She moaned. Napuno ng halinghing ni Mara ang buong unit ko. Sinakop ko ang kaniyang bibig at hinubad ang suot kong tuxedo. Tinulungan niya akong hubarin ang saplot ko nang hindi naabala ang paghahalikan naming dalawa. Our body wants more. Damn it!
SAFARA POV
Busy ako sa paghahanap sa pouch ng spare key na binigay sa akin ni Neo. "Here," nakangiti kong kinuha iyon sa pouch. Mabuti na lang at dala ko itong spare key. Naglakad ako patungo sa Condo unit ni Neo.
Nang makarating ako ay nagtaka ako. Bakit nakabukas ito? Tumingin ako sa baba. May mga petals of roses na papasok sa loob. Anong mayroon? Sinundan ko 'yong petals papasok. Wow! Yung paligid, ang ganda ng pagkagawa ng mga decorations. Yung mga rosas at mga lobo. Kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng mahinang halinghing. Hindi ko na lamang iyon pinansin at diretso ang pagsunod sa mga petal ng rosas sa baba. Na sana ay hindi ko na lang pala ginawa. Sana pala ay hindi na lang ako pumasok sa loob ng hindi ko iyon nakita.
Ganoon na lamang ang gulat ko sa aking nasaksihan. Huminto ako sa aking paglakad. Pakiramdam ko ay naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Neo's having s*x with other woman. I don't know what to do! I don't know what to say! Mas masakit pala kapag harapan mong nakikita ang asawa mong nakikipag talik sa ibang babae. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Ni hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ayaw kong maniwala. Ayaw ko. Pero yung mga mata ko, pilit akong pinapaniwala sa aking nakikita.
Mukhang nag eenjoy pa silang dalawa dahil hindi man lang nila maramdaman na nakapasok na ako dito at pinanonood na silang dalawa na naghahalikan habang walang saplot sa mga katawan. Mga hayop! Nakapatong si Neo sa babae sa ibabaw ng sofa. Pinagmamasdan ko si Neo. Kung paano siya masarapan sa babaeng nasa ilalim niya. Kung paano silang dalawa umungol. Bawat ulos niya. Bawat tulak ng baywang niya sa babae na 'yan, 'yon yung sakit na nararamdaman ko. Habang pabilis na pabilis ang pag ulos niya ay siya ring bilis kung paano saksakin at kung paano pilipitin yung puso ko sa sakit. Yung kirot. Sobrang sakit!
Marinig ko lang ang ungol nilang dalawa at malalakas na tunog galing sa pag ulos ni Neo na mabibilis. Parang sinasakal ng mahigpit, sobrang higpit yung puso ko. Mariin kong pinikit ang mata ko. Tuloy tuloy ang pag agos ng aking mga luha. Hindi ko ito mapigilan. Kahit anong gawin kong pagpigil ay ayaw huminto. I cried. The pain in my chest will kill me.
Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sakit na aking natatamasa. Binato ko sa kanila yung pouch na hawak ko. "Mga hayop! Nakakadiri kayo! Mga hayop! Mga hayop kayo!"
"S-safara. Safara!" Mabilis na tumayo silang dalawa. Si Neo ay nagbihis pati na ang malanding babae.
"Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta?" tanong ko sa kaniya. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong makipagsapin sapin sa iba?! Para ipamukha mo sa akin na hindi mo talaga ako mahal?! Neo, alam ko naman na hindi mo ako mahal! Pero sana naman hindi ganito kasi tao rin ako na may damdamin at nasasaktan!"
"Safara," sinubukan niyang lumapit sa akin pero pinigilan ko siya.
"Don't. Don't come near me. Ang baboy baboy mo. Baboy ka, Neo. Ang bababoy niyo! Nakakadiri ka. Nakakadiri kayo! Hayop ka. Hayop kayo! Mga makasalanan!"
"S-safara, please let me explain."
"Let me explain? Neo, let me explain?! Ano ang ipapaliwanag mo? Kung nakailang ungol kayo? Kung nakailang ulos ka? Kung nakailang labas ka ng kalibugan mo? Ha?"
"Safara, please,"
"At ikaw!" Duro ko sa babaeng malandi na nakangisi. Siguro sobrang saya niya kasi nag aaway kaming mag asawa.
"Ako?" tanong niya.
Lumapit ako sa kaniya. "Hindi," malakas ko siyang sinampal sa pisngi niya. "Siya!" Tapos sa kabilang pisngi niya. "At siya!" Sunod sunod ko siyang sinampal. "At siya at siya at siya! Hindi ikaw! Siya!" Malalakas na sampal ang ginawad ko sa kaniya. "Siya!" Hinila ko yung buhok niya. "Siya! Siya! Siya!"
Pinipigilan ako ni Neo pero hindi ko binibitiwan ang buhok nitong malanding impokritang hayop na babaeng 'to! Hindi rin tumitigil sa pag agos ang luha ko. "Hindi ikaw! Siya! Siya! Siya! Mga hayop kayo! Mga hayop kayo!"
"Ano ba! Bitiwan mo ang buhok ko!"
"Safara!" Sigaw ni Neo at tinulak ako.
Muntik na akong matumba mabuti na lang ay nakatayo ako ng maayos. Natawa ako ng pagak. Tumulo ang panibagong luha sa aking mata. "Salamat ha? Salamat kasi pinagtanggol mo ako sa kabit mo." Mapanuyang bigkas ko sa kaniya.
"Safara, please,"
"Thank you for making me realize that you are not worthy and deserving of my love, Neo Cleistein." Naglakad ako at kinuha ang pouch ko sa sofa. Saglit kong pinagmasdan yung sofa. Sinipa ko 'yon ng malakas. Hindi ko ininda yung sakit ng paa ko. Sinamaan ko ng tingin si Neo. Hinilot niya yung sentido niya. "Safara, please let us talk."
"Wala tayong dapat pag usapan pa." Pinilit kong maging matatag at matigas ang boses ko. Naglakad ako palapit kay Neo pero bago 'yon lumapit ako sa babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kinuha ko ang alcohol sa pouch ko at binuhos 'yon sa ‘king kamay. "Baka mahawa ako sa kakirihan mo. Mabuti na 'yong handa, ‘di ba?"
"Safara," hindi ko pinansin si Neo. Binigay ko yung alcohol sa babae. "Try mo 'to, para mawala 'yang kakirihan, kalandian, at kahayopan sa katawan mo." Nakataas kilay kong sinabi sa babaeng kirida ng asawa ko. Nginisian lamang ako nito.
"Ang baba ng taste mo, Neo,” wika nang babae na nasa harap ko at hinagis ang alcohol na binigay ko sa kan'ya.
“Ang baba talaga ng taste ng asawa ko.” Pinasadahan ko rin siya ng mapanuyang titig mula ulo hanggang paa.
"Dahil pinakasalan ka niya? Tama ako ‘di ba?" Nakataas kilay at mataray na tanong ng babae.
"Hindi. Ang baba ng taste ng asawa ko dahil pumatol siya sa isang babaeng katulad mo." Pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya ay binangga ko ‘yong balikat ng higad na ito.
"b***h!'' Dinig kong usal ng babae.
Paglabas ko ng Condo niya doon ko binuhos ang lahat ng iyak ko. Lahat ng sakit. Lahat ng pinipigilan ko ay iniyak ko na. Ang sakit sakit! Hinanda ko na yung sarili ko kanina para rito pero hindi ko ine-expect na magdadala siya ng props para saktan ako.
"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ko.
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko.
"Please, kausapin mo naman ako."
"Wala tayong dapat pag usapan pa! Bakit sinundan mo pa ako? Bumalik ka na doon sa babae mo!" Durog na durog kong wika sa kaniya. Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Hindi ko na kaya ang sakit.
Kinuha ko ang cellphone ko na nag ri-ring.
"Anak, nasaan ka na?"
"M-ma" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa pag iyak ko.
"Umiiyak ka?"
"H-hindi po. Parating na po ako diyan sa airport, Ma."
"Bilisan mo, anak. Malapit na ang oras ng flight natin baka mahuli ka pa."
"Parating na po ako, Ma," I ended the call at sumakay na ng elevator. Paalam, Neo Cleistein. Babalik ako pangako. Kapag kaya na kitang harapin. Kapag kaya na kitang harapin ng hindi na ako nasasaktan. Mahal na mahal kita, Neo. Hinding hindi magbabago 'yon.