Cassandra
Habang tintingnan nya ang kanyang mga magulang na nasa loob na ng mga kabaong, Bumuhos ang kanyang mga luha. bakit sa kanila pa ito nangyari. Pinilit nyang magpakatatag sa harap ng kanyang mga anak at sa mga taong nakikiramay,
Nay mila ipalibing na po natin sila kaagad ayaw ko nang patagalin pa kasi ang sakit sakit na makikita Silang nasa loob ng kabaong at wala ng Buhay, iniwan na talaga nila ako nay. yumakap sya sa matanda, ito na ang pangalawang ina nya mula pa pagkabata. ito ang nag alaga sa kanya mula nung maliit pa syang sanggol hanggang sa paglaki.
Anak magpakatatag ka, kailangan ka ng mga anak mo at ng kompaniya.Pati kami kailangan ka namin,' hindi pa sana ito ang tamang oras para malaman mo to iha, pero ang kompaniya nyo nakasangla pati itong mansyon anak bininta na.iba na ang nagmamay- ari, at isang buwan nalang ang palugit.Kaya problemado ang mga magulang mo tungkol Dito.
Cass anak, sa Ngayon pauwi na ang mga nakabili sa mga ari arian nyo na Balita ko sa abogado na galing pa sa ibang bansa para makiramay na rin sa pagkawala ng mga magulang mo sana harapin mo sila ng maayos.
Hindi ko na banggitin kung paano nalulugi ang kumpanya at kung paano hirap nang makabangon ang mga magulang mo. Kay attorney mo na lang itanong, pagkalibing ng mga magulang mo.uuwi din muna ako sa probinsya pagkalibing ng mga magulang mo. mag iingat ka dito anak, alagaan mo ang mga anak mo.
Nay mila ano pong pangalan ng nakabili ng mansyon ?
Kay attorney mo na itanong iha, hindi ko din kilala, pero ang alam ko sila ang Isa sa pinakamayamang angkan dito sa bansa .
Napaupo sya sa sofa, bakit ganito mom! dad! sana sinabi nyo sa akin kaagad, sana hinanda nyo muna ako bago nyo ako iniwan, para sana kahit papano natulongan ko man lang kayo.
Mga anak hindi na natin makasama Ang lolo at lola ninyo, Please help nyo si mommy para ipagpray natin sila. Kayo nalang ang meron si mommy ngayon. promise to mommy na kahit kailan hindi nyo ako iiwan,
We promise po mommy, please po stop cryin na mommy were here for you.
Magiging busy muna si mommy ha, madami kasing tao para makiramay. Please huwag magpasaway kay lola mila ok be a good kids.
Opo mommy! sabay sabay na sagot ng dalawa, kahit maga Ang kanyang mga mata dahil sa kulang sa tulog pilit syang humarap sa mga nakiramay ng matatag,
Nay mila pakidala muna sila sa kwarto namin,
Sige iha ako na ang bahala sa kambal,
harapin mo muna sila, nandyan na ang mga ramsey
Who are they nay Mila?
Napabuntonghininga pa muna Ang matanda bago sya sinagot
Sila Ang bagong may Ari nitong mansion at ng hacienda
bigla syang nanlumo sa narinig, mommy! daddy! bulong nya sa hangin, aayusin ko to pangako ko sa inyo ibabalik ko ang mga ari arian na dugot pawis nyo ang puhunan para mapalago lang ito, gabayan nyo po ako mom! dad.