Cassandra Aray ko Kenneth manganganak na yata ako daing nya, kanina pa humihilab ang kanyang tiyan, akala nya simpleng sakit lang ng tiyan ang kanyang naramdaman, pero heto at tuloy tuloy na ang paghilab nang kanyang tiyan. kenn! hindi na niya mapigilang mapasigaw sa sakit, Panay panay na kasi ang hilab ng kanyang tiyan , kung nasa ibang sitwasyon lang sya baka humagalpak na sya ng tawa sa asawa, nagkukumahog kasi ang asawa nya sa pagbangon,, ang masaklap pa nalaglag pa ito sa kama. Fuck! Baby what's wrong? anong nangyari sayo? bakit ka sumisigaw? Ano! tell me? hindi ito magkandaugaga sa paghaplos sa kanya, may masakit ba sayo? sunod sunod na Tanong nito na may halong pagkataranta, na mas lalong nakakapagpa hilab ng tiyan nya. kennethh manganganak na yata ako, ang sakit na ng tiyan ko

