EPISODE 3

1254 Words
EPISODE 3 PATRICIA Nakahanap na si Aira ng bakanteng unit kung saan malapit lang kay Kyle. Sa katunayan nga ay magkatabi lang talaga kami ng unit ni Kyle at tuwang-tuwa ako. Hindi ko alam kung pinaalis ba ni Aira ang naninirahan sa unit na iyon, o wala lang talagang tumira doon. “Wala na akong atraso sa iyo, ah?! Ang lapit na nitong unit mo sa unit ni Kyle. Ewan ko lang talaga kung ano na naman ang gagawin mong kalokohan, Patricia.” Tinulungan ako ni Aira ngayon sa paglipat ng aking mga gamit. Buti na lang at wala akong schedules ngayon at free time ko kaya kaya agad akong nakalipat dito sa bago kong tutuluyan. Bago pa iyong condo unit ko pero gusto ko talaga na mapalapit ako kay Kyle kaya ibebenta ko na lang iyon para hindi masayang ang aking pera. “Thank you for helping me, Aira. You’re the best talaga!” masaya kong sabi at niyakap ko ang aking kaibigan. Niyakap niya rin ako pabalik at inirapan niya ako pagkatapos at nginisihan. “You will do everything just to get what you want, ah?” nakangisi niyang sabi. Mahina akong tumawa at ngumiti sa kanya. “You know me, Aira.” Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko, pupuntahan ko si Kyle sa unit niya. “Sigurado ka bang uuwi siya mamayang hapon sa unit niya, Aira?” tanong ko sa aking kaibigan habang nagtutupi sa aking mga damit upang ilagay sa closet ko. Humarap siya sa akin at tumango. “Yes, girl. Gusto mong malaman ang schedule niya? Send ko sayo mamaya pag-uwi ko sa amin.” Mas lalong lumawak ang aking ngiti sa sinabi ni Aira. Tumango ako at muling nagpasalamat sa kanya. Iba talaga kapag may kaibigan ka na maraming source sa paligid at si Aira na ito. After three hours of arranging my things in my new condo unit, natapos na talaga kami ni Aira. Nagpaalam na rin siya sa akin dahil may family dinner pa sila sa kanilang bahay. Ang dami ko ng pawis at ang dumi ko na rin kaya naligo muna ako. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako sa aking sarili at napatingin ako sa aking suot na relo. Hmm, ano kayang oras uuwi si Kyle sa unit niya? Ano kaya ang magandang regalo sa kanya ngayon? Gusto ko siyang bigyan ng regalo dahil magkapitbahay na kami ngayon. Diba iyan naman ang ginagawa ng mga bagong lipat? Nagbibigay sila ng mga regalo sa mga kapitbahay nila para hindi sila masabihan na masungit at para maging kaibigan na rin ang mga ito. At iyon ang gagawin ko ngayon—bibigyan ko ng regalo si Kyle, pero ang ibibigay ko? Hmm, sarili ko? Charot! Ang naughty ko naman kung sarili ko kaagad ang ibibigay ko sa kanya. Dapat maging dalagang pilipina muna tayo ngayon para makuha ko ang loob ni kuya suplado. Makalipas ang ilang minuto na pag-iisip kung ano ang ibibigay ko kay Kyle, naisip ko na mag bake na lang ako ng aking favorite Creamy baked Mac and Cheese. Hindi naman siguro allergic sa cheese si Kyle diba? Ito na lang ang ibibigay ko sa kanya. Ginawa ko na ang aking ibibigay kay Kyle at nagtira rin ako ng para sa akin para may makain ako mamaya pag maisipan ko na mag movie marathon, para may makain ako habang nanonood ng palabas. Nang matapos ko na ito, muli akong napatingin sa aking relo at nakita ko na 6PM na pala. Siguro naman ay nakauwi na siya sa unit niya diba? Kung wala pa siya, edi babalik na lang din ako mamaya. Pumunta na ako sa aking kwarto at pumili na ako ng aking susuotin ngayon. Syempre ang pinili ko na susuotin ay iyong kitang-kita ang hubog ng aking katawan para maakit talaga sa akin si Kyle. Isa itong black silk dress na may slit para kitang-kita ang maputi kong legs. Litaw na litaw din ang malusog kong dibdib na mas nagpapaganda at sexy sa akin. Tinignan ko ang kaubohan ko sa salamin at hindi ko mapigilan na humanga sa aking sarili at sa katawan ko dahil ang sexy ko—sobra! Tingnan lang natin kung aayawan pa rin ako ng lalaking ‘yun, sigurado akong hindi siya makakatiis sa charm mo. “Let’s showtime, Patricia,” kausap ko sa aking sarili at lumabas na ako sa aking kwarto. Kinuha ko na ang aking ginawang Creamy baked Mac and Cheese para kay Kyle at lumabas na sa aking unit at naglakad papunta sa kanyang unit. Nasa labas na ako ng unit ni Kyle at nakatayo lang ako at hindi alam ang aking gagawin. F*ck! Bakit ako kinakabahan? Hindi dapat ako kabahan! Sino ba ang Kyle na ‘yun? Gwapo ba siya? Hindi! Kaya huwag kang kabahan diyan. “What are you doing in front of my unit?” “Ay, kabayo!” napatili at napatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa aking likuran. Muntik ko pang matapon ang hawak kong tupperwear na may laman na mac and cheese na para kay Kyle. Humarap ako dito at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Kyle na seryosong nakatingin sa akin. Napaawang ang aking bibig at hindi ko alam ang aking sasabihin. Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip siya. “Patricia Aquino? What are you doing here? Are you stalking me?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Mas lalo akong napaawang sa aking bibig at hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya. F*ck! Nawala ang angas ko bigla nang sumulpot si Kyle dito sa harapan ko. “A-Ah… Uhm… I’m here to give you this!” sabay pakita sa kanya ng dala ko. Kumunot ang kanyang noo at tinignan ito bago muling tumingin sa akin ng seryoso. “I don’t like cheese,” malamig niyang sabi. “Huh?” Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin sa akin. “Are you here just to give me mac and cheese? What do you want, Miss Aquino?” Napakagat ako sa aking labi at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking hawak na tupperware. F*ck this man! Bakit nawawala ang tapang ko at hindi na ako marunong magsalita kapag nasa harapan ko na siya? May mahika ba ang nerd na ito at nagawa niya akong patahimikin?! “Answer my damn questions, Miss Aquino,” inis nitong sabi. “N-Nakatira ako sa unit 069,” sagot ko at itinuro ang pintuan ng unit ko. Sinundan niya naman ito ng tingin at tumango bago muling tumingin sa akin. “N-Nalaman ko na dito ka rin pala nakatira kaya napag-isipan ko na bigyan kita nito dahil naging magkakilala na rin naman tayo sa trabaho,” sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Hindi siya ngumiti pabalik at hindi rin siya nagsalita—nakatingin lang siya sa akin. “Uhm… ayaw mo nito? Sige, okay lang naman. Noted ko na sa susunod na ayaw mo sa cheese,” muli kong sabi. Tumango siya at walang pasabi na nilagpasan ako at pumasok na siya sa kanyang unit at pinagsarhan niya ako ng pinto. Muling napaawang ang bibig ko sa gulat sa kanyang ginawa. WHAT THE F*CK?! Binalewala niya ako?! Totoo ba ‘to?! Sh*t! F*ck! Argh! “Argh!” napatili ako sa sobrang inis at sinipa ko ang pinto ng unit ni Kyle at padabog akong pumasok sa unit ko. Bwisit siya! Bwisit siya sa lahat ng bwisit! Gaganti ako! Tignan lang natin sa susunod—hindi na siya makakawala sa akin! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD