SINARIWA ni Mayella sa isipan ang mga panahong nasa normal ang ina habang diretso pa rin na nakatingin sa lalaki. Ang ina na lang niya talaga ang tanging inspirasyon niya sa buhay. Kaya sobrang masakit sa kaniya ang isipin ang kalagayan nito ngayon. "Matipid na ngumiti si Mayella sa lalaking nasa kaniyang harapan na tanging de-salamin na mesa lang ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya hinayaan na matalo siya ng distraction sa klase ng pagkakatitig din nito sa kaniyang mga mata. "Gusto ko rito magtrabaho dahil ito lang ang trabahong pasok sa schedule ko bilang isang estudyante pa lamang," muling siyang nagpatuloy sa pagsasalita. Alam ni Mayella na medyo mahaba ang sasabihin niya rito at bahala na kung ano man ang maging resulta niyon. "Magiging tapat na po ako sa inyo, Sir. K

