Kabanata 67

1410 Words
Kabanata 67 Inilibot ko ang paningin ko sa salas. Nathalie is holding a bunch of chichirya. Si Angeline ay busy sa panonood. Si Janella ay takot na takot habang sumisiksik sa dulo ng sofa. Palipat-lipat naman ang tingin ni Reigne mula sa flatscreen at sa phone niya. Suzette is l*****g her lollipop while leaning on the sofa in front of the flatscreen. Coco, Suzette's younger sister is staring at the flatscreen while chewing the food inside her mouth. Napailing na lang ako't bumuntong hininga. "Tita, makikiligo po ako." I stood up and walked in front of her. Tumingin siya sandali sa akin saka tumango. "Sa taas walang ilaw, diyan mayroon." itinuro niya 'yong banyo sa gilid. "Diyan na lang po ako maliligo." I smiled at her. Dinampot ko ang bag ko at kumuha ng pamalit doon. Pagpasok ko sa banyo ay isinabit ko ang mga damit ko at binuksan ko agad ang shower sa pag-aakalang sira 'yon. "Ahhh!" napatili ako dahil sa sariling katangahan. Alright, it's perfectly fixed. Myghad! "Ok ka lang diyan, Makayla?" rinig kong sigaw mula sa labas. I just heaved a sigh. "Ok lang!" sigaw ko pabalik. Mabilisan akong naligo at naglinis ng katawan. Great! I am sleeping at Reigne's house for the second time. Nang matapos na akong magbanlaw ay saglit akong humarap sa salamin at tinitigan ang aking sarili mula doon. Am I ugly? Am I worthless? Am I— argh, sh*t! Hinilamos ko ang magkabilang palad ko sa aking mukha at mabilisan na akong nagbihis. "Ano 'yan, Makayla?" tanong ni Nathalie sa akin pagkalabas na pagkalabas ko mula sa banyo. Tumingin ako sa aking kamay at napansin kong hawak ko pa nga pala 'yong panghilamos ko. "Pond's?" I shrugged my shoulders at akmang lalampasan ko na sana siya nang magsalita siya ulit. "Pahiram ako..." mahinang sambit niya. Nilingon ko kaagad siya at inabot sa kaniya 'yong facial wash. Dumiretso na ako sa sofa at nagpatuyo ng buhok habang nags-scroll sa phone. -/Gals/- Lexi: Hey, sobrang busy niyong lahat! Hindi na tayo nakakagala. :(( Ishtel: Graduating here, sistah. I miss you all! Jana: Graduating din ako, duh? Gala tayo next week. Ako: Can't do it next week. Puno schedule ko for that week. Ishtel: Aba! Nagparamdam ang loka. Ako: Well... Lexi: Status? Ako: Seryoso, Lex?! Gano'n pa din, kaloka! Jana: Care to ask her the same question, @Makayla? Ako: Oo nga naman. So... @Lexi, how's your status? Lexi: Oh, please... shut it! Ishtel: What now, Lexi? Baka naman gusto mong sagutin ang tanong ni Makayla? HAHAHAHA. Lexi: Same old. Ako: Knew it! HAHA. Yanzy: Umingay! Kezi: Omg! I miss you, gals! Ako: Oh, shoot! Set the date. I'll log out now. Hindi ko na hinintay ang reply nila at agad na akong nag-out. Paniguradong hahaba nang hahaba ang usapan nila sa gc kaya't mas pinagbuti ko na lang na mag-out. I won't be able to sleep kung hindi pa ako nag-out kanina dahil paniguradong hindi na sila papayag na tumigil ako sa kaka-chika. Muli akong sumulyap sa mga kaibigan ko, their eyes are all glued on the flatscreen. Hmmm. Nag-isip ako nang magandang gawin dahil lahat sila ay busy na nakatitig lamang sa pinapanood. Ok, epal here. I stood up silently and sneaked behind them. I tiptoed para walang ingay na kumawala sa bawat hakbang ko. Tanging tyempo na lang mula sa tunog at eksena sa movie ang hinihintay ko. They are watching Anabelle Comes Home. "Come play with me..." himig ng manika mula sa screen. I counted from one to three bago ko ginawa ang pina-plano ko. "BOOO!" panggugulat ko sa kanila. "AHHHH! "HOOOY!" "TANG*NA KA!" Halos mapahiga na ako sa sahig dahil sa kakatawa. Gosh! Ang epic ng mga itsura nila. I massaged my chest dahil mediyo nawawalan na ako ng hininga sa kakatawa. "Hindi ka titigil?" tanong ni Reigne. Her eyes were seriously looking at me. Dahan-dahan kong itinikom ang bibig ko at ngumisi. "Sorry." I apologized while chuckling. "Nakakainis!" tumatawang sambit ni Angeline. "Wait, inaantok na ako." I stood up properly at nagpaalam na ako sa kanilang matutulog na ako. "Sabay na ako sa'yo." sambit ni Nathalie. Tinanguan ko siya at nauna na ako sa pag-akyat. "Nood ba tayo ng Twilight?" she asked. "Sige, sige." tugon ko. Inayos ko muna 'yong aircon at saka ako nahiga sa tabi niya. We started playing the movie. Ang gwapo talaga ni Edward Cullen, ghad! Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang maramdaman ko na naman ang pagkaantok. "Naging yelo 'yung bampira!" pagpuna ko nang baliin ni Cullen 'yong leeg ni Victoria— kalaban nila. "Huh? Bato kaya!" sambit ni Nathalie. "Yelo." "Bato." "Yelo 'yon!" "Bato..." "Oh, sige. Ganto..." umayos ako ng higa at nag-isip ng magandang deal. "... kung sino 'yong mali, siya ang magtitimpla ng kape." I wiggled my eyebrows. "Game!" confident niyang pagpayag. Halos ilang minuto din kaming nag-search at puro 'ashes' ang lumalabas na sagot. After few minutes, nakita na namin ang kasagutan. "Stone Masks..." pagbasa ni Nathalie sa article. "Ok, panalo ako!" tuwang-tuwa niyang sambit. "Alright! Kaya mo na 'yan." nagtalukbong ako ng kumot at gumulong papunta sa kanan dahil nasa kaliwa ko siya. "Hoy, ang daya! Magtimpla ka ng kape." natatawang tinatanggal niya ang kumot mula sa pagkakatalukbong sa akin. "I'm sleepy." pagod kong sambit habang nagpipigil ng tawa. "No, magtimpla ka ng kape!" pangungulit niya pa. "Aish! Oo na, jusko." tumatawang tumakbo na ako pababa sa salas. "Gising pa kayo?!" gulat na sambit nila Reigne. "Nanonood kami." si Nathalie na ang sumagot dahil dumiretso na agad ako sa kusina. "Anong gagawin niyo diyan?" rinig kong tanong ni Suzette. "May deal kami. Magtitimpla siya ng kape, talo kasi siya." tumatawang sagot ni Nathalie. Akala mo naman nanalo sa lotto, aba! "Ako din, Makayla." sigaw ni Suzette. "Me too!" gatong pa ni Angeline. Naging katulong ako, hala! "Shhh." sambit ko kay Nathalie na nanonood sa akin. Kaunting asukal at creamer lang kasi 'yong nilagay ko sa kape nila Suzette. Mas madaming black coffee 'yong nilagay ko kaya't paniguradong masusuka ang mga iinom nito. "Wait..." nagpipigil ng tawa si Nathalie habang dinadagdagan ng black coffee ang tasa nila Angeline. I scooped a small amount of coffee and blew it. Dahan-dahan kong hinigop 'yon at halos masuka ako dahil sa lasa. Sumulyap ako kayla Suzette at mediyo naawa ako kaya't umayos na ako ng tayo. "Huwag na, ayusin na natin ang lasa." natatawang kinuha ko 'yong bote ng creamer pati asukal. Inayos ko na ang timpla ng kape nila Suzette at Angeline. Siyempre, tinikman ko muna 'yon bago ko inabot sa kanila. Ok na, masarap na ulit. Nang maubos ko na din ang kape ko ay hinugasan ko na ang tasa na pinag-inuman ko kasabay no'ng tasa ni Nathalie. Pagkatapos ay umakyat na ulit kami at pinanood namin ni Nathalie 'yong Breaking Dawn part 2. Antok na antok ako nang matapos ang pinapanood namin. Gumulong ako sa kama at dinama ang antok ko. Argh! I wanna sleep right now. I opened my phone and set my alarm clock. "Jogging tayo bukas ng umaga." sambit ko kay Nathalie. Hinarap ko siya at inangat ko ang dalawang braso ko para magkaroon ng distansya ang mukha ko pati ang cellphone. "Sige." tugon niya. "Mga anong oras?" kinuha niya din 'yong phone niya at binuksan ang alarm. "5:30? 6 am?" I shrugged. "5:30 am." sambit niya. Tumango na lang ako at sinet na ang alarm. Nang maayos ko na 'yon ay humiga na ako nang ayos at pumikit. Minutes have passed, ramdam kong tulog na ang katawan ko pero ang diwa ko ay hindi pa. Paano ba naman kasi, ang ingay ni Nathalie. Bumubulong, waliya! "Nasa labas sila Reigne." bulong niya na naman. Hindi na ako nagsalita dahil antok na antok na talaga ako at wala na akong lakas para tumugon pa sa kaniya. Maya-maya'y naramdaman ko na nagkaroon ng onting liwanag mula sa silid ngunit binalewala ko na lang iyon dahil hindi ko na kayang buksan ang mga mata ko. "One..." "Two..." "Three..." Rinig ko pa ang bulungan nila ngunit hinayaan ko na lamang at pinilig ko pa ang aking ulo patungo sa kanan. "Go!" Naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng aking ulo sa kama dahil sa unan na kanilang ibinato. Ang babait! 'Yong iba ay nagpaputok pa ng lobo pero hindi ko na sila nagawa pang tignan dahil sobrang hapdi na ng mga mata ko dahil sa antok. Minutes have passed before darkness completely swallowed me. Tomorrow's gonna be a long day. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD