Kabanata 59
Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama ko habang nagiisip nang magandang gawin. Nakakaumay sa bahay! Kung nakakatamad pumasok, sa bahay naman ay nakakasawa dahil wala kang magawa.
Nagulantang ako nang biglang bumukas ang cellphone ko at malakas na nag-beep. Hindi nga pala naka-mute ang phone ko, aish! Agad kong hinagis ang unan na nakapatong sa mukha ko at mabilisang hinablot ko ang cellphone ko mula sa aking tabi.
-Squad-
Janelle: Tara sa bahay nila Ulan!
Nika: Hala! Wait magpapaalam ako.
Peren: Guys, bakit biglaan?
Gab: Luh, hindi ako puwede. :((
Angeline: Ang gagaleng. Biglaan.
Suzette: Tara! Tara! Samyang challenge tayo. @Makayla! Dala ka ng milktea.
Kaagad akong napangiwi habang ang aking noo ay kunot na kunot sa pagbabasa ng latest messages nila. Ang hihilig talaga ng mga ito sa biglaang lakad. Napailing na lang ako at nagreply sa kanila.
Ako: Anong oras?
Suzette: Bago mag-lunch.
Hindi ko alam kung bakit, pero kaagad akong natawa dahil sa reply ni Zet. Seriously? Bago daw mag-lunch, eh 10:08 am na.
Ako: Ok. See yah.
Natatawang in-off ko na kaagad ang phone ko at dali-dali na akong tumakbo papunta sa cr at nagbihis. Habang naliligo ako ay may bigla akong naalala kaya't kaagad na nanlaki ang mga mata ko.
"Oh, sh*t! Hoy! Ahhh! Takte! Aray!" sunod-sunod ang naging pagdaing ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng shampoo mula sa aking ulo patungo sa loob ng mata ko.
Nang makapagbanlaw na ako ay madaliang lumabas na ako sa cr at nagbihis. Napangiwi ako nang tumunog na naman ang cellphone ko at lumitaw mula doon ang Alarm ko.
10:30 am- Meet Aly.
Babalewalain ko na sana ang tunog ng alarm ko ngunit kaagad akong napatakbo patungo doon nang mapansin ko ang pangalan ng kaibigan ko mula sa screen. Makikipagkita nga pala ako kay Aly ngayon! Agad kong tinakbo ang distansya mula sa aking kwarto patungo sa gate namin at halos maputulan ako nang hininga nang makita ko si Aly doon.
"Kanina ka pa?" kaagad ko siyang pinagbuksan ng gate at pinapasok. Nakatingin lang sa amin si mommy pero may kausap siya sa kaniyang telepono kaya't sumenyas na lamang ako sakaniya.
"Hindi naman." natatawang sagot niya kaya't napailing ako.
"Doon ka muna sa loob. Mag-aayos lang ako sandali sa kuwarto." iginiya ko siya sa aming papag at doon pinaupo. I can't let her go inside my room dahil sobrang daming kalat ang nandoon. Mabilisan kong inayos ang sarili ko pati ang buhok ko hanggang sa makuntento na ako sa itsura ko at binalikan ko na si Aly sa salas.
"Tara na?" I raised my right brow while scrolling the screen of my phone. Tumango na lang siya kaya't nagpaalam na kami kay mommy na aalis na kami. She just nodded at us and reminded me to go home early. Natatawang tumango na lang ako at sumigaw nang makalayo na kami.
"Tomorrow morning!" malakas na tumawa ako nang marinig ko ang sigaw ni mommy dahil sa sinabi ko.
"Ewan ko sa'yo!" nag-apir pa kami ni Aly at sabay na umiling. Dumiretso muna kami sa 7/11 dahil may katagpo ako doon. Si ate Marielle.
Marielle: Nasaan ka na?
Ako: Kararating ko lang po dito sa 7/11.
Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka nandoon lamang siya. Muli akong sumulyap sa screen ng aking cellphone nang hindi ko siya makita.
Ako: Ikaw po?
Marielle: Wait. I'm on my way na, katatapos lang kasi ng klase namin.
Ako: Alright! Ingat, ate. :))
Niyaya ko si Aly na kumain muna dahil baka mediyo matagalan pa sa pagdating si ate Marielle gayong katatapos lang pala ng klase nila. May pasok kasi sila ngayon dahil Friday, kami naman ay wala sa kadahilanang hindi ko din alam.
"Sabi nga ni Nathalie sa'kin, parang strangers na lang daw kayo sa isa't isa." napakunot ang noo ko at sumulyap kay Aly. Ininom ko muna 'yung hawak kong Schlurp at saka nagtanong.
"Strangers?" natatawang tanong ko dito. Sandali akong napatitig sa hawak kong bote at pinaikot ko ito sa aking palad.
I can still remember the time na palagi akong naka-focus kay Faith to the point na halos makalimutan ko na si Nathalie. Well, Faith is my bestfriend, after all. Ngunit maging ako ay walang makapang sagot sa katanungang 'anong nangyari sa inyo ni Nathalie?'. Hindi ko din alam. Ano nga ba? Basta't ang alam ko lang ay napagod ako.
Napagod ako sa bagay na hindi naman kapagod-pagod. I know that I'm so stupid for leaving those persons who stayed with me 'till the end. Crap! There's no end yet. The beginning has just started, anyways. A new beginning wherein there's nothing in between Nathalie and Makayla anymore. Nothing in between the two of us anymore.
"Oo, hindi mo na daw siya pinapansin. Kapag daw nadadaanan mo siya, sandali mo lang daw siyang susulyapan tapos umiiwas ka na daw agad ng tingin." nakangising pagk-kuwento niya sa akin.
Natawa na lamang ako nang bahagya at saka marahan kong hinablot ang cellphone ko mula sa lamesa. I opened the 'Photos' of my phone and checked the album of my pictures with Faith. Ang sweet namin sa mga pictures namin. Natatawang napailing na lang ako.
Maya-maya lamang ay napadako ang tingin ko sa album ng pictures namin ni Nathalie. We were also happy together, back then. Mapaklang natawa na lamang ako at kaagad na pinindot ang 'delete all'. I won't be able to move on and step forward if everything that is involved in my past will still remain.
Marielle: Andito na ako, labas ka na.
Ako: Wait.
Sinabi ko kaagad kay Aly na nandito na 'yung hinihintay namin kaya't lumabas na agad kaming dalawa. Hindi naman kami nahirapang maghanap dahil pagkalabas namin ay namataan na kaagad namin si ate Marielle.
"Ate!" nakangiting kumaway ako dito at lumapit. Binati niya din ako at kaagad na kinuha mula sa bag niya 'yung order kong Sophie Cream. Nagpapabili kasi sa akin 'yung pamangkin ko, edi binilhan ko.
"Thank you." kumaway kami sakaniya habang naglalakad na kami ni Aly paalis. Ngumiti lang si ate Marielle at kumaway din habang sumisigaw na mag-ingat daw kami.
"Anong pangalan no'n sa f*******:? Ang ganda!" natawa na lang ako sa inusal ni Aly. I know right! Maganda naman talaga si ate Marielle. Sinabi ko na sakaniya 'yung pangalan ni ate sa f*******: at kaagad niya namang ikinatuwa iyon.
"Sakaniya ko kaya in-order 'yung hoodies natin ng squad." natatawang umiling ako sakaniya.
"Hala, weh?!" natawa ako dahil sa reaksiyon niya. Animo'y nakakita ng multo kung makapag-react, eh.
"Hala, oo." natatawang panggagaya ko sakaniya na siyang naging dahilan upang samaan niya ako ng tingin. I just laughed at her and winked.
"Tara na nga!" dumiretso na muna kami sa grocery habang hinihintay namin 'yung iba pa naming mga kaibigan na napakagagaling magbigay ng oras, hindi naman sinusunod. Napailing na lamang ako at natawa habang sumusulyap sa relong nasa pulso ko.
"Ang aga nila, ah." natatawang sambit ni Aly habang umiinom ng Royal. Ngumisi na lang ako at muling bumaling sa counter.
"146.75 pesos po." si Aly na muna ang nagbayad nang mga pinamili namin at napagkasunduan naming dalawa na sa bahay na lang nila Ulan kami mag-aambagan.
"Ulan, we're here!" nagulat ako dahil hindi si Ulan ang nagbukas ng pintuan kundi ang daddy niya.
"Goodmorning po, tito!" kaagad akong bumaling sa orasan at napansin kong maga-alas dose pa lamang ng tanghali.
"Tuloy kayo." nakangiting pinapasok kami ni tito sa bahay nila. Dumiretso na lang ako sa sofa nila katulad nang ginawa ni Aly at pasimpleng sinulyapan ko si Reigne na nasa taas habang nakasilip sa akin.
"Ano 'yan?" ini-angat ko ang hawak kong supot bago ko siya sinagot.
"Chuckie." hindi na ako bumili ng 1 gallon milktea kanina dahil sarado pa ang shop nito sa tabi ng bahay namin noong umalis kami ni Aly kanina.
"Ubos 'yan kay Niks." ngumisi lamang siya at tumalikod na. Maliligo ata.
Halos makatulog na ako dahil sa sobrang tagal ng mga kaibigan namin. Kung hindi pa siguro nagchat ang mga ito ay maaaring malalim na ang tulog ko ngayon, gosh! 12:06 pm na, wala pa din sila. Ich-chat ko na sana sila nang biglang bumukas ang screen door ng bahay nila Reigne. Finally, they arrived!
"Bago mag-lunch." natatawang pang-aasar ko ngunit ngumisi lamang sila Zet sa akin at mga nagsiupuan na sa aking tabihan.
Remind me again kung paano ko sila mga naging kaibigan. I just shook my head and turned my gaze at the flatscreen in front of us. They might be crazies, but I love this squad. After all, they're craziness made it happier to be with them.
*******