Cassandra
Good evening po Mr and Mrs ramsey, Im sorry po kung medyo hindi ko po kayo masyadong nahaharap,sobrang dami po kasing taong dumating, pagpasensyahan nyo na po.
Dont worry iha ok lang kami dito, by the way ito ang mga anak namin, si jessica ang panganay at si! natigilan ito habang may pilit hinahanap, nasaan na pala si kenneth rodulfo?
Rodulfo ang anak mo talaga hindi ba pwedeng iwanan muna nya ang trabaho nya sa opisina.Sorry iha baka nasa labas lang yun, kausap ang tauhan nya sa telepono, ganun kasi katutok yun sa mga negosyo.
Ok lang po yun mrs ramsey.
Oh please stop calling me mrs ramsey iha, im just 45 years old,
Just call me tita Melba and this is your tito rodulfo turo nito sa asawa,
ok po tita tito, thank you po pala
sa tulong nyo para sa libing nila mommy, salamat po sa mga naitulong nyo noong nabubuhay pa Sila.
Naku iha huwag kang magpasalamat, kaibigan namin ang mga magulang mo, kaya dapat lang na suklian namin ang mga kabutihan nila sa amin nung nabubuhay pa sila.
Excuse me po tita melba, tito rodulfo,
sisilipin ko lang po saglit ang mga anak ko, nasa taas po pinapatulog ni nanay mila.
May mga anak ka na pala iha? tila gulat na reaction ng mga ito sa narinig. opo tita , but you look too young hija! and wala sa hitsura mo ang may mga anak na, bumuntonghininga ito, sana may apo na rin sana kami kung nag asawa na sana ang mga anak ko, sumimangot naman ang panganay nito na anak, mom bakit hindi si Kenneth ang pag asawahin nyo, I'm not ready to settle down, simangot nito.
Napapangiti nalang sya sa sinabi ng ginang, thank you po tita. actually kambal po yung anak ko.Maiwan ko po muna kayo, akyat po muna ako tita, Tito, and ate Jessica, sige iha.
sana makilala ko ang mga anak mo, alam mo bang matagal ko nang hinihiling yan sa Kenneth ko, pero ayun lagalag at walang siniseryosong babae.
Next time tita kapag nasa maayos na po lahat ipakilala ko sila sa inyo, at tuloy tuloy na syang umakyat sa kwarto kung nasaan ang mga anak nya.
Kenneth buti at naisipan mo nang pumasok, puro ka parin trabaho. tungayaw ng ina sa anak na kapapasok lang.
Im sorry mom, nagkaproblema lang sa isa sa mga project ko kaya kinausap ko muna ang mga tauhan ko.Alam mo naman siguro mom na wala pa akong sekretarya sa ngayon.
kenneth sanay na kami sayo napaka workaholic mo kaya no need to explain, Nandito tayo para makiramay sa mga del castillo,
Ililibing na sila bukas so please lang hayaan mo muna ang trabaho,
Alam mo kung gaano kabait sa atin ang mga del castillo nung buhay pa sila, so please ibigay mo na sa kanila tong oras mo na to,.
Ok po mom, sorry medyo nagkaka problema lang po talaga sa site.
So can we go back inside son?
gusto ko na rin munang umupo.sumasakit ang mga tuhod ko, by the way nasa taas ang kaisa isa nilang anak, spare her son, she's so pretty kaya winawarningan na kita, mukhang matino ang batang yun, kung sana wala pang asawa yun gusto ko sana sya para Sayo, pero sabi nya may mga anak na sya.
Exactly mom! so don't worry wala sa bokabularyo ko ang papatol sa may Asawa,
Cassandra iha! tawag sa kanya ni tita melba.buti bumalik ka na,! dito na ang pangalawa kung anak.
My son kenneth, ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nya ng pag angat ng mukha nya makita nya ang isang taong hindi nya inakalang makikita pa nya, Nanlalamig ang kanyang mga kamay, at nanlambot ang kanyang mga tuhod.
Iha! are you ok? you look pale, baka hindi ka na natutulog ng maayos dahil sa lamay,Pwede namang kami muna ang bahala dito para makapagpahinga ka.
Im ok lang po tita, kinakabahan sya sa titig ng lalaki, parang namumukhaan pa sya nito.Nang iabot ng binata ang kamay nito, nag atubili pa syang tanggapin Ang pakikipagkamay nito.
Pero ayaw naman nyang ipahalata na naalala pa nya ito.
Condolence miss cassandra ruiz del Castillo , medyo may kasamang paghaplos pa ang pakipagkamay nito, kaya agad na nyang binawi ang kamay nya.Namutla sya dahil sa kaba baka makahalata ang mga magulang nito,
Oh hijo magkakilala kayo? paano mo alam ang buong pangalan nya?
Kami nga hindi pa namin natanong, so pano mo nalaman? puno ng katanungan ang hitsura nito habang palipat lipat ang titig sa kanila.
Naku! hindi ko po sya kilala tita, mabilis na sagot niya sa ginang, ngayon lang po kami nagkakilala. baka dahil lang po sa magulang ko,baka nabanggit lang po nila ang buong pangalan ko, medyo defensive niyang pagpaliwanag sa ginang.
Huwag kang pasaway cassandra, kastigo nya sa sarili nya. bakit ba sya nauutal at nagpapaliwanag baka makahalata pa ang mga ito sa kanya, Excuse me po muna tito, tita, may asikasuhin po muna ako sa kusina.kailangan nya munang iwasan ang mga ito, ayaw nyang magkagulo kapag mabulgar ang sikreto nya. Nice meeting you kenneth, and ate jessica, see you later.
Diretso ang lakad nya bahala na kailangan ko syang iwasan para sa ikatatahimik ng buhay ko at ng mga anak ko, f**k! pagmumura niya sa isip, nasa burol pa siya ng mga magulang at kasalukuyang nagdalamhati pero di pa pala sinagad ang parusa niya dahil heto may kasunod pa, lord naman please po huwag muna ngayon, piping pakiusap nya sa diyos, hindi sya madasaling tao pero mukhang kailangan na niyang simulang magdasal.