Welcome to the Group

1121 Words
Aurea POV “Cheers!” Nakipagtoss naman ang lahat. “This is to congratulate our new member of classy group, Drei.” Nagpalakpakan naman kami. Tuwang-tuwa naman si Drei. After ng last initiation ay nagpool party kami para i-celebrate ang pagiging member niya. Lingid naman sa kaalaman niya na ito pa lang ang simula. “Ang sarap naman ng alak na ‘to hindi lasang mapait.” Komento niya at nag-eenjoy sa pag-inom. Sige lang ghourl. Tignan natin kung anong magiging tama sa’yo ng alak na yan. Sige lang siya sa pagsalin ng alak sa kanyang kopita. Hindi naman namin siya pinigilan. “Guys, sobrang thank you talaga sa pagtanggap ninyo.” Natatawa naman kami sa mga ikinikilos niya. Lasing na siya. Kinuha ko naman ang phone ko saka vinideo siya. “Buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang ganito. Simple lang ang buhay namin sa probinsya guys kung alam niyo lang.” Hinayaan lang namin siyang magdrama. “Huhuhu!” Nagulat kami nang humagulhol na siya. “I just want to share to you guys na kaya ako nagtransfer dito kasi...huhuhu! Kasi naghiwalay ang mga magulang ko! Huhuhuhu!” Bigla naman akong nakaramdam ng awa kaya inistop ko na ang pagvideo. Lumapit ako sa kanya saka hinagod ang likod niya. “Napilitan lang akong nagtransfer dito guys kasi walang makakatulong na magpaaral sa’kin kundi ang lola ko lang kaya no choice ako. Ang hirap palang mapalayo sa pamilya mo guys kaya habang nariyan pa sila dapat pahalagan niyo ‘yong time na kasama niyo pa sila. Huhuhu!” Parang kinurot ang puso ko sa mga narinig ko. Nariyan nga ang mga magulang ko pero bihira ko lang silang nakakasama. Minsan iniisip ko rin kung ampon ba ako dahil hindi ko maramdaman ang presensya nila. Puro business na lang ang inaatupag. “Drei, tahan na.” Niyakap ko siya. Muli siyang napagulhol. “Mabuti na lang at nariyan kayo na handang tanggapin ako kahit ganito lang ako. Masaya akong nakilala ko kayo. Ngayon masasabing kong may mga tunay na akong kakampi.” Wika niya saka nanlupaypay. Nakonsensya ako sa mga binitiwan niyang salita. Iniisip ko kung ipagpapatuloy ko pa ba ang mga plano ko. “Let’s end this party guys. Lasing na si Drei.” “Hayy naku Aurea ‘di ba kasali ‘yan sa plano?” Wika ni Myka. Tinapik naman siya ni Cha saka sumenyas na tumahimik. Nasapo naman ni Myka ang bibig saka nagpeace sign. “Tulungan niyo akong buhatin si Drei. Ihahatid ko na siya.” Isinakay na namin siya sa kotse. “Ako na ang bahala sa kanya. Magkita-kita na lang tayo bukas sa school.” Saad ko saka pinatakbo na ang sasakyan. “Nahihilo ako.” Ungol niya. Bigla siyang napasuka pero hindi ko na ‘yon pinansin. Dumiretso kami sa bahay. Hindi pwedeng ihatid ko siya sa gano’ng sitwasyon. Nagpatulong ako kay manong Mars, ang hardinero namin, para buhatin si Drei patungo sa aking kwarto. Pagkalapag ni manong Mars kay Drei sa kama’y bigla siyang bumangon saka nagsusuka. “Manong pakitawagan si manang Eva pakisabing magdala siya ng plangganang may malamig na tubig saka towel.” “Opo.” Napahandusay na sa sahig si Drei. Binangon ko siya. “Nasusuka ako.” Anas niya. Inalalayan ko siyang tumayo saka nagtungo kami sa CR. Doon siya nagsusuka. Hinagod ko naman ang likod niya. Hinang-hina na siya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari’y pinigilan ko na lamang sana siya pero kasali kasi sa plano namin na lasingin siya at gawan ng kalokohan pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit biglang nagbago ang isip ko. Parang nakikita ko kasi ang sitwasyon ko sa kanya. Pareho kaming naglolonging ng love sa aming parents. “Ma’am narito na po ‘yong planggana.” “Manang Eva tulungan mo ako rito. Banyosan natin ‘tong kasama ko.” “Sige po.” Hinilamusan ko siya ng malamig na tubig. Bahagya naman siyang nagulat pero nakaramdam siya ng ginhawa sa ginawa ko. Pinunasan naman ni manang Eva ang mga suka sa kanyang katawan. Patuloy lang ako sa paghilamos sa kanya. Unti-unti nang bumababa ang amats niya. Kumuha ako ng komportableng damit ko saka inutusan si manang Eva na palitan siya. Pagkatapos ay binuhat namin siya saka inihiga sa kama. Pinalinisan ko naman kay manang Eva ‘yong mga nagkalat na suka. Tulog na si Drei nang mga sandaling ‘yon. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko maiwasan ang sarili na mag-alala para sa kanya. Binantayan ko siya magdamag. ——————————————————— Drei POV Pagmulat ko ng aking mata’y nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Medyo nahihilo pa rin ako. Wala akong maalala sa mga nangyari. Tanging ang naiwan sa utak ko ay ‘yong part na humahagulhol ako pero hindi ko maalala ang aking mga pinagsasabi. Pinilit kong bumangon at nagulat ako nang mapagmasdan ko ang paligid. Nasa’n ako? Nagtaka rin ako dahil nakadamit pantulog ako. Anong nangyari sa’kin kagabi? Kaninong kwarto ‘to? Sinet-up kaya nila ako? Kinapa ko ang sarili. Narape kaya ako? Kung ano-anong negatibong pangyayari ang gumugulo sa isip ko. Nabigla ako nang bumukas ang pinto. “Good morning!” Bati sa akin ni Aurea. May dala itong tray ng pagkain. Nakaramdam naman ako ng gutom nang maamoy ko ang kape. “Ahh... Ehh...” “Don’t worry walang nangyaring masama sa’yo. Kumusta ang pakiramdam mo, nahihilo ka pa rin ba?” Nag-aalalang tanong ni Aurea. “Medyo nahihilo palang saka masakit ang ulo ko. Pasensya na kayo ha...” “Ssshhh.” Putol niya sa sasabihin ko. “Magkape ka muna para matanggal ‘yang hangover mo.” Pag-iiba niya ng usapan. Humigop ako at medyo naginhawaan. Aurea ang laki na ng utang na loob ko sa’yo.” “Sus! Maliit na bagay. Syempre as a leader of the classy group, obligasyon kong protektahan ka.” Nahiya ako sa mga sinabi niya. Hindi ko kasi nakontrol ang sarili ko. Nagkamali ako ng hinala sa kanya. Napakabuti pala niya. “Sorry talaga ha? First time ko kasing malasing kaya...” “H’wag mo nang alalahanin ‘yon.” “Oo nga pala si lola!” “Natawagan ko na siya kagabi at ipinaalam na rin kita na matutulog ka rito sa bahay.” “Maraming salamat talaga Aurea.” Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti naman siya. “Oo nga pala ‘di ba monday ngayon?” Natawa na lang kaming pareho dahil first time naming umabsent sa klase. This day is really fun dahil nakapagbonding kami ni Aurea. Para kaming magkapatid. Nawala na ‘yong doubt ko sa kanya at pinagkakatiwalaan ko na siya. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD