EPISODE 4

1719 Words
EPISODE 4 PATRICIA “Ano ba?! Kakalbuhin mo ba ako?! Ang sakit na ng anit ko kahihila mo kanina pa, ah?! Hindi pa tapos?! Bwisit!” galit kong sigaw. “M-Ma’am Patricia, sorry po! K-Kanina pa po kasi malikot ang ulo niyo kaya hindi ko po maayos ng mabuti,” naiiyak na sabi ng hairstylist ko. “Kasalanan ko pa ngayon?! Bilisan mo! Baka gusto mong kalbuhin kita diyan?! Bwisit!” muli kong sigaw at napapikit sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. “Bigyan niyo ako ng tubig!” sigaw ko. Naramdaman ko ang paglapit ng personal assistant ko at binigyan ako ng mineral water. Kinuha ko rin ito at ininom. Medyo kumakalma na rin ako nang makainon ako ng malamig na tubig. F*ck! Kanina pa masakit ang ulo ko at inis na inis ako sa lahat ng nakikita ko ngayon—badtrip ako! At kasalanan ito lahat ni Kyle Bryan Hernandez! Ang kapal ng pagmumukha niya… ang kapal! Pogi siya? Hot siya? Kasing pogi niya ang mga naging ex-boyfriends at flings ko para maging feeling pogi siya? Hindi! Wala pa siyang 50 percentage sa kagwapuhan ng mga naging ex ko kaya wala siyang karapatan na dedmahin ang beauty ko. “Kanina ka pa badtrip diyan, Patricia. Kawawa naman itong si Cyril, nasigawan mo pa,” sabi ni Aira at nilapitan niya din ako. Napatingin ako sa stylist ko sa repleksyon ng salamin at nakakita kong nakayuko ito upang makaiwas ng tingin sa akin pero nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata na parang kagagaling sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan na mapairap dahil hindi ako naawa sa kanya. Ang sakit kaya ng anit ko! Kanina pa niya hinihila ang buhok ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos at mas lalo lang uminit at sumakit ang ulo ko. “Tigilan mo na muna ‘yang pag-aayos sa buhok ni Patricia, Cyril. Pagpasensyahan niyo na itong si Patricia at badtrip na naman. Magpahangin na muna kayo ni Janna sa labas,” wika ni Aira. Tumango naman ang stylist ko at pareho na silang lumabas ni Janna na personal assistant ko sa aking dressing room. Nang makalabas na ang mga ito, nagsalita na si Aira kaya napaharap ako sa kanya habang nakataas sa aking kilay. “What was that? Bakit sa stylist at personal assistant mo na naman inilabas ang inis at galit mo? Ano bang nangyari sayo?” tanong sa akin ni Aira. Inirapan ko siya at hindi sinagot. Nagtanong pa siya? Alam niya naman kung bakit ako nagkaganito eh. Siya lang naman ang nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan ko ngayon. “Alam mo kung bakit ako nagkaganito, Aira! Wag ka na magtanong,” inis kong sabi at mas lalong sumimangot. Nakita kong kumuha ng isang silya si Aira at umupo siya sa aking tabi. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. “Hmm, anong nangyari sa pagitan ninyo ni Hottie Kyle? Successful ba? Oh, wait—base dyan sa ekspresyon sa iyong pagmumukha ay hindi successful ang nangyari!” Mas lalo akong nabu bwisit nang maalala ko na naman ang pag balewala ni Kyle sa akin. Hindi man siya nagsalita, agad niya lang akong nilagpasan at pinagsarhan pa niya ako ng kanyang pintuan. Mabuti ba ‘yun? Hindi! Ang pangit ng ugali niya! Pangit na nga siya, pangit pa ugali niya! Edi wala ng natira! Argh. “Namumula ka na naman sa sobrang galit, Patricia. Paano ba ‘yan, si Kyle na naman ang photographer ng shoot mo ngayon. Baka bigla mo na lang siyang sabunutan at sakalin pag nakita mo siya mamaya,” sabi ni Aira habang tumatawa. Napakagat ako sa aking labi at napaisip sa sinabi ni Aira. Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Hmm, ano kaya ang gagawin ko? “Aira?” “Yes, Pat?” “Diba sexy theme ang photoshoot ko ngayon? Ang susuotin ko lang ay bra at panty?” tanong ko at tumingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo pero tumayo pa rin siya at sinagot ang aking tanong. “Yes, iyan lang ang susuotin mo. Bakit?” “May sinabi ba na bawal mag hubad?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Aira sa naging tanong ko sa kanya. “H-Huh? Hindi naman, Patricia. Bakit, maghuhubad ka mamaya?” Nginisihan ko lamang si Aira at hindi sinagot ang kanyang tanong. Makalipas ang ilang minuto ay tinatawag na ako para pumunta sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot. Magkasabay kami ni Aira papunta sa studio at nakasuot na ako ngayon ng bra at panty, pero sa ngayon ay tinabunan ko muna ito ng bathrobe. Nang makapasok kami sa loob ay agad kong nakita si Kyle na kausap ang mga staffs at parang inaayos ang mga lightings sa paligid. Mapapansin kaagad siya dahil matangkad si Kyle at malaki ang kanyang katawan—pangit pa rin siya! Bwisit siya. Tingnan lang natin kung hindi pa siya maaakit sa aking gagawin ngayon. Naglakad na ako palapit kay Kyle at hindi niya pa rin ako napapansin ngayon dahil seryoso siya sa pakikipag-usap sa isang staff. “Hi, Kyle!” tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa pakikipag-usap sa staff at umalis din ang staff sa kanyang harapan kaya ako ang pumalit dito at nasa harapan na ako ngayon ni Kyle habang malambing na nakatingin sa kanya. Seryoso lang ang kanyang tingin sa akin na para bang hindi niya nagustuhan na nasa harapan niya ako ngayon. “Ikaw pa rin pala ang photographer ngayon? Napapadalas na ah!” Nakangiti kong sabi sa kanya. Simple siyang tumango. “Yeah. I have contract with the company, so I’m the photographer of this project,” malamig nitong sagot at pinagtuunan na niya ng pansin ang kanyang hawak na camera. Napasimangot ako dahil binabalewala na naman niya ako ngayon. May naisip naman ako para makuha ang atensyon ni Kyle. Hinala ko ang tali ng aking suot na bathrobe at hinubad ko ito sa harapan ni Kyle hanggang sa tumambad na ang suot ko na bra at panty. Narinig ko ang pag singhap ng mga tao dito sa studio at napatingin na rin sa akin sa wakas si Kyle. Bakas sa kanyang mukha ang gulat nang makita niya ng nakahubad na ako sa kanyang harapan. Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis. Gotcha! Paghuhubad ko lang pala ang makakakuha ng atensyon kay Kyle. “Hmm, do you like my body, Kyle? Pwedeng-pwede na ba sa photoshoot ngayon?” mapang-akit kong tanong sa kanya. Humakbang ako palapit kay Kyle at hinawakan ko ang kanyang braso na agad naman niyang inilayo, para siyang napaso sa akin. Umiwas ng tingin si Kyle sa akin pero hindi nakaiwas sa akin ang pamumula ng kanyang tainga. Aha! Sabi ko na nga ba, naaakit din ‘tong nerd na ito sa akin eh. “L-Let’s start!” sigaw ni Kyle at tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Hindi ko mapigilan na mapa hagikhik habang nakatingin kay Kyle. Hindi ka makakatakas sa akin, Kyle, makukuha rin kita… mababaliw ka rin sa akin at sasambahin mo rin ang buo kong katawan at pagkatao. Pumwesto na ako sa harapan at ang tingin ko ay nasa kay Kyle lang at wala ng iba. Seryoso ang kanyang mukha at hindi pa rin siya makatingin sa akin. Inaayos niya ngayon ang kanyang camera at kinausap niya rin ang mga staffs na nasa kanyang tabi. May kama rito sa aking harapan ngayon kaya umupo na ako dito. Sexy ang theme ng photoshoot dito kaya hindi ko na kailangan pang mag exert ng effort dahil matagal na rin naman akong sexy. Sa wakas, humarap na talaga si Kyle sa akin kaya nginitian ko siya. Hindi niya ako nginitian pabalik at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Okay, let’s start,” seryoso nitong sabi. Nagsimula na akong mag-pose seryoso din ang mukha ni Kyle habang kinukunan ako ng litrato. Syempre kahit nilalandi ko siya ngayon ay nag seryoso na muna ako sa aking trabaho dahil ayokong masabihan ako na unprofessional. Nakailang pose na ako at sinabi na ni Kyle na ako na ang bahala kung ano ang aking gagawin sa susunod na pose. Bago ako kunan ng litrato ulit ni Kyle, nagtaas ako ng aking kamay kaya napatingin silang lahat sa akin. “Sexy ang theme nitong photoshoot, right?” tanong ko. Kumunot ang kanyang noo at tumango. “Then?” Ngumisi ako sa kanya. “Maghuhubad ako ng bra,” seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng sabihin ko iyon. Ang ibang mga staffs dito ay nasanay na sa akin, pati na rin si Aira dahil nagawa ko na ito sa iba kong mga shoots. Sinimulan ko ng alisin ang strap ng aking suot na bra habang nakatingin pa rin kay Kyle. Nagmadali siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan na mahubad ko ang aking suot na bra. Matalim niya akong tinignan. “What the hell are you doing?! Maghuhubad ka sa maraming tao?! Are you insane?!” galit nitong sabi. Mahina akong tumawa habang nakatingin sa kanya na galit na galit. “Bakit, ayaw mo na may ibang makakita sa hubad kong katawan? Saan mo gusto na maghubad ako, sa unit mo ba? Hmm, pwede kitang puntahan mamaya,” mapang-akit kong sabi at hinawakan ang kanyang panga. Ang lapit lang ng aming mga mukha ngayon at kung wala lang ang mga staffs sa paligid ay kanina ko pa hinila itong si Kyle para mahalikan ko sa labi. “Stop doing that, Patricia,” malamig niyang sabi. Ngumisi ako sa sinabi niya. “Doing what, baby? Wala pa nga akong ginagawa. Gusto mo bang may gawin tayo ngayon? Pero nanonood ang mga staffs, Kyle. Pwede ba sa unit mo na lang mamaya at kakatok na lang ako sayo?” “Hindi mo ako maaakit, kaya wag ka na mag-aksaya ng panahon. Anyway, tapos na ang shoot kaya ‘wag ka na maghubad,” malamig niyang sabi at nag walk-out na si Kyle palabas aa studio. Hinabol siya ng mga staffs dahil hindi pa tapos ang shoot. Mukhang galit talaga siya sa ginawa ko. Hindi ko mapigilan na matuwa sa aking ginawa. Finally! Nagsisimula pa lang ako, Kyle Bryan Hernandez, patay ka sa susunod na pagkikita natin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD