Denver Hinding hindi sya makakapayag na iiwan nalang sya nito basta basta, aaminin nyang kasalanan nya, nagiging marupok sya, dahil nasaktan lang naman sya kaya sya nagpunta sa bar na yun para maglasing. Pero yun ang pagkakamali nyang nagawa, sinamantala ng ex nya ang kalasingan, ginamit nito ang pagkakataon para masira silang mag asawa, nilasing sya nito para makapasok ito sa loob kasama sya At yun ang naabotan ng Asawa nya hindi nya pagtatakpan ang sarili, gago sya nadadala sya sa kapusokan ng ex.Nung nahuli siya nito sa akto, Umalis na lang ito ng hindi sya nakapagpaliwanag, dali dali syang nagbihis para sana sundan ito, Babe saan ka pupunta? ano susundan mo pa rin ba ang babaeng yun? di ba sinabi mo niloloko ka lang nya? bakit mo pa susundan pabayaan mo na siya, nandito naman ako ha

