Episode 2: Colonel Jacob Samonte Woke-Up

1037 Words
AFTER ONE WEEK ay nagkamalay si Jacob at si Kumander Allhean ang una niyang nasilayan. Nakatulog ito habang nakahawak sa isa niyang palad. Bahaya siyang napangiti habang hinahaplos nito ang buhok ng asawa. "Ummm... habagyang ungol ni Kumander Allhe at inangat niya ang kaniyang mukha. "Jacob!" bulalas nito at dali-dali siyang tumayo at niyakap nang mahigpit ang asawa nito. "Akala ko hindi na kita makita," pahayag nito at hinahaplos niya ang buhok ni Kumander Allhe. "Alam mo bang pinakaba mo ako nang husto?" Hindi napigilan niya ang mapaiyak dahil nagiging emosyonal siya. "I'm sorry," tanging sabi nito. "Huwag mo nang ulitin iyon!" "Kahit buhay ko ang kapalit, basta maprotektahan lang kita." At sa pagkakataon na iyon ay hawak na ni Jacob ang pisngi ng asawa niya. At dahan-dahan niyang hinalikan ang labi nito. Pumikit ang mga mata ni Kumander Allhe, at tumugon sa halik ng asawa niya. At agad ring naghiwalay ang kanilang mga labi. "Sandali, tawagin ko lang si Mama." "Uhm." Tumakbo siya patungo sa clinic ng kaniyang ina at naabutan niya itong abala sa computer nito. "Ma," sambit niya at nakatayo siya sa bunganga ng pinto. "Allhe, come-in." "Ma, si Jacob gising na," balita niya rito. "Really?" "Uhm." "That's good!" Dali-daling tumayo si Doktora Sheann, at nagpunta sa kuwarto ng pasyente. "Allhe, tawagan mo ang iyong mga biyenan." "Sige po, Ma." At dali-dali naman na tinawag nito ang biyenan niyang babae. "Hello, Allhe," boses ng kaniyang biyenang babae sa kabilang linya. "Ma, gising na si Jacob." "Really?" "Oo, Ma." "Oh, thank God! I'm coming." Masaya na kinansela ni Mrs. Remedios ang pag-uusap nila ni Allhean. At agad siyang nagpahanda ng pagkain sa katulong niya. Tinawagan niya si Jase na kasalukuyang nasa bahay nila ni Louella na isang linggo pa lang mula nang manganak. At baby boy ang panganay nilang anak. "Jase, si Mommy tumawag," sambit ni Louella, dahil nasa loob ng banyo ang asawa na kasalukuyang naliligo. "Sagutin mo, baka importante." "Okay." "Hello, Mom." "Louella, si Jase nasaan?" "Nasa banyo, naliligo." "Pakisabi, gising na si Jacob. At gusto kong pumunta sa hospital. Baka puwedeng samahan niya ako." "Okay, Mom. Sasabihin ko sa kaniya." "Thank you. Uhmm, kumusta ang apo ko?" "He is fine, Mom." "Dadaan ako mamaya diyan, after ko sa hospital." "Okay, Mom." Nang makalabas si Jase ay agad sinabi ni Louella ang tungkol sa bilin ng kanilang ina. Natuwa naman ito sa magandang balita at dali-dali itong nagbihis. "Alis na ako, babalil ako agad." Paalam ni Jase sa asawa. "Okay. Mag-ingat ka." "I will." At humalik siya sa noo ng asawa, at nilapitan rin nito ang sanggol at hinalikan rin ang noo nito. "Matutuwa si Tito Jacob, kapag nakita ka niya, Jassuelle." Hanggang sa makarating ang mag-ina sa hospital at takbo-lakad ang ginawa ni Mrs. Remedios, dahil excited siya na makita ang panganay niyang anak. Nang makapasok sila sa loob ay naabutan niya itong nakasandal at kasalukuyang sinubuan ni Allhean. "Jacob..." masayang sambit ng ina niya. "Ma." Nakangiti siya nang makita ang ina nito at mahigpit siyang niyakap. "Thank God, dahil gising ka na." Napaiyak si Mrs. Remedios dahil sa sobrang saya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Jase sa nakakatanda niyang kapatid. "Mabuti na, Jase." "By the way, may ipapakita ako." Inilabas ni Jase ang phone niya at ipinakita ang video ng kaniyang anak. Napangiti si Jacob habang pinagmamasdan ang pamangkin niya. "Anong pangalan niya, Jase?" "Jassuelle." "Nice name. Congrats!" "Thank you!" At maya-maya pa ay dumating si MG. Samonte at CGPA. Sirocco. Pareho ang mga ito nang makitang stable na ang kalagayan niya. ISANG LINGGO mula nang makalabas si Jacob ay napagkasunduan ng kanilang mga magulang na ituloy ang honeymoon nila sa Hawaii. Hindi naman tumanggi si Kumander Allhe, dahil para sa kaniya ay ikakabuti ito kay Jacob. Para sa agarang paggaling niya. Bago sila umalis ay nagkaroon muna sila ng salu-salo sa tahanan ng mga Sirocco. Na tanging panauhin nila ay ang mga Pardus Force. At inimbitahan rin si Dr. Villa Font at ang boyfriend nitong si Brando Palomares Jr. "Hi, Allhe. How are you?" bati ni Dr. Villa, na kapapasok lang sa kanilang bahay. "I'm good!" Nagbiso-biso ang dalawa, at lumapit naman si Jacob sa kanila. "Dra. Villa, Thank you so much!" Inilahad ni Jacob ang kamay niya rito. At ganoon rin sa boyfriend nito. "You're welcome!" tugon nito sa kaniya. Madaling araw na natapos ang okasyon at ang flight nila patungong Hawaii ay alas-nuwebe nang umaga. Kaya may ilang oras pa para makapagpahinga sila. "Allhe, ako na ang tatapos niyan, pahinga ka na." At hinawakan ni Jacob ang balikat niya at dahan-dahan na tinulak patungo sa kama at pinaupo. "Hindi ka ba pagod?" tanong ni Allhean sa kaniya. "Hindi pa naman." At kasalukuyan niyang nilagay ang mga gamit nila sa dalawang maleta. "Dahan-dahan lang, ha." Bilin ni Allhean sa kaniya. "Yes." Nang matapos na siya ay tumabi na ito sa asawa. At kinuha niya ang ulo ni Allhean at pinatong niya sa kaniyang braso. Hanggang sa nakatulog ang dalawa. Alas-siyete nang umaga ay nagising sila at nang lumabas sila ng kuwarto ay nakabihis na sila. Pagbaba nila sa sala, ay nandoon na ang dalawang pamilya na tanging silang dalawa ang hinihintay. Pareho ang mga ito na maaliwalas ang kanilang mga mukha habang hinihintay ang kanilang pagbaba ng hagdan. "Let's eat!" pahayag ni CGPA. Sirocco. At inakbayan niya ang asawa. Kasalukuyan na silang nasa harapan ng pagkain nang biglang nagsalita si Mrs. Remedios. "Kailangan pagbalik n'yo ay buo na ang pangalawa naming apo," nakangiti nitong sabi. "Ummm... I agree," pagsang-ayon ni CGPA. Sirocco. Nakatinginan si Allhean at Jacob at bahagya silang ngumiti. "Oo nga, Allhean. Para may kalaro si Jassuelle," segunda naman ni Louella. Na kandong ang sanggol habang kumakain ito. "In Gods will," tanging tugon ni Allhe, at hinawakan niya ang palad ni Jacob. Dahan-dahan naman na dinala ni Jacob ang kamay niya sa labi nito, at masuyo niya itong hinalikan. "In Gods will." At nakangiti ito habang tinitigan ang mga nata niya. Kinilig naman si Albert III at Switlyne habang tinitingnan nila ang mga ito. "Hey! Ganyan din tayo kapag kasal na tayo, ha." Sinuko ni Albert ang katabi at pabulong niya itong sinabi. "Huwag kang maingay!" Gumanti naman si Switlyne at siniko niya ang nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD