Mabilis akong iniwas ni Prof mula sa pag-atake ng mga bubuyog. Ang akala ko puputaktihin ako. Pero may kung anong hanging dumaan at naitaboy kaagad ang mga iyon. Napansin ko na lang ang nakabalot niyang braso sa akin. Naglapit ang aking tainga sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kalabog nito. Tila naghihimigang ang malalakas na dagundong ng aming mga dibdib. Hindi ako nakagalaw kaagad. Nag-iisip ako ng tamang salitang sasabihin upang kumalas mula sa kaniyang pagkakayakap sa akin. Pero bago ko pa man magawa ay humiwalay na siya. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. Ganito ba talaga ako kahalaga sa kaniya at sa tuwing may kapahamakang nangyayari ay naroroon siya upang ako’y sagipin? “Umiwas ka sa iba.” Ang paalala niya. Naglukot ang aking mga kilay sa aking na

