Mapangahas akong pumasok sa bahay niya. Nakikita ko ang kakaibang reaksiyon sa mukha ni Akio. “Hoy!” ang bulalas niya. Napahawak ito sa kaniyang noo at ang isang kamay naman ay nasa baywang niya. “Sandali nga!” ang sabi pa niya samantalang ako ay nakaupo sa sofa nila kung tawagin. “Bakit?” ang tanging nasabi ko. Seryoso ang aking mukha na nakatingin sa kaniya. “Hindi naman sa bastos po ako. Pero nakakaasiwa po kayong makita na naririto sa loob ng bahay ko. Mapapagalitan po ako ng mama ko na nagpapasok ako ng lalaki dito.” Mariin niyang paliwanag sa akin. Alam ko na mahigpit ang mama ng batang ito. Pero hindi ako mapakali sa babaeng lumabas mula sa bahay niya. Baka babalik pa iyon. Ano ang pakay niya at pumasok siya dito? Iniikot ko ang aking tingin sa buong bahay niya. Hindi man kalak

