EPISODE 5

2009 Words
EPISODE 5 PATRICIA Hindi na talaga bumalik si Kyle sa studio pagkatapos niyang mag walkout. Lumapit sa akin si Aira at kitang-kita ko ang labis na pagtataka sa kanyang pagmumukha. “Ano ang sinabi mo kay Sir Kyle? Bakit parang galit na galit ‘yun nang matapos mo siyang kausapin?” tanong ni Aira sa akin. Mahina akong tumawa at kinindatan ang aking kaibigan. “Possessive si Kyle, Aira. Ayaw niya na may ibang nakakakita sa katawan ko, ayaw niya na maghubad ako kaya nagalit siya at nag walk out,” sagot ko sa kanyang tanong. Napatakip siya sa kanyang bibig habang nanlalaki ang mga mata. “Hala! Totoo ‘yan? Baka nag-aassume ka na naman diyan, ah!” Tinignan ko ng masama si Aira. “Hindi ako assuming, okay? May gusto ang lalaki na ‘yun sa akin, pakipot lang talaga siya,” nakasimangot kong sabi. “E ‘di may gusto na! Halika na nga, hindi na babalik ang lalaking ‘yun dahil nag walkout na,” sabi ni Aira at inalalayan ako na makababa sa kama. Hanggang sa paglabas namin sa studio ay hindi na namin nakita si Kyle. Saan na kaya ang lalaking ‘yun? Umalis ba talaga siya dahil galit siya sa akin, o baka naman ay alibi niya lang iyon para makaalis dahil may pupuntahan siya na importanteng bagay? Ah, basta! Magkikita naman kami mamaya pag-uwi ko dahil magkapitbahay lang naman kaming dalawa. Pagkatapos ng photoshoot ko kung saan nag walkout si Kyle, may iba pa akong shoot kaya dumiretso kaagad kami ni Aira kasama ang team. Simula nang umuwi ako sa Pilipinas at napagpasyahan ng hindi na bumalik sa ibang bansa, maraming dumating na opportunities sa akin at tinanggap ko naman ito. Someone offers me pa nga na mag artista ako, pero hindi ako pumayag. My gosh! Magaling lang akong mang-akit ng mga lalaki pero hindi ako magaling umarte sa harapan ng camera at baka ma-highblood pa sa akin ang director at mga staffs kapag ako ang naging artista nila kaya huwag na lang. “Patricia, uuwi ka na ba? Nagyaya si Johnny Smith mag bar, your friend from New York! Hindi ka raw ma contact sa numero na binigay mo sa kanya kaya sa akin siya nag-approach,” wika ni Aira. Nandito na kami sa loob ng van at katatapos lang ng shoot ko. Pagod na ang katawan ko pero ayoko pang umuwi—kahit magkapitbahay na kaming dalawa ni Kyle. Ano namang gagawin ko kung wala si Kyle doon sa unit niya? Edi mabo-bored lang ako. Mas mabuti pang magsaya na muna ako bago lumandi sa kanya. “Sure, Aira. Namiss ko na rin ang mga friends ko,” sabi ko at napasandal sa aking kinauupuan. Dahil nagtatrabaho rin ako sa ibang bansa bilang model at doon ako nakilala, marami akong mga naging kaibigan at koneksyon sa modeling world at pati na rin sa showbiz. Hindi ako friendly, pero kaya kong makipag plastikan sa kahit na sino para lang makuha ang gusto ko. “Johnny! Oh my Gosh! I missed you so much!” Nakarating na kami sa isang bar at pumasok kami sa VIP room kung saan ginaganap ang party. Marami akong nakikitang mga models sa loob at binati rin nila ako kahit hindi ko naman sila kilala by their names, pero familiar sila sa kanilang mga mukha. Nagyakapan kaming dalawa ni Johnny at tuwang-tuwa rin siya na dumating ako. Johnny is gay, pero hindi siya katulad ng ibang mga beki na ladlad—siya ay paminta lang. Isa siyang influencer at model din katulad ko kaya naging friend ko siya. “I’m sorry if you can’t contact me anymore, Johnny. I have already changed my number for a long time for a reason. Thanks for contacting my manager instead, so I got here.” “It’s okay, honey. The most important thing is you are already here and ready for the party!” Napatili na kami at umingay na ang loob ng VIP room kung saan nagaganap ang party. Kumuha na kami ni Aira ng maiinom namin at nakipag-usap din kami sa ibang mga models at mga kakilala namin na mga personalities. Syempre hindi naman pwedeng mag maldita ka dito, kailangan mo pa rin makipag plastikan para mas marami ang connections mo. Sumasayaw na kami ngayon dito sa loob at mas lalong lumakas ang ingay. Habang sumasayaw ako ngayon, naramdaman ko ang paghila ni Aira sa aking kamay kaya napatigil ako sa aking pag indak at napatingin sa kanya. Namumula na ang kanyang mukha at mukhang tuluyan na siyang nalasing. Napailing na lang ako habang nakatingin sa aking kaibigan dahil ang bilis talaga nitong nalalasing, hindi kagaya ko na kayang umubos ng ilang bote ng alak nang hindi pa rin nalalasing. “Patricia, labas tayo dali! Mas masaya doon sa labas!” sabi ni Aira at tinuro niya sa may pinto na nakabukas na ngayon. May mga ibang bisita na lumabas na rin sa room at nakihalo sa ingay sa labas. Muli akong napatingin kay Aira at umiling ako. “Aira, lasing ka na!” sabi ko sa kanya. Umiling siya at ngumuso. Muli niyang hinila ang aking kamay. “Hindi pa ako lasing, okay? Sige na! Puro babae at bakla ang nandito sa loob, walang mga poging hottie! Kailangan ko ring madiligan ngayon, Patricia!” Napasapo ako sa sinabi ni Aira at wala akong magawa kundi ang pumayag sa kanyang gusto. Lumabas na kami sa VIP room at pumunta na kami sa first floor ng bar kung nasaan ang maingay na dance floor. Tumili si Aira at agad niyang binitawan ang pagkakahawak sa aking kamay at naki siksik siya sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. “Aira!” tawag ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita. f*ck! Kaya ayokong nalalasing ang babaeng ‘yun kasi mas mapasaway pa ito sa akin. Bumuntong-hininga ako at napagpasyahan ng umalis sa dance floor upang makabalik na sa VIP room at doon na lang ako mag-iinom. Aalis na sana ako nang may biglang humablot sa akin at sisigaw na sana ako sa sobrang takot at gulat, pero hindi ko ito naituloy nang makita ko kung sino ang may kagagawan nito. “C-Cullen!” Cullen Ford, my ex-boyfriend—ang ex-boyfriend ko na minahal ko ng sobra. Siya lang ang lalaking kinababaliwan ko noon at akala ko ay sa kanya na ako ikakasal, pero hindi ito nangyari dahil nagloko siya sa akin. Pinagpalit niya ako sa isang mayaman na babae na doble ang tanda sa akin. Ngumiti siya sa akin. “Hi, Tricia. I never thought I would see you here.” Tricia… Iyon ang tawag niya sa akin—siya lang ang tumatawag sa akin ng Tricia at kapag may ibang tumatawag sa akin ng ganun, siya ang aking naaalala. “C-Cullen, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang kinakabahan habang nasa harapan ko ang ex-boyfriend ko na minahal ko ng todo. “Hmm, I’m here to party? Ikaw, anong ginagawa mo dito? I thought you’re in New York.” “Umalis na ako sa agency ko doon at napagpasyahan ng dito na ako magtrabaho sa Pinas. Marami rin naman akong mga projects dito kaya hindi na ako lalayo,” sagot ko sa kanyang tanong. Tumango siya at muling ngumiti sa akin. Hindi ko mapigilan na matigilan habang nakatingin kay Cullen. He still has this strange aura that makes all the women stare at him. Kung titignan mo si Cullen ay masasabi mong mabait ito at hindi kayang gumawa ng kalokohan, pero nasa loob ang kulo niya. “Do you want to dance? Ang tagal na rin natin hindi nag usap at nagkita, Tricia,” sabi niya. Hindi naman ako rude at bitter kaya tinanggap ko ang gusto ni Cullen. Hinawakan niya ang aking kamay at pumunta na kami sa may dance floor, naki sayaw sa ibang mga tao. Agad akong hinawakan ni Cullen sa aking bewang at hindi naman ako nagreklamo. Ngumiti ako sa kanya at kumapit na rin ako sa kanyang batok at nagsimula na kaming sumayaw dalawa—naki indak sa pinapatugtog ng DJ. “So, kumusta ka na?” tanong niya sa akin. “I’m good. Ikaw? Kasal ka na siguro.” Mahina siyang tumawa at umiling. “I’m single and ready to mingle, Tricia,” sabi niya at kinindatan ako. Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Cullen. “H-Huh? Akala ko ay kasal ka na….” Iyon ang sinabi sa akin ni Aira noon noong nasa ibang bansa pa ako. Nasaktan ako nang malaman iyon at pinilit ko ang sarili na mag move on hanggang sa tinulungan ako ni Luke na kaibigan ko na noon at nagkatuluyan din kaming dalawa. “It didn’t work, Tricia. I realized the mistake I’ve made in the past—ang pag-iwan sayo.” Hinawakan ni Cullen ang aking pisngi kaya natigilan ako at napakurap sa aking mga mata. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita. “Tricia, mahal pa rin kita—ikaw pa rin ang mahal ko. Nagkamali ako sa nakaraan pero pwede ko naman itong baguhin. Give me a second chance and I will prove my love for you.” Magsasalita na sana ako nang bigla na lang akong siniil ng isang halik sa labi ni Cullen. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis siyang itinulak palayo sa akin at sinampal ko rin siya sa kanyang mukha. “Ano ba?! How dare you kiss me?! Binigyan ba kita ng permiso? Hindi!” galit kong sabi sa kanya at pinunasan ko ang aking labi habang matalim pa rin na nakatingin kay Cullen. Umalis ako sa may dance floor nang walang paalam kay Cullen at iniwan siya doon. Nang makaalis na ako sa may dance floor, aakyat na sana ako sa may hagdan pabalik sa VIP room, pero nagulat na lang ako nang may humawak sa aking braso at hinila ako at nang tingnan ko ito, si Cullen ang aking nakita habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. “Hindi pa tayo tapos mag-usap, Tricia!” galit niyang sabi. Sinubukan kong makawala sa pagkakahawak niya sa aking braso pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya at nasasaktan na ako. “Cullen, ano ba?! Lasing ka ba?! Bitawan mo ako! Nasasaktan mo na ako, Cullen!” Nakakaramdam din ako ng disappointment sa ginagawa ngayon ni Cullen sa akin dahil never siyang namilit, ngayon lang. “Hindi ka masasaktan kung hindi mo ako sinampal kanina, Tricia! Ano itong ginagawa mo ngayon, nagpapakipot ka? Alam kong mahal mo pa rin ako! Ako lang ang lalaking kinababaliwan mo kaya huwag kang pakipot diyan!” Muling lumapit sa akin si Cullen at napasigaw na ako nang halikan niya ako sa aking leeg at mahigpit siyang nakahawak sa aking beywang. Humihingi na ako ng tulong pero walang nakakarinig, o nakakakita sa amin ngayon dahil masyadong maingay ang paligid at madilim dito sa aming kinatatayuan. “Akin ka lang, Tricia! Matagal ka nang naging akin kaya wala kang karapatan na tanggihan ako—” “AHHH!” Napatili ako sa sobrang gulat nang biglang bumulagta si Cullen sa aking harapan nang may biglang sumuntok sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig ng makita ko kung sino ang may gawa nun. “K-Kyle?” Hinihingal siya ngayon habang matalim na nakatingin kay Cullen na nakahiga na ngayon sa sahig. Lumapit si Kyle kay Cullen at muli niya itong sinuntok sa mukha hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay. Nag-angat ng tingin sa akin si Kyle at tiningnan niya ako ng seryoso. “Are you okay?” Tumango ako at hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa aking kinatatayuan. Lumapit sa akin si Kyle at niyakap niya ako. Sumiksik ako sa kanyang dibdib at niyakap din siya pabalik. “Umuwi na tayo,” rinig kong sabi niya. Binuhat ako ni Kyle at ako naman ay napakapit sa kanyang batok at sumiksik sa kanya. Nagpaubaya na ako kay Kyle dahil tuluyan na akong nanghina. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD