No Tengo Más

1239 Words
"Ma." Halos lumuhod na ako para matuloy lang ang pag-aaral ko. Nanginginig akong nagmamakaawa para makapagtapos ako ng pag-aaral. Kaso buo na ang desisyon niyang tumigil ako para magbantay ng tindahan. Walang trabaho ang Kuya kong malaki ang natulong sa buong pamilya. Si papa naman hindi sapat ang kita niya bilang sales man. "Sige! Mag-aral ka! Huwag niyo akong sisisihin pag wala na kayong makain!" Sigaw ni mama pagkatapos kong sabihin na gusto kong ituloy ang pagpasok sa skwela. Hindi ko na alam ang gagawin at uunahin dahil damay ang mga kapatid ko. "M-ma magtitipid tayo, pwede naman yun." Humahagugol kong paki-usap. Lumapit na si papa at kagaya ni mama iisa lang ang desisyon nila. Si papa ang unang nagsabi sa akin na tumigil muna sa kolehiyo. Pinagsabay ko ang home based work noong pandemic at ang online class during my first year in college. "Huwag ka na mag-aral at magtrabaho ka nalang para makatulong ka rito sa bahay!" Si papa na senesermunan ako habang umiiyak. Nanlumo ako sa pag-asang umahon sa hirap na nawala na ngayon sa akin. Nagamit ko na kasi ang scholarship ko sa unang taon ko sa kolehiyo. Hindi umabot ang average ko sa maintaining grade na hinahanap ng scholarship kaya natigil iyon. Nagtitinda ako sa shop kahit kasagsagan ng exam o quizzes ko. "Pwede ka namang mag-aral ulit basta may pera na tayo, ngayon magtrabaho ka muna dahil hindi na natin kaya! Isipin mo rin ang kapatid mong nag-aaral pa! Siya muna!" Kahit mag lupasay ako wala na akong magagawa. "Yung pinsan mo may inaalok na trabaho i-grab mo na, magtrabaho ka na dahil pagod na ako kakahanap saan kukuha ng pambayad kung magkokolehiyo ka pa!" May mga oras na talagang wala akong maintindihan dala narin ng pag-iisip kong matatapos ko ba ang pag-aaral. Noong grade 12 pa ako Sinabihang hihinto dahil hindi na nila kaya sa bahay ang magipit ng sobra. ABM ang strand ko at consistent Honor student during my junior high and senior high. I graduated my chosen strand with highest honor. Lahat ng achievements ko in school feels like nothing now. Sa tuwing may nakikita akong studyante sa dating unibersidad ko, na-iinggit ako dahil minsan sa buhay ko hindi ko pa naranasang mag-aral na hindi iniinda ang pera pambayad sa matrikula. It's a well known university in our province so studying there is a privilege. Which I don't have anymore. Napagod na silang maghanap kung saan nga naman kami kukuha ng pera. Ng nakaraang buwan may sweldo ako pero hinati pa iyon ng magulang ko. Hindi ako nagreklamo kasi sila naman nagpasok sa akin roon. Sa tuwing nagbabantay ako sa shop marami ang studyanteng bumibili ng meryenda sa amin. May inis minsan sa puso ko na bakit ako hindi nag-aaral. Kahit gusto kong lumabas para ako na mismo ang maghanap ng sariling trabaho hindi pwede dahil walang magtatao raw sa shop. Parang wala na silang balak sa kinabukasan ko. Hindi ako pinapayagang umalis mag-isa. Mag iilang buwan na rin mula ng magsimula ang klase ng mga kolehiyo. Sa loob ng mga buwan na wala pang pasukan nag dasal ako na sana magbago ang isip nila kahit napaka impossible. Unti unti natatanggap ko na hihinto nga ako sa pag-aaral. "Pstt Ate!" Nagising ako sa malalim kong pag-iisip, humarap ako sa kapatid kong highschool student sa isang pribadong paaralan. Scholar siya roon. Tinignan ko siya. "Bakit?" Lagi akong iritado sa lahat, hindi narin kami masyadong nag-uusap ng mga magulang ko, kung may mga tanong saka ako sasagot. Hindi ko na ata maibabalik yung dati. Tuwing matutulog na ako lagi akong umiiyak dahil bakit ganun! "Turuan mo ako sa assignments ko." Sa dialect namin kasi walang po o opo kaya ganiyan siya mag Tagalog. "Mamaya." Tumango siya at pumasok na sa loob. Dahil tengga ako rito sa bahay ng ilang buwan para akong batang yagit ang itsura. Hindi na ako nakakapag-ayos gaya ng dati. Mukha na akong may anak, pag may pera kasi ako gusto nila magbigay ka ng ganto, ng ganiyan, ibili mo si kapatid mo nito, pahingi pambili ng gamit sa kusina, bayaran mo yung ganto at walang katapusang bayarin! Sa ukay nalang ako bumibili kasi kung bagong damit worth 499 o 999 pwede na yang ipambili ng ilang kilong manok. Tumigil kasi mag work ang Kuya ko sa manila. Napagod, umuwi rito kaya ako naman ngayon. Kakapagod, kaso hindi pwede sumuko kahit sumuko na sila sa akin. Parang ayaw ko na mag asawa kung hindi pala kayang buhayin tapos aasa sila sayo bilang anak na paaralin yung mga kapatid mo. Hindi ko naman hiniling na lumabas rito sa mundo, ni hindi ko nga obligasyon itong pasan ko! Mahal ko naman pamilya ko pero grabe naman paghihirap na ito. Mayroon ngayon bukas wala nanaman! Tangina kasi yang minimum rate sa mga probinsya, talagang walang mabubuhay na pamilya yang sweldong 350 a day tapos pito anak mo! Wala magdildil talaga ng toyo at asin. May sustento naman na nakukuha sa mga kamag-anak na nasa ibang bansa pero kung gagalawin mo iyon para pangaral gipit talaga ending. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip paano kami aahon sa pagiging mahirap! Napakarami pang bawal gawin eh mahirap na nga! Tanginang buhay ito! Bakit sakin pa binigay ang ganitong kahirap na buhay! Halos sabunutan ko na ang sariling buhok rito sa shop ng pinsan ko. Kahera ako dito sa vape shop niya. Sa likod nito ay bahay naming bungalow. "Nikita! Hoy para kang Tanga!" Pumasok ang pinsan kong may-ari si Kuya Cariño. Ang mapangasar kong pinsan na masarap sakalin, sikuhin, tadyakan at katayin sa pang-aasar niyang below the belt. Inirapan ko siya dahil baka hindi ko nanaman mapigilang sumagot rito kasi masakit siyang magsalita. Wala sa lugar kung magsalita. Parang siya nag luwal sa akin kung makapag-asar na ampon daw ako sa talahiban. "Bago ka mag maldita, ayusin mo itong mga stock ng juice tapos magpalit ka ng damit. May pupuntang bagong customer na nirekomenda ng girlfriend ko. Maganda ka sana kaso pang losyang yang damit mo!" Ayan na naman siya! Wala nga akong damit na pang pormal. Hindi ako pangit pero sakto lang ang ganda. Sinimulan ko muna ang pag-aayos ng stock. Tapos dumating yung girlfriend niya, si Caridad. Hahaha bagay nga sila eh. Parehas na maayos ang buhay, may pinag-aralan kahit hindi halata dahil sa ugali ni Kuya Cariño. Mabait yang girlfriend niya. "Nikita! Musta? May dala akong pasalubong para sayo! Galing akong manila. Halika sukatin mo!" Hinila ako nito palabas ng shop at pumunta kami sa sasakyan niya para kuhanin yung mga binili niya daw sa akin. "Ate, parang hindi ko na kayang tanggapin ito." Turo ko sa grocery bags na dala niya para sa amin. Kung may Isang rason bukod sa kailangan ko ng pera kaya ako nagtitiis rito sa shop ay ang girlfriend ng may-ari sobrang bait niya sa amin na hiniling niyang maging kahera ako at pagpasensyahan ang pinsan ko. Sinukat ko yung dress na binili nito sa akin at napa wow siya sa ayos tignan sa akin. "Omg! You look so beautiful! Ang ganda Ganda mo kaya kahit hindi ka nag-aayos! Makakahanap ka niyan ng sugar daddy!" Masayang tili niya pero ako nagulat sa huling sinabi niya. "Sugar daddy po? Tumawa siya ng malakas at sinabing biro lang daw pero kung gusto ko raw magsabi ako. Ipapakilala raw niya ako mamaya sa lalaki kung gusto ko raw ng papa de asukal! Eh anong gagawin ko riyan sa sugar daddy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD