Kabanata 2

958 Words
Kalaunan ay nakarating din ang dalaga sa mismong bahay nito. Agad siyang lumabas sa kotse at hindi na pinahihintay pang pagbuksan siya nito. "Insan!" nagulat si Anne nang bumungad sa kanya ang pinsan nitong si Stacy. Agad niya itong niyakap nang mahigpit. It's been a long time since they've met. "Wow ha! Tiba tiba ka na ngayon a! Nalamangan mo na ang kagandahan ko!" pagyayabang nito sa dalaga. "'Di naman! Nagmana lang ako sa'yo no!" sumbat nito. "Insan! I really missed you so much." hindi maiwasang maging masaya si Anne. Si Stacy ay ang kababata niyang pinsan. Bawat pag-uwi nila sa pilipinas ay siya agad ang unang nakikita ng dalaga. "Balita ko naka enrolled ka na raw, at? School mates tayo!" masiglang tugon nito sa dalaga habang tumatalon. Hindi maiwasang mapangiti si Anne nang malamang magkapareho sila ng paaralan ng kanyang pinsan. Kahit papaano ay hindi siya magiging looner pagdating doon. "Hindi man lang ba kayo papasok?" tugon ng mommy ni Anne. Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay. Hindi maiwasang mamis ng dalaga ang bahay na ito. Biglang napatigil sa paglalakad ang dalaga nang makita ang litratong nasa ibabaw ng table sa sala. Agad niya itong kinuha at saka tinitigan. "Oo nga pala insan, nakikiramay ako dahil sa nangyari kay tito. " mahinang tugon nito sa dalaga habang tinapik ang likuran nito upang e comfort ang dalaga. "Hindi lang talaga ako makapaniwala na mawala siya sa isang iglap, I can't deny that I really missed him." tugon nito kay Stacy habang bitbit ang litrato ng kanyang ama. "I know it's so hard for you, but you must move on the take the truth. Balang araw makakalimutan mo rin ang lahat." payo pa nito sa dalaga. "I tried." tipid na tugon nito. "Ma'am, maupo na muna po kayo." agad na napalingon ang dalaga sa bandang likuran nito nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Yaya linda!" sigaw nito at saka niyakap. "Malaki na ang baby ko, ah at? Mas gumanda ka hija!" puri nito sa dalaga. Si yaya Linda na ang nagpalaki kay Anne mula isang taong gulang pa lang ito hanggang sa umabot sa limang taon, kaya labis ang lungkot nito nang malamang sa states na sila titira. "Ikaw rin yaya, nanatili ka paring bata at saka maganda." sumbat nito. "Ay sus! Maliit na bagay." bahagyang natawa ang dalawa. Noon pa lang ay nagkakasundo na ang dalawa pagdating sa biruan. Habang wala sila sa bahay ay si yaya Linda na ang nangangalaga sa bahay na ito kaya hindi nila maitaboy ang matanda dahil malaki ang utang na loob nila dito. Isa pa ay itinuring na nila itong pamilya sa bahay at lola ni Anne. "Ito, iniluto kita ng paborito mong brown cokies. Kumain kayo." abot pa nito sa alaga. "Thanks yaya, Can't wait to taste it again. It's been a long time mula noong huli ko itong natikman." tugon nito. "Sige kumain kayo. Pupuntahan ko lang muna ang mommy mo at kakausapin." Agad na kumain ang magpinsan sa cokies na niluto ni yaya Linda. "By the way, kailan ka papasok?" tanong nito sa dalaga. "Tomorrow, that's what mommy wants." "Mabuti naman, Sabay tayo ah?" tugon nito. Agad namang tumango ang dalaga sa kanyang pinsan bilang sagot. "Teka? Naisip ko lang, Did you found your first love at states?" napatigil sa pagsubo ang dalaga nang marinig iyon. Agad itong sumimsim ng tubig. "Nope." tipid na wika nito. Isa sa ayaw niya ay ang pag-uusapan ang tungkol sa pag-ibig na iyan. Pero hindi ito makatakas kapag si Stacy ang kasama. Masyado itong madaldal at hindi ka titigilan kapag hindi mo masagot ang mga tanong nito. Kaya she had no choice but to go with the flow. "Why?" gulat na wika nito sa dalaga. "Sa ganda mong iyan ni isa wala man lang na magkakainteres na ligawan ka? Siguro mga bulag ang mga lalaki doon ano?" pagpapatuloy nito. Agad namang napatingala ang dalaga nang marinig ang reaksyon ng pinsan. "Alam mo? Ang OA mo. Syempre meron, pero duuuuh, wala sa isip ko ang pumasok sa relasyon no! " ani Anne. Napairap na lamang ito na animo'y ang laki ng galit sa mga lalaki. "Tamang tama, maraming gwapo doon sa university natin kaya be ready dahil alam kong pagguguluhan ka talaga bukas." wika nito. Anne rolled her eyes. "Lalo na iyong anak ng may-ari ng university? Tiyak na ma-inlove at first sight ka doon, swear." masiglang wika nito. "Kaso mag-ingat ka sa lalaking iyon insan, cassanova 'yon, heartrob sa campus at higit sa lahat may kamanyakan. Pero hindi naman nababawasan ang kapogian niya." daldal nito. Agad namang naungkat ang galit ng dalaga nang marinig ang salitang 'Manyak' lalo na't kung maalala niya ang mukha ng lalaking nakasagupa niya sa restaurant kanina. Agad na napaawat sa pag-uusap ang dalaga nang mag-ring ang telepono ni Stacy. "Insan, I'll go out muna, gonna answer this call." tugon nito. Naiwang mag-isa ang dalaga sa sala. Nakahinga naman ito ng malalim nang makawala sa piling ng pinsan. Hindi siya sanay sa mga madaldal kaya mahirap sa kanya ang mag-adjust. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain sa mga cokies na gawa ni yaya. Wala itong kasing sarap at tanging kay Yaya Linda lamang niya ito matitikman. "Insan." tawag nito, agad naman niyang ibinaling ang tingin kay Stacy. "Mommy called me, I must go. Mamayang gabi pa raw sila dadalo dito kaya mauna na ako." tugon nito. "Ah? Ganun ba? Sige. " "Bye insan. Susunduin na lang kita dito bukas, See you tomorrow morning!" agad namang nagpaalam ang pinsan nitong si Stacy. Nang makaalis ito ay nilagay na lamang niya ang mga cokies sa ref at kaagad nagtungo sa kuwarto. "I missed this room." wika nito sa sarili. Agad niyang binagsak ang kanyang katawan sa kama at saka niramdam ang lambot nito. "Kung nadito ka lang sana, It's better." nakatingalang tugon nito sa sarili. She slowly close her eyes at huminga ng malalim. It's better to take a rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD