CHAPTER 7

498 Words
Cassandra Masakit na masakit ang buo niyang Katawan nang sya ay magising kinabukasan, tulog na tulog parin ang lalaking pinag alayan nya ng sarili, kahit gaano pa sya kalasing kagabi naalala parin naman nya ang mga nangyari, hindi na sya malinis kaya quits na sila ng ex nyang manloloko, iika Ika syang pinulot ang mga nagkalat na mga saplot sa sahig, ngayon na wala nang bisa ang alak nahimasmasan na sya, hindi sya makapaniwala na nagawa nyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa isang estranghero, tulog na tulog pa ang lalaki ng tuloyan nyang iwan ang silid na yon. Parang isang masamang panaginip lamang ang lahat, pagkaraan lang ng ilang linggo nalaman nalang niyang buntis siya kaya naman napilitan syang umalis papuntang cebu upang doon muna magtago, ayaw sana nyang gawin Yun pero ayaw niyang mapahiya ang kanyang pamilya, kilalang magagaling na negosyante ang kanyang ama at ina at ayaw nya itong kaladkarin sa kahihiyan, dahil lang sa pagkakamaling nagawa niya. Pinanindigan niya ang pagkakamaling nagawa, namuhay syang mag isa sa isang maliit na apartment sa cebu.Kinaya nyang suportahan mag isa ang kanyang sarili, pero nagtitipid sya dahil sa pagbubuntis nya, mahirap nung umpisa pero mabilis syang nakapag adjust, Mabait naman ang kanyang mga kapitbahay lagi syang tinutulongan ng mga ito, Naalala pa nya nung manganganak na sya, tulong-tulong ang mga kapitbahay nya para dalhin sya pa hospital, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga ito dahil kahit hindi niya masyadong Kilala at close daig pa syang ituring kung pamilya. Pagkaraan ng tatlong taon, dalawang taon na ang kambal nya. Naisipan niya ang maghanap ng mag alaga para makapag apply na sya ng trabaho.natanggap naman sya sa office na inaplayan nya, pinagbuti nya ang kanyang trabaho dahilan para mabilis syang ma promote, pero isang araw nagpatawag ng meeting ang manager at nalaman nya na darating ang mga kasosyo nito na galing pang maynila, Hindi niya akalain na mga magulang pala nya ang mga kasosyo nito.tandang tanda pa nya kung paano nagwala ang kanyang mommy, nung malaman na doon pala ako ng trabaho, halos mawalan ito ng malay ng malaman na ang kaisa isa nilang anak ay may dalawa nang anak at kambal pa. kitang kita nya sa mga mukha ng magulang nya kung gaano sila nasaktan at nagdamdam, pero ang magulang ay magulang pa rin, pinatawad sya at tinanggap ng mga ito, sinabi niya na hindi niya alam kung saan ang tatay ng mga anak nya at hindi na sya pinilit pa ng mga ito. Ayaw niyang ipaalam kung paano nabuo ang kambal. ayaw nyang dagdagan pa ang sama ng loob na naramdaman ng mga magulang, Kaya ngayong parating na ang mga ito kailangan nyang paghandaan ang muli nilang pagkikita, nangangako syang babawi sya sa mga ito,. Mag six years old na rin naman ang kambal, kaya kailangang dahan dahan na nyang paghandaan kung paano ipaliwanag sa mga ito ang tungkol sa kanilang ama na hindi pa nila nakilala, kung nasaan na ba ang kanilang ama, sana maintindihan nila ako,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD