Drei POV “In a few minutes we will start your exam.” Paalala ni Sir kaya nagsipag-ayos na kami. Wala pa si Aurea. Magkatabi kasi kami. Late kaya siya? “Uyy malapit nang magsimula ang exam pero wala pa si Aurea.” Nag-aalalang wika ko. “Baka na-traffic lang ‘yon.” Tugon ni Myka. “Oh kaya late nagising kakareview.” Saad naman ni Cha. “Wait lang guys kailan ulit ‘yong sinabi ni Aurea na flight nila ng mamey niya?” Putol ni Je sa usapan. “After exam.” Sagot naman ni Julz. “So ngayon?” Gulat na wika ko. “Paano kung natuloy nga sila’t nakaalis na?” Nangangambang tanong ko. “Hayy naku kilala ko si Aurea. Magpapaalam ‘yon kung matutuloy siya. Wala naman tayong natanggap na message mula sa kanya.” - Myka “Oo nga, saka nangako naman siya na kakausapin niya ang mamey niya at pakikiusapang

