EPISODE 1

1240 Words
EPISODE 1 PATRICIA “Anak, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? We missed you!” Lumapit sa akin si Mom at niyakap niya ako at hinalikan ang aking pisngi. Bahagya ko siyang nginitian at niyakap din siya pabalik. Birthday niya ngayon kaya nandito ako sa kanilang bahay. Hindi sana ako pupunta ngayon kung hindi lang ako pinilit nila Mom. Nirerespeto ko ang mga kumupkop sa akin dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ako dito sa kinatatayuan ko at hindi ko natupad ang gusto kong maging model at makapagtapos sa pag-aaral. Ang ayaw ko lang talaga rito sa bahay nila Mom ay ang mga totoong anak nila na walang ginawa kundi ang awayin ako at ginagawa akong masama sa lahat ng bagay. “Happy birthday, Mom,” bati ko sa kanya at binigay sa kanya ang aking regalo. Kumapit si Mom sa aking braso at sabay na kamint pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad kong nakita ang asawa ni Mom na itinuturing ko na rin na dad na si Philip Aquino. Binati ko si Dad at lumapit din ako sa kanya upang yakapin siya. “Wow! Our model is here!” Napatingala ako sa may hagdanan ng marinig ko ang boses na iyon, boses ng lalaking kinaiinisan ko at walang iba kundi ang totoong anak nila Mom at Dad, si Johndel Aquino. So wala si Myla? Buti naman. “I missed you, Sis!” Niyakap ako ni Johndel at nang naramdaman ko ang kakaiba niyang paghaplos sa aking likod ay itinulak ko na siya palayo sa akin at tinignan ko siya ng masama. Hindi natakot sa akin si Johndel at nginisihan niya lang ako na para bang proud pa siya sa kanyang ginawa. Asshole! Pasalamat na lang siya at hindi ko siya masasapak sa mukha niya ngayon dahil nandito ang magulang namin at birthday ni Mommy. “Patricia, come! Marami kaming hinanda ngayon dahil pupunta ka,” nakangiting sabi ni Mommy at muli siyang kumapit sa aking braso at sabay na kaming pumunta sa may dining area. Wala ang isa pang anak nila Mommy na si Myla dahil nasa ibang bansa pala ito at nagbabakasyon pa. Wala naman akong pakialam sa babaeng iyon dahil magkaugali lang sila ni Johndel, mga basura ang ugali. “Anak, nakita ko ang news sa TV kagabi, nakasali ka pala sa fashion show event sa Paris? Bakit hindi mo sinabi sa amin! Pupunta sana kami doon para makita ka at suportahan,” wika ni Mommy. Tumango rin si Dad bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang asawa. Tumigil ako sa aking pag kain at tumingin ako sa aking mga magulang at ngumiti sa kanila. “Sorry po kung hindi ko na kayo nasabihin, Mom and Dad. Busy kasi ako at wala na akong time para makahawak ng phone ko. Dalawang araw lang din naman ako doon kaya hindi ko na sinabi ang tungkol dun. Wala akong malay na napalabas pala sa TV ang tungkol sa runaway show na iyon.” Hindi naman sa ayaw ko nang maging parte sa buhay nila, pero ayoko lang na masabihan na naman ako na kaya ako sumikat dahil sa mga kumupkop sa akin—na isa akong Aquino. May business ang pamilya namin. Isang businessman si Dad at si Mom naman ay isang sikat at kilalang neurologist dito sa Pilipinas, isa ring host si Johndel sa isang sikat na talkshow at si Myla naman ay influencer at CEO sa kanyang sariling beauty products company. Lahat sila ay sikat at may mga degrees, samantalang ako naman ay wala. Hindi ko napagtapos ang kolehiyo ko dahil wala akong gana mag aral. Mas pinili kong maging modelo at sinuportahan ako ng mga magulang ko sa aking gusto. “Balita ko’y may bago ka na namang boyfriend, Patricia. Nako! Linggo-linggo ka na lang ata nagpapalit ng boyfriend mo,” sambi ni Johndel at tumawa siya kahit wala namang nakakatawa. Pati sila Mom at Dad ay hindi natawa sa sinabi ni Johndel kaya tumigil na rin siya sa kanyang pagtawa pero nakangisi siya ngayon. “Wala akong boyfriend ngayon, Johndel. Nagfo-focus ako ngayon sa career ko lalo na’t maraming nakapila na endorsement sa akin,” seryoso kong sabi sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at lihim akong inirapan bago muling nagpatuloy sa kanyang pag kain. Wala talagang araw o panahon na hindi ako sinisiraan ng lalaking ‘to sa harapan ng mga magulang namin. Buti na lang at matapang ako at hindi ako nag paapekto sa mga taong kagaya ni Johndel na walang ibang ginawa kundi ang manira. AT LAST! Natapos na rin ang family dinner namin at nakauwi na ako sa aking condo unit. Agad akong napahiga sa aking kama at bago ko mapikit ang aking mga mata ay narinig ko ang tunog ng aking phone kaya kinuha ko ito at tingnan kung sino ang tumatawag. Hindi ko mapigilan na mapairap sa aking mga mata ng makita kong isa sa mga naka fling ko ang tumatawag sa akin ngayon, hindi pa rin naka move on at hindi matanggap na hindi ko kayang magseryoso ng lalaki. Pinatay ko na lang ang aking phone at natulog ng mahimbing sa aking malambot na kama. “Alam mo, kanina pa nakatingin ‘yan sayo si Mr. Hernandez eh! Type ka talaga niya, Patricia.” Napatigil ako sa pag-aayos sa aking buhok nang sabihin iyon ni Aira na parang kinikilig pa. Napatingin ako sa kinaruruonan ni Kyle Bryan Hernandez at bahagya ajing nagulat nang makita kong nakatingin siya sa akin. Bigla akong na conscious sa aking sarili at mabilis din akong napaiwas ng tingin sa kanya. Bakit siya nakatingin sa akin?! Kasi naka bikini lang ako? Naglalaway ba siya sa katawan ko? Well, maganda naman talaga ang katawan ko at maraming nagmamakaawa sa akin na mahawakan nila ang katawan ko at sorry na lang sila dahil hindi sila deserving! “Okay, get ready! Magsisimula na ang shoot!” sigaw ng isang staff. Hinanda na ako nila Aira dahil ako ang unang sasalang sa photoshoot at si Kyle ang photographer namin ngayon. F*ck! Ang lakas ng t***k ng aking puso at para akong aatakihin. Bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon? I hate these feelings. I’m a confident person at hindi dapat ako kabahan nang ganito ng dahil lang sa isang lalaki! Dammit! “Miss Patricia, kumalma ka lang.” Napakurap ako sa aking mga mata nang magsalita si Kyle habang nakahawak sa kanyang gagamitin na camera at nakatingin siya ng seryoso sa akin. Napalunok ako sa aking laway habang nakatingin pa rin sa kanya. “H-Huh?” “Akala ko ba confident ka? Bakit parang kinakabahan ka ngayon sa photoshoot na ito?” tanong niya at bahagya siyang ngumisi habang nakatingin sa akin. “Yes, I’m confident,” inis kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at binaling ang tingin sa kanyang hawak na camera para sa paggamit sa photoshoot. Hindi ko mapigilan na mainis at matalim siyang tinitigan. Umupo ako sa silya na nasa aking tabi at bahagya kong ibinuka ang aking mga hita habang nakatingin sa kanya ng nakakaakit. Tingnan lang natin kung saan ang kaya ng lalaking ‘to. Aira said that this guy likes me. Hmm, then, I will seduce him and after that… I will control him and make him crazy for me. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pagiging arrogante niya at pag fe-feeling superior. Mababaliw ka rin sa akin, Kyle Bryan Hernandez. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD