Covey the Heartthrob

711 Words
Aurea POV Panira talaga ng araw ‘tong transferee na ‘to! Eksenadora, feeling close si ate ghourl! Well tignan natin kung makakatagal ka sa school na ‘to. Breaktime na so nagretouch ako nang konti bago pupunta sa canteen. Tumayo naman ang katabi kong transferee saka isinukbit ang bag niya. Paalis na siguro. “Hi Drei, ako nga pala si Megz.” Pakilala ni chubby girl kay transferee. “Gusto mo bang sumama sa group namin?” Anyaya ng isang kasama niyang kamukha ni Betty Lafea. “Sure.” Tugon naman ni ate ghourl. Duhh?! Sa chararat group pa siya nagjoin. Well pare-pareho naman silang chaka kaya nababagay lang siya do’n. Tumayo na ako at akmang aalis pero nakaharang si ate ghourl sa daraanan ko. “Excuse me!” Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang umiwas. “Enjoy your company newbie. No wonder, birds with the same feathers, flock together.” Sarkastikong wika ko with matching evil smile saka umalis. Halatang probinsyana ang dating niya. Sa’n kayang lupalop ito galing at napadpad siya rito? Hayysst inis na inis talaga ako. Well, hindi ako papayag na matatalbugan niya ang kagandahan ko. Ooppss wait, naiinsekta ba ako sa kanya? Gosh Aurea gumising ka nga! Hindi mo siya ka-level ok? Chillax lang ghourl. Papasok na ako ng canteen at syempre entrada ko palang pang Miss Universe na ang dating kaya naman lahat pumagilid sa aking grand entrance. Hindi uso sa’kin ang makipila dahil sa school na ‘to my special lane ang magaganda. Nang maka-order na ako’y tumungo na ako sa vip table. Biglang nagkaguluhan ang lahat nang may paparating. “Guys! ‘Di ba siya ‘yong heartthrob sa STEM department?” “Yeah siya nga. Ang pogi talaga niya. Medyo hawig sila ni Joong Kook!” “Para siyang korean popstar!” “Magaling daw siya sa art. Siya ang nagpanalo sa school natin sa painting competition.” “Wow! Ano nga ulit ang name niya?” “Sa pagkakaalam ko ee Coveyd yata?” Coveyd? Ang weird naman ng pangalan niya. Joong Kook? Sus artistahin si kuya. Sinulyapan ko siya saka matamang tinitigan. Nakashade siya kaya hindi ko ma-assess kung pogi nga talaga siya. Mga KPOP lover nga naman ee no. Nakakita lang ng nagmumukhang koreano na-fall na agad! Nabigla na lang ako nang papalapit siya sa kinaroroonan ko saka umupo. Nabaling naman sa amin lahat ng atensyon ng mga naroon. “Hmmm excuse me?” “Yes?” Mayabang niyang sagot. “Can’t you see I’m sitting here?” “I know.” Tipid niyang sagot saka tinanggal ang kanyang sunglass. Muntikan na ‘kong mapanganga. Shet! Ang gwapo nga niya! Pero dedma lang self, h’wag mong ipahalatang napahanga ka sa mala-adonis niyang mukha. Remember, lalake dapat ang magkakandarapa sa’yo! Tinaasan ko siya ng kilay saka humalukipkip. “This table is already reserved for me so you don’t have permission to sit here.” “Hahaha!” Omo! Anong nakakatawa sa sinabi ko? “Miss, ako ang unang nagpareserved nito kaya makakaalis ka na.” “What the...” “Ahh miss beautiful, nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na pinareserve po ni Mr. Pogi yang table na ‘yan pasensya na po. Do’n na lang po kayo sa kabilang table.” OMG! Konting-konti na lang at sasabog na ako. Kalma lang self, kalma lang. Gusto kong sabunutan ‘yong staff na ‘yon but not this time! Pilyo namang ngumiti ang lalaking kaharap ko. “Oh no thanks!” Sakto namang tumunog ang phone ko. “Hello sissy, I’m sorry kung hindi ako pumasok, nasa biyahe pa lang kami pauwi.” Si Myka nasa kabilang linya. Agad naman akong nakaisip ng eksena para maka-exit. “Yes Ma’am good morning. Pinapatawag po ninyo ako Ma’am? Ah ok po Ma’am. Sa’n banda Ma’am, sa library? Yes po Ma’am. l’m on my way.” Pinatay ko na ‘yong call. Hindi ko na pinansin pa ang pinagsasabi ni Myka. “Ahh kuya, pakibigay na lang po ‘yong order ko sa lalakeng ‘to. Charity ko na po sa kanya.” Ganti ko m with paawa effect saka nagmadaling lumabas ng canteen. Hindi ko na tiningnan pa kung anong reaksyon niya. Hayysst! This is not my lucky day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD