a/n: play niyo na lang mamaya yung kanta. Thank you sa mga readers na umabot hanggang dito. Luvyuuuh‼️
Kabanata 83
"Damn..." inis kong bulong. Kanina pang nagm-message si Drake sa akin pero hindi ko magawang magreply dahil nag-guilty ako.
Napagusapan namin last time yong about kay Jace, alam niya na gusto ko yong tao na yon pero ok lang daw sa kaniya as long as papayag pa din ako na ligawan niya ako. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi pumayag ako sa gusto niya. Ilang beses na kaming lumabas na magkasama, pero palagi akong wala sa huwisyo o 'di kaya naman ay lutang ako madalas.
*bzzz* *bzzz*
Drake:
Nasaan ka?
Anong ginagawa mo?
Sinong kasama mo?
Bakit hindi ka nagr-reply, mi amor?
Darn! Nag-aalala na siya sakin habang ako, eto, nagpapakaselfish. Ayokong magreply sakanya dahil hindi ako makapag-isip ng tama. Ayokong magkamali. Alam ko na nangako ako sakaniya na babawi ako, lalaban na ako, handa na ako, pero sh*t.... mahirap pala! Mahirap dahil hanggang ngayon ay nasa iba pa din yong puso ko.
"Ano bang meron sayo na wala ang iba, Jace?!"
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ngayon sa harapan ng salamin pero wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay masama ang kutob ko sa nangyayari na 'to sakin. Hindi 'man ako ang masasaktan, pero sa pangatlong pagkakataon, ako na naman ang magiging dahilan ng sakit ng ibang tao na walang ibang hinangad kundi ang mahalin lang ako.
Drake:
Magreply ka naman, oh. Please.... alam kong nababasa mo to. Pangalawang araw mo na akong hindi kinakausap.... i miss you.
Mariin akong napapikit at bumuntong hininga.
Bakit palaging nasasaktan yong mga tao na deserve maging masaya? Bakit palaging nababalewala yong mga tao na walang ibang ginawa kundi bigyan ng atensyon ang taong gusto nila? Bakit palaging nasasaktan yong mga tao na walang ibang ginawa kundi ang gamutin ka? Wawasakin ko na naman yong tao na bumuo sa akin sa pangalawang pagkakataon....
Ako:
Drake, magkita tayo mamaya sa madalas niyong tinatambayan ng mga kaibigan mo. 7 pm, Drake.... kailangan nating mag-usap. Sana dumating ka...
Wala pang ilang segundo nang mag-message ako sakanya ay tumunog na agad ang phone ko, senyales na nagreply agad sya.
Drake:
Sige, mi amor. Gusto mo bang sunduin na lang kita?
Ako:
Hindi na, doon na lang tayo magkita. Ingat ka.
Drake:
I will.... ikaw din, mag-iingat ka. See you later. I miss you, gusto na kitang yakapin nang mahigpit....
Humigpit ang hawak ko sa phone ko kasabay nang pagbigat ng dibdib ko. Panibagong sakit na naman ang matatanggap niya mula sa akin sa pangalawang pagkakataon....
"I'm sorry, Drake..... sorry dahil mahina ako."
Saktong 6:30 ay dumating na agad ako sa usapan namin ni Drake. Nakatitig lang ako sa mahabang mesa na kulay berde habang nakahalukipkip. May mga bolang gumugulong na nagdudulot ng ingay, malakas ang pagkatok ng ulan sa bintana at malamig na simoy ng hangin ang pumapasok sa silid. Nanatili akong nakatulala at nagiisip ng maaaring sabihin mamaya kay Drake para hindi siya masaktan. Pero sa tingin ko, kahit anong sabihin ko ay masasaktan pa din siya.
"Drake." agad akong napatayo nang bumukas ang pintuan ng silid.
"Makayla!" agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap na agad ko namang kinalas.
"Drake...." I uttered.
"May gusto ka bang kainin?" he asked. Umiling agad ako.
"May sasabihin ako." buong-lakas kong sambit.
"Ano yon?" tanong niya habang inaayos yong upuan sa likod ko para makaupo ako nang ayos.
"No, it's fine... saglit lang naman ako rito." pagpigil ko sakanya sa pagpapaupo sakin. Ayokong magtagal dito, ganon akong kahina.
"Ha? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, eh. Hindi mo ba ako namiss?" he even pouted while asking.
[Play niyo yung kanta sa taas kung gusto niyo⬆️ Dahan by Dec. Avenue]
Saglit akong kinapos sa hininga dahil sa sakit. Nasasaktan ako.... parang ayoko ng ituloy ang sasabihin ko. Pero hindi puwede, kailangan ko ng sabihin sakanya 'to dahil mas masasaktan siya kung patatagalin ko pa.
"Look, Drake.... I came here para sabihin sayo na—" I was about to tell him the truth when he cutted me off.
"Wait, gusto mo ba ng inumin?" pagtatanong niya. Agad akong umiling sakanya.
"Hindi na. As I was saying... Drake, hindi—" and again, he cutted me off for the second time. Mariin akong napapikit sa inis. Why don't he just let me finish para matapos na 'to?! Damn.
"Gusto mo bang gumala? Ang pangit dito, eh.... wala ang tropa. Bilyaran lang kaharap natin." pagak siyang tumawa. Napailing na lang ako at malungkot siyang tinitigan.
"No, Drake... umuulan. And please, patapusin mo muna ako.... please." I heaved a sigh as I beg him. "Drake, sorry—" at sa pangatlong pagkakataon, pinutol niya na naman ako.
"Wait, Makayla.... may kukunin muna ako sa labas... nakalimutan ko yong jacket ko." he was about to open the door when I suddenly spoke.
"Damn, Drake! Huwag mo na akong pahirapan, puwede ba?! Jacket? Oh, ayan!" I wasn't able to control myself, I burst. I threw him his jacket na nakalimutan niya yatang bitbit niya kanina pagdating niya.
"Makayla...." he stuttered. Mabigat ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang pinagmamasdan siya. I have to do this, right? Who would have ever thought that rejecting someone close to you is harder than being rejected itself?
"Again, Drake... hayaan mong matapos ako, please..." marahan kong pakiusap. Siguro'y napansin niya ang pamumula ng mga mata ko at napatitig na lang siya dito.
"Go on...." he whispered, but I can feel the emotion on it.
"Pansin mo naman diba? Tuwing nagm-message ka, late akong magreply. Tuwing tumatawag ka, tinatapos ko agad ang usapan natin. Tuwing magkasama tayo, palaging nasa iba ang isip ko....kasi maging ako ay naguguluhan. Naguguluhan ako sa sitwasyon, sa nararamdaman ko, sa sarili ko...."
"Halata naman." nagawa niya pang tumawa sandali pero kitang-kita ko kung paanong dumaan ang sakit mula sa mga mata niya. His eyes never lied.
"Deserve mong mahalin, eh... pero hindi ko magawang ibigay sayo yon, Drake...akala ko kaya ko na ulit, akala ko handa na ako, akala ko ito na yong time.... pero lahat ng yon ay isang malaking AKALA lang pala."
Mainit ang bawat sulok ng mga mata ko nang panatiliin ko ang tingin ko sakanya. Mahal ko siya, pero hindi sapat ang pagmamahal ko na yon para pasukin ko ang buhay niya.
"Alam ko naman yon, alam kong may nakaraan kang ayaw mo nang balikan, at ngayon? Meron kang ibang gusto....pero nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka kahit sa maiksing panahon lang, mi amor..." namamaos na ang boses niya. He may not be speaking too much, but his eyes do. They are speaking for him.... and I know that he is in so much pain right now because his eyes were telling me so.
"Ako din, Drake.... sobrang thankful ako dahil kahit sa maikling panahon, naging parte ka ng pagkatao ko. We all have our own stories to tell, at grateful ako dahil naging parte ka ng storya ko. You may not be the best part of it, but God knows you were the most precious part of it.... and you'll always be that one."
Maraming beses na akong nagsinungaling, tumanggi, tumaliwas, pero sa mga oras na 'to, ngayon lang ako nakakasiguro na lahat ng sinasabi ko ay totoo dahil iyon ang nararamdaman ko.... If stories are quest, then maybe he's the one I'm looking for to complete this part. He is the key to open my own quest's treasure. And that treasure? Ang treasure na yon ay ang puso ko. I was completely blind, I was perfectly numb back then... and now I finally realized that someone out there deserves me more than I've ever thought.
Sa oras na masiguro kong wala ng Jace sa puso ko, pahahalagahan ko na yong tao na deserve ako. Sisimulan ko ng buksan ang mga mata ko. Si Drake 'man ang lalaki na yon o hindi.... ang mahalaga ay natuto na ako at sa panahon na yon, sigurado na akong handa na talaga ako...
"Ang daya lang talaga ng tadhana, 'no? Sobrang mapaglaro, eh. Kung sino ang mahal mo, kung kailan handa ka nang magseryoso, kung kailan kampante ka na, saka ka naman papaikutin ng magulong tadhana. Ikaw yong babaeng pangarap ko, Makayla.... God knows how much I've always been praying just to have you. Pero wala, eh... siguro nga isa lang tayo sa mga pinagtagpo pero hindi tinadhana. Hindi ako makapaniwala na isa tayo sa mga taong tinatawanan lang natin noon....." ani niya habang tumutulo ang mga luha niya.
"Kahit kailan hindi ko ginusto na humantong tayo sa ganito... seeing you like this will always be the last thing in my want-list, remember that list?"
flashback
"Busy ka na naman diyan, mi amor..." nagulat ako nang may yumakap bigla sakin mula sa likuran.
"Drake!"
"What?" mapang-asar niyang tanong. Sinimangutan ko sya kaya lumayo agad sya.
"Nagugutom ako..." reklamo ko habang inaayos ang papel na hawak ko.
"Anong gusto mong kainin? Ano yan?" agad niyang hinablot mula sa kamay ko yong papel.
"My want-list?" takang tanong niya. "Ano yan? Bucket list with a twist?" tumatawang pangaasar niya. I just rolled my eyes at him and stood up.
"Sira! Masama bang magsulat? Wala akong magawa, eh... isinulat ko lang naman yong mga bagay na gusto kong mapasakin at gawin..." I bit my lower lips when I caught him staring at me.
Ang guwapo niya talaga.... tuwing lumalabas kami ay madaming nagtatanong kung may girlfriend na daw ba siya, may nililigawan or minsan tinatanong pa sakanya yong edad niya. He's just 15 years old pero mukha na siyang 17 dahil sa sobrang well-defined structure ng katawan niya. Idagdag pa yong panga niya na sobrang ganda ng pagkaka-porma. He's fair-skinned, 5'5 feet and—
"Tapos ka na bang tumitig? Tumutulo na ang laway mo...." he whispered. Hindi ko 'man lang namalayang nasa harapan ko na pala siya at halos isang dangkal na lang ang pagitan namin.
"Oh, please... Drake.. shut up." I hissed. Palagi naman akong nagpapanggap na naiinis ako sa mga kilos niya kahit ang totoo ay gusto ko lang itago yong kilig.
Isang pangarap ko lang ang lalaking kagaya niya dati, pero ngayon? The guy I've always been dreaming of is actually obsessed with me now. Sino ba namang mag-aakala non diba? Hindi ako sobrang ganda, hindi ako matangkad, hindi ako sexy gaya ng mga model..... pero patuloy akong minamahal ng isang kagaya niya....
"Nakaka-adik ang pagtitig mo, Makayla.... alam mo ba yon?" his husky voice were wrapping around my ears na animo'y nangingiliti.
"Drake...." I almost cut off my own breath.
"You are my own kind of d**g, Makayla.... you are." he again whispered. Bago pa 'man ako makapag-react ay naramdaman ko na ang malambot niyang kamay sa likuran ko na pumulupot sa buong katawan ko. Marahan at maingat niya akong niyakap sa kabila nang kahigpitan no'n.
"Mali ba kung kahit minsan magiging makasarili ako, Makayla? Mali ba kung sasabihin kong sa mga oras na to, gusto ko akin ka lang? I want you for myself, Makayla... I've always wanted you only for myself.... Ayokong may kahati ako sayo..." kasabay nang pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko ay ang pagpatak nang mainit na likido sa aking balikat. Napasinghap ako nang mapagtanto ko kung ano yon.
"Bakit ka umiiyak?" pilit ko siyang nilalayo sa sarili ko pero masiyado siyang malakas para mapigilan ako.
"Hindi!"
"Oo."
"No."
"Yup."
"Nah."
"Uh-huh."
"Alam mo, para tayong tanga!/ Di naman siguro tayo mukhang timang?"
Sabay naming sambit. Agad siyang napahiwalay at tumalikod sakin sandali. Pagharap niya sakin ay hinatak niya na agad ako pababa.
"Kakain na tayo..." tanging sinabi niya. Nanatili lang ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak.
"Ang landi mo, Drake... may payakap-yakap pa, hmp!" I hissed bago bitawan ang kamay niya at tumakbo patungo sa mama niya.
That was the time when he first saw that list I wrote. Ang sarap balikan ng mga panahong sobrang comfortable namin sa isa't isa. Mga panahong wala pang sakit, kasinungalingan at salitang 'paalam'.... I just wanna go back from the past and change things, but I know I can't.
"Ayoko 'mang gawin pero hindi ko mapipigilan, Drake... kaya kong magmahal nang madami, pero alam natin pareho na hindi ko kayang magmahal ng pantay-pantay... and Jace? He always had his part in my heart. Kahit ilang beses niya na akong binalewala, nasaktan ng hindi sinasadya, nabigo.... siya pa din, eh... siya pa din yong gusto nito, Drake... siya pa din!" sunod-sunod kong itinuro ang dibdib ko habang pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon.
"Makayla...."
"Nahihirapan ka, nasasaktan ka, madudurog ka na naman dahil minahal mo yong babaeng hindi mo dapat minahal. Madudurog ka sa pangalawang pagkakataon kasi pinili mo pa din yong tao na wasak! Drake..... ayoko na.... ayoko nang makasakit. Nasasaktan ako dahil nakikita kitang nasasaktan, nahihirapan ako dahil nasasaksihan ko ang pagtulo ng mga luha mo, parehas tayo.... Drake. Pero alam mo yong pinagkaiba natin? Ako buo pa din, pero ikaw durog na... alam mo kung bakit?" I closed my fist as my breathing gets heavier. "Kasi binuo mo yong taong dumudurog sayo ngayon! Drake.... hindi ko gustong makita kang ganiyan.... akala ko ba malakas ka na?! Akala ko ba kaya mo na?! Bakit hanggang ngayon umiiyak ka sa harapan ko?! Drake naman!"
Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha ko dahil sa pinaghalo-halong sakit, inis at lungkot. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang ganito. Naiinis ako sa sarii ko kasi ako yong dahilan kung bat siya umiiyak ngayon. Nalulungkot ako dahil ako na naman ang dumudurog sa kaniya. Yong mga mata niyang sobrang ganda, ngayon punong-puno ng sakit....
"Drake..... I love you, pero hindi sapat ang pagmamahal na yon para piliin kita...." mahinang sambit ko na lang.
"Muli na naman tayong pinagtagpo para magkasakitan, Makayla...." he shook his head as he tried to smile.
"No, Drake.... pinagtagpo tayong muli para matuto. Sa mga oras na 'to, madami na akong natutunan.... kaya't salamat... salamat, Drake.... dahil sa pangalawang pagkakataon, sa kabila ng sakit, lungkot at pagluha, natuto na naman tayong dalawa.... maaaring hanggang dito na lang ulit tayo, pero sa susunod na magkrus muli ang landas natin, umaasa akong nahanap na natin ang totoong saya mula sa tamang tao...."
I've always been fake, I've always been a liar, I've always been a weaksh*t of myself, but now... I learned that how we met people will be the way it will end. I met him when we least expected it, and now we made an end to our story in the most unexpected time.
"You've always been the girl in my dreams, Makayla.... at yong nayakap kita, nahawakan at nakausap, malaking achievement na yon para sakin. Siguro nga tama ka, we met again for a reason..... it may be painful, but it's worth it. I'll see you again, Makayla... at sana sa panahong yon, hindi na lungkot o sakit ang makikita ko sa mga mata mo... Sana sa muli nating pagkikita, masaya ka na. Mahal na mahal kita... I love you.... goodbye."
I felt his lips on my forehead as I closed my eyes. Flashbacks and memories shuffled in my mind.... happy moments, sad moments, painful moments, everything went back. And as soon as I learned the real reason, I opened my eyes.... but he's gone.
Jace Kyler Dela Cruz was the guy I've always been dreaming of. When I met him, I knew he was something. I knew that there is something in him that I won't be able to see from others. Pero who knows, right? There are dreams that come true. But there are also dreams that are better to stay as dreams forever.
Drake was the guy who always say that I'm the girl he's always dreaming of. We met at the time we never expected. We laughed, we cried and we enjoyed life together. There was a great pain between us, but that pain taught us lessons.
Until he fell, I knew from the start that I want to fall in love with a specific guy again and again.
Stories are composed of synopsis/prologue—either you narrate how you want your story to flow or just create your own part... there are also pages for every chapters, seasons, books. Let's admit it, for once.... we all dreamt of holding our own flow of life. We all dreamt of being able to be the own writer of our own stories. We all dreamt to be the cupid of our own lovelife. In my case, I once dreamt of Jace coming to our room and asking for me to be his. Pero in reality, walang ganon. Walang Jace na pumunta sa room namin para angkinin ako. Wala! Pero merong Jace na nagpasaya sakin, may Jace na nagturo sakin kung paano maging loyal. Merong Jace na naging parte ng buhay ko...
He may not have fallen for me, but Drake did. I was completely stupid, numb and broken before.... not until Drake came. Not until he's back. And most of all, not until he fell. I fell for Jace and he fell for someone else. I was broke, I was nothing.... but here comes Drake... I fell for someone when he's gone, and when he came back, he fell deeper. I may be a no one, nobody, nothing.... but Drake was everything, he was my everyone when I had no one. I just don't realize it sooner, but I hope that when I fell deeper.... he's still into me.
I was broke by someone else, I was totally a sh*t.... but not until he fell. Not until he fell because when he did, I've got everything. Until he fell.... again.
*******