Aurea POV
2nd day of school and I’m so excited this time. Ipapamukha ko talaga sa bagong transferee ang tunay na Venus at Athena. Kanina pa ako nakaharap sa salamin. I think I’m not satisfied with my aura. Ah alam ko na, kulang sa liptint. So naglagay ulit ko.
“Do I look like a Goddess now self?” Tanong ko sa sarili ko saka nagpaikot-ikot pa na parang model.
“Ok, let’s get ready!”
Papalapit na ‘ko sa classroom namin nang may narinig akong usap-usapan.
“Uy ghorl may transferee kahapon and she belongs to cream section.”
“I know right. Matalino rin daw si ate ghorl according to our dept. head. ang tataas daw ng mga grades niya.”
“Kakaiba rin ang ganda niya besh, very rare. Simpleng magdala pero umaawra!”
“So pa’no ‘yan? May katapat na si...”
“Ehemm. Excuse me?” Putol ko sa sasabihin ng babaeng kamukha ni Pokwang.
“Ah helo Aurea. Ang ganda mo today.”
“I know.” Mataray kong tugon. Mga cheesemosang frog! Deadma lang ako sa naging usapan nila. Ba’t ako affected eh alam ko sa sarili ko na ako mas higit yeah!
Pumasok na ‘ko sa room namin. Nadatnan kong pinagkakaguluhan ng lahat si transferee.
“Look who’s here!” Si Cha.
“Hello sissy i miss you!” Si Myka.
“Wala pa ring makatatalo sa awra mo cyst!” Si Je.
“Since kumpleto na tayo. Power hug!” Si Julz.
Nagyakapan kaming lima. We are the classy group. Pare-pareho kami ng taste pagdating sa mga fashion trend.
Naupo na kami saka nagkwentuhan. Sakto namang dumating ang adviser namin.
“Good morning class!”
“Good morning Sir!”
“We have another new student here. From STEM then nagshift dito sa ABM. Mr. Covey please introduce yourself to your new classmate.”
Covey?! Well, sobrang liit nga naman ng mundo at muling nagkrus ang landas natin. Hindi ko palalampasin ‘yong kahihiyang ginawa mo sa’kin. Humanda ka!
“Hi, I’m Covey.”
“Whooaahh!”
“Shet ang pogi niya!”
“Oppa!”
“Nekekeleg eke!”
“Guys please keep quiet.” Saway ng adviser namin sa mga classmate kong parang ngayon lang nakakita ng nagmumukhang tao but for me he look like a monkey!
Nag-wave na lang siya saka nag-smile. Tumingin siya sa’kin saka nag-wink. Feeling artista ampt ‘di naman kagwapohan. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Ooopss nag-wink sa’yo si oppa.” Nakikilig na wika ni Myka.
“Duhhh! He’s not my type.”
“Umamin ka sa’min cyst, parang magkakilala naman na kayo ni Coveyd? Tama ba ‘yong pagkakarinig ko? Coveyd ba ang pangalan niya?” Si Je.
“Covey!” Sabat naman ni Cha.
“Ok so please settle down now. Mr. Covey dito ka na lang sa harap maupo.” Utos ni Sir Jei.
Sa kabilang row siya naupo. Lumingon naman ako sa likod sa may kinaroroonan ni transferee. Parang gulat na gulat ang kanyang reaksyon. What’s wrong with her? Ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo? Ayy correction, unggoy pala! It’s good na lumipat na siya ng upuan or else ako mismo ang mag-eevict sa kanya dito sa harapan. Rare ba talaga ang kagandahan niya? Curious tuloy ako kung gumagamit din ba siya ng makeup?
“Before we will start our new lesson, we will elect first our new set of officers in this class. Any nomination for the position of President?”
Nagtaas ng kamay si Julz. Sinenyasan ko siya na ‘wag akong inominate pero ngumiti lang siya nang makahulugan.
“Yes.”
“Sir, I respectfully nominate Aurea Villaverde for President.
“Aurea is highly...”
“I object!” Putol ko kay Sir Jei.
“Why?”
“Sir, I was the president in our class last school year and I think it would be better if we will give chance to others.”
“I’m sorry but I will not accept your reason. Kapag na-elect ka ulit ibig sabihin no’n maganda ang organization mo last year. So you are highly nominated.”
Hindi na ako nakaangal pa. Actually ayaw kong maging president dahil mangangarag lang ako. Dapat muse ako ee! Pinandilatan ko si Julz. Ngumiti lang siya saka nagpacute.
“Is there any nomination?”
Nagtaas ng kamay si Covey.
“I move that the nomination be close.”
“I second demotion.” Sabay-sabay namang tugon ng lahat.
Kunot-noong tiningnan ko ang unggoy na ‘yon! Ngumisi lang siya. Talagang inuubos niya ang pasensya ko.
“So pa’no ‘yan? Our new president is Aurea Villaverde.”
Nagpalakpakan ang lahat at ang may pinakamalakas na palakpak ay walang iba kundi amg unggoy na nagpahamak sa akin.
Tumayo na ako saka nag-preside with my sweetest smile. Kailangan kong magpangga na ok lang ako kahit na kanina pa kumukulo ‘yong dugo ko.
Nagpatuloy ang nomination hanggang sa natapos. Escort si unggoy habang muse naman si transferee. Mabuti na lang at hindi ako nag-muse. Ayokong maging partner si unggoy kaya nababagay lang sila ni transferee. Parehong chararat!