Kabanata 16

1310 Words
Hinawi ko ang buhok ko na sumasayaw kasabay ng hangin. Vacant namin ngayon kaya nandito lang kami sa madalas naming puwesto sa gym ng campus. Mula rito ay tanaw na tanaw ko 'yong limang lalaki na naglalakad patungo sa gawi namin. "Aware naman siguro kayo na naging crush ni Makayla si Josh diba?" pandadamay ni Gab sakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay bago ko ipinatong ang magkabilang siko ko sa mesa. Ininuman ko ang hawak kong bote ng tubig. Alangan naman kasing kainin ko 'to? "Bat ka nandadamay?" inirapan ko siya ng pabiro. "Anong pakiramdam na katropa mo na 'yong first crush mo nitong high school?" patuloy niya sa usapan. "Nakakataas ng energy." humagalpak ako sa tawa. "Napakaharot, teh!" pang-aasar ni Melfa saka ako hinampas. "Makayla..." pagtawag ni Josh. "Ha?" nag-angat ako ng tingin. "Hanggulo ng buhok mo." he chuckled. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Biro lang." pagbawi niya. "Ay, Josh!" pagtawag ni Zette, pinsan ni Josh. Sabay kaming napalingon sakaniya. "Bakit?" Josh raised his brows at her. "Sino 'yong last crush mo?" Tumingin ako kay Josh. Nilingon niya ako kaya't bahagya akong tumikhim at nag-iwas ng tingin. Malamang sa malamang, maganda ang last crush nito! Mataas ang standards nito pagdating sa babae eh. "Wala naman." rinig kong tugon niya. "Weh?" tumawa si Zette. "Ano na lang 'yong ideal girl mo?" "Matangkad, morena, mabait..." umakto siya na animo'y nag-iisip pa. "Yon lang naman siguro." he shrugged. Bahagya na lang akong napangisi at umirap sa kawalan. "Wala palang crush ha?" I chuckled. "Kaya pala puro katangian ni Fia 'yong binanggit." dugtong ko pa. "Sira!" pinitik ni Josh ang noo ko. "Sinasabi mo diyan?" he chuckled. "Tch." I pouted. "Uso namang umamin minsan." "Sabay ka sa uso, Kayls." pigil-tawang sabi ni Angel. "Uso namang umamin minsan." she uttered, mimicking what I've said. "Hindi na, olats na agad." sambit ko. Kunot-noong bumaling ulit sakin si Josh, nagtataka. Iniwas ko kagad sakaniya 'yong paningin ko. "Talo ka ba kay Jace?" he tapped my head. "Magsabi ka lang, tutulungan kita." "Olats nga." sambit ko. I stood up and smirked a bit. "Olats pagdating sayo." pabulong kong dugtong. "Ha? Ano— Oy, teka! Bat ba ang bilis mong maglakad, nagmamadali ka ba?" pumantay siya sakin, mediyo hinihingal. "Tanga, wala naman kasing nagsabi na sumunod ka sakin." I hissed. "Aba, ako pa 'tong tanga?" singhal niya. "Eh ikaw 'tong akala mo may karera." dugtong niya. "Wala ba?" I stopped and faced him. "Wala... wala naman ah?" tugon niya, hindi rin sigurado sa sariling sagot. Halatang naguguluhan sakin. "Alam mo, ikain mo na lang 'yan. Tara sa canteen." he chuckled and shook his head. Hinatak niya ako sa may pulsuhan ko. "Pulso ko..." sinubukan kong bawiin ang pulso ko na nakakulong sa kamay niya pero mas hinigpitan niya lang ang hawak doon. "Puso mo?" he laughed, nang-aasar. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Biro lang... tinotoyo ka nanaman, Kayls. Anong gusto mo?" tanong niya nang makarating na kami sa canteen. "Ikaw." diretsong tugon ko. "Ako?" he pointed at himself. "Ako na ang bahala?" "Stupid." umiwas ako ng tingin. "Oo, sige." Binitawan niya na 'yong kamay ko para bumili ng pagkain. Napalingon naman agad ako nong may tumawag sakin, it was Kevin. "Uy?" "May chika ako." bungad niya, baklang-bakla! "Ano na naman 'yan?" tumawa agad ako. "Teh! Nong isang araw may nakasalubong akong gwapo." kinikilig niyang pagkukwento. "Eh crush ko yon! Tapos kanina nakasalubong ko na naman siya...." impit siyang napatili. "Harot mo, bakla!" I laughed. Dumapo sa balikat ko 'yong kamay niya, nanghampas. Walang duda, kinikilig nga 'to. Inabot sakin ni Josh 'yong binili niyang pagkain bago siya tumabi sakin. Napatingin siya sa kamay ni Kevin na nasa balikat ko. Bahagya akong tumikhim at pasimpleng inalis doon 'yong kamay ni Kevin. "Napapadalas kayong magkasama!" puna ni Kevin samin ni Josh. "Ay! Tapos eto pa, teh... may kaibigan 'yon na fafa rin!" "Chickboy yan." pagsingit ni Josh kaya natawa ako. "Hindi ah!" nakangusong umiling si Kevin. "Wala ngang girlfriend, eh. Rereto ko sana si Makayla." dugtong niya pa na nagdulot para masamid ako. Hinagod agad ni Josh ang likod ko. "May klase na ata, aakyat na ako. Sumunod ka na lang mamaya." seryosong sabi niya sakin. "Ha?" humakbang na siya paalis. "Huy— Kevin, una na kami ha? May klase na yata kami. Bye!" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot, lakad-takbong hinabol ko na agad si Josh. Mabuti na lang at hindi pa siya masiyadong nakakalayo. "Hoy..." habol-hiningang pagtawag ko sakaniya.. "Bat ka andito?" kunot-noong tanong niya. "Urur! Bat mo ko iniwan don?" inis kong tanong. "Bwisit ka! Excited ka magklase ha? 'Di ka naman nakikinig." umirap ako sa kawalan. "Anong bat kita iniwan don? Malamang, irereto ka raw niya don sa fafa na kilala niya... fafa my a*s, fafanget kamo. Tsk!" he rolled his eyes, natawa naman ako. "Alangan namang makinig pa ako. Anong kinalaman ko don diba? At saka... hoy! Nakikinig ako sa klase. Ikaw lang naman 'yong hindi. Sayang tuition, oy!" "Ha?" pigil-tawang tugon ko. "Handame mong ebas." I laughed. Sinamaan niya ako ng tingin kaya humagalpak na ako sa tawa. "Tawang-tawa?" binilisan niya na 'yong lakad niya. "Pikon?" pang-aasar ko. "Hoy, saglet naman. Ayan ka na naman eh, hintay kasi!" Hindi niya ako pinansin at mas binilisan pa lalo ang kaniyang lakad. Muntikan na akong matisod dahil may bato akong naapakan. Saktong napalingon sakin si Josh kaya't tatawa-tawa niyang binagalan ang paglalakad. "Ayaw makisama nong bato sayo." tinawanan niya ako. Umirap na lang ako kaya lalo siyang natawa. Sinabayan niya na ako sa paglalakad, baka raw kasi matisod na ako ng tuluyan dahil sa katangahan ko. Bwisit talaga 'to. Pagkarating namin sa room ay wala pang klase, vacant pa rin daw. Luh! Halatang ayaw na kaming siputin ng mga teacher namin ah. Nag-announce na lang 'yong President namin tungkol sa paparating na event next month. "Langya!" daing ko nang maramdaman ko ang isang bagay sa ulo ko. Naabutan kong nagpipigil ng tawa si Josh nang lingunin ko siya. "Happy?" I glared at him. Nagbikit-balikat lang siya sakin. Humarap na ulit ako sa unahan at humalukipkip. Nag-iisip ako ng pwedeng gawin mamaya. May humila sa upuan na katabi ko, hindi ko na lang pinansin. Hinila niya 'yong kamay ko kaya napatingin na ako sakaniya, si Josh pala. "Bat ka andito?" I raised my brows at him. "Sungit." he pouted. "Boring sa pwesto ko." tumawa siya. "Kawawa ka naman." pang-aasar ko kaya pabiro siyang sumimangot. "Anong iniisip mo?" he asked. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. "May iniisip ka kanina bago ako lumapit." paliwanag niya kaya napatango na lang ako. "Wala naman..." I shrugged. Sandali siyang natahimik, nag-iisip din. "Si Jace?" he chuckled a bit pero 'di ko mahalata don 'yong tuwa. "Jace na naman." hinatak ko 'yong kamay ko mula sakaniya. Halatang nagulat pa siya ng bahagya dahil napatitig siya sakin. "Ganon mo ba kagusto 'yon para sakin?" I laughed kahit di naman talaga ako natutuwa. Tumahimik siya sandali at kinuha ulit 'yong kamay ko. He played with my fingers habang titig na titig doon. "No..." tugon niya. "Di ko siya gusto para sayo, pero gusto mo naman siya eh." he shrugged habang patuloy na pinaglalaruan nang marahan ang mga daliri ko. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga daliri ko to give his fingers some space. Ginaya niya naman 'yong ginawa ko. I chuckled a bit as I intertwined our fingers together. "Fits well.." I bit my lower lip. Sandali siyang napatitig sa kamay naming magkadikit, hanggang sa inangat niya na sakin 'yong tingin niya. Bahagya pa siyang napangisi. "Tara na, pre! May natutunan ka nanaman sakin." humagalpak ako sa tawa at binitawan 'yong kamay niya. Ramdam ko ang matinding pagtaas-baba ng dibdib ko. I like him. I like him so much that I want him to be mine. Kaso malabo...mukhang olats eh. I don't fit his ideals pagdating sa babae. Olats, pre! *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD