Kabanata 81

1351 Words
Kabanata 81 Tatlong araw na ang nakalipas simula nong nagkita kami ni Drake sa mall. I must admit, sobrang saya ko dahil onti-unti na kaming bumabalik sa dati. Pero hindi ko pa din maiwasang mangamba. "Hay nako, Suzette! Kayo ni Paulo, ah.... tsk tsk." rinig kong pang-aasar nila Angeline dito. Napangiti na lang ako't napailing. About Paulo, oo naging crush ko siya. Pero hanggang doon na lang yon, magkaiba ang crush at gusto para sa akin. Si Paulo, crush ko lang. Humahanga lang ako sa way ng pakikitungo niya sa iba't ibang tao. Oh well, masaya ako para sa kanila ni Suzette. Pero hindi ko pa din maiwasang malungkot para kay Jed. Ang dami niyang plano para kay Suzette, tuwing nagch-chat siya sakin ay lagi niyang nababanggit sakin yong mga plano niya sanang ibigay at gawin para dito. I can actually see myself at him. Parang reflection lang. Yong mga effort ko para kay Jace noon na nabalewala, lahat yon ay nakikita ko ngayon kay Jed. "Bakit ba ako na naman ang trip niyo, huh?" natatawang puna ni Suzette kela Angel. "Etong si Makayla, oh.... sino si Drake?" pagbaling nito sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko. "H-ha?" nauutal kong tanong. Paano nilang nalaman yon? Darn! "Naiwanan mo ang notebook mo kahapon, akala namin kung ano lang, yon pala diary mo. So sino nga siya?" taas kilay nitong tanong. Pati sila Angel ay tutok na tutok na sakin. "A-ah... Kaibigan nila Nico! Oo, tama.... kaibigan nila." nakangiting tugon ko. Hindi nila kilala ang mga katropa ni Nico. Hindi rin nila yon kaclose kaya hindi na sila makakapagtanong pa. For now, ayokong malaman nila kung sino talaga si Drake. Hindi pa ako handa para doon. "Nila Nico? Yong ex mo?" kunot noong tanong nila. Ibang tao ang sinasabi nila, yon yung bestfriend ni Nico na dancer na ex ko. "Hindi.... iba pa." ani ko na lang. Iba pa dahil hindi naman talaga katropa nila Nico si Drake. "Ah.... basta ipakilala mo kami soon, huh?" nakangiting sambit ni Angeline. Pero mas malawak ang ngiti ko kaysa sa kaniya, napaniwala ko ba naman sila sa mga palusot ko, eh. #Achievement! Lumipas ang mga oras, nagsiuwian na lahat ng students. Ang saya lang dahil next week ay Christmas break na. From: Drake U home? Me: Kakauwi lang. Ikaw? Anong ginagawa mo? Drake: Kakatapos lang namin mag-swimming. Me: Ay, oo nga pala! May training ka every M-W-F. Puwede ba kong pumunta diyan? Drake: Wala na kami sa club. Punta ka na lang dito sa bahay, andito na ako. Me: Ok, sige... see you! Muwaps. HAHA. Drake: Ingat. Luvyou. Me: Wrong spelling, wrong meaning! Balakadyan. Natatawang nagbihis na lang ako at bumyahe na papunta sa bahay nila Drake. Sumalubong sa akin ang nakangiting lalaki habang nakaangat ang dalawang braso para salubungin ako ng yakap. Humagikhik na lang ako at saka siya ginawaran ng yakap. "I missed you..." he whispered. Ngumiti na lang ako at tinapik ang likod niya. "Tara na sa loob." pagyaya ko rito. Pagpasok namin sa loob ay naabutan ko ang mga katropa niyang nagkakagulo. Halos malula ako sa sobrang kalat ng silid, pati speaker ay nakatodo ang volume kaya't talagang mabibingi ka. "Makayla!!!" hiyawan nila. Nginitian ko agad sila at niyakap. "Namiss ka namin, bakit ang tagal mong di nagparamdam?" nakasimangot na tanong ni Yuan. "Oo nga. Pati mga message ko naka-inbox sakanya." umiirap na dugtong naman ni Rhys. "Ah, talaga?" taas kilay kong pang-aalaska sa kanila. Sinimangutan lang nila ako kaya't natawa ako nang malakas. "Namiss ko din kayo. Naging busy ako kaya hindi ko na kayo narereplyan, sorry..." I grinned. They just chuckled and grabbed Van on his arms. "Ano?" singhal nito sa mga katropa niya. "Van..." I mentioned. Agad niya akong nilingon nang nanlalaki ang mga mata. Wala pang ilang segundo ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakalutang sa ere habang ang mga braso niya ay nakapalibot sa aking bewang. "Aylaaa!" natawa na lang ako nang marinig ko na naman ang tawag niya sakin. "Sobrang namiss mo yata ako, Van?" I chuckled. He just nodded and slowly put me down. "Sobra!!!" parang bata niyang tugon. "Awww.... I missed you too." I smiled sheepishly. Agad namang suminghap ang mga katropa niya at sunod sunod na ang kumento. Ilang oras ang lumipas, napagtanto kong kailangan ko na palang umuwi. I had fun with them. Nagpadeliver sila ng tatlong box ng Domino's Pizza, milktea pati McDo. Nasaid naman lahat ng pagkain, pero yong mga milktea ay halos nakalhati lang namin. "Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Drake habang inaayos yong mga kalat ng katropa niya. Tumayo agad ako at tumango bilang sagot. "Oo... maga-alas syete na din kasi, delikado na sa daan." ani ko habang tumutulong sa pagliligpit ng kalat. "Ihahatid na kita." he stated. "Hindi na, kaya ko na naman." I smiled at him to reassure him I'm fine by myself. "Ok, sige... basta ingat ka." paalala niya. Tumango na lang ako at nagpasalamat. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit kaya natawa ako. "Makayla....." he mentioned. "Hmmm?" "I just want to tell you that..... either with chance or none, liligawan pa din kita. Hihintayin ko na dumating ang araw na mamahalin mo na din ako kagaya ng pagmamahal ko sayo." he whispered directly to my ears. Ang sarap pakinggan.... pero eto na naman ang pagdadalawang isip ko. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. "Salamat, Drake...." Days have passed, dumating na din ang pinakahihintay kong araw— ang Christmas Party. "Ayoko na ng coke..." rinig kong sambit ni Reigne. "Hati na lang tayo, bawal ako sa coke eh. Pamigay na lang natin itong akin." sambit ko. Tumango naman agad siya at inabot saken ang tira nyang coke. "Kanino natin ibibigay?" tanong niya. "Sa pinsan mo na lang." tugon ko habang iniinom yong coke. "Tara!" mabilis syang tumayo at hinatak ako pababa. Wala pang ilang segundo ay napansin kong nasa harapan na ako ng silid nila Jace. "Ikaw na lang magbigay." ani ko rito. "Ikaw na, sayo to eh." tanggi niya. "Eh!" Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo kung sinong mag-aabot ng coke kay Jace nang biglang bumukas ang pintuan nila at lumabas doon ang inaakala kong girlfriend ni Jace. "Ate Myles...." bulong ko. Lumabas din si Jace sa room nila dahil pinapalabas siya ng mga kaklase niya. May narinig pa akong nagsabi na nandito daw ako sa labas kasama ang pinsan niya kaya't ngayon ay nasa harapan na namin si Jace. Hindi ko siya magawang tapunan ng tingin dahil hindi ako sigurado kung handa na ba ulit ako. I gulped when I heard his husky voice again. Damn. "Ano yan?" rinig kong tanong niya. "Coke." sagot naman ni Reigne. "Bakit? Ayaw mo?" kahit di ako nakatingin ay nasisiguro kong nakakunot ang noo niya ngayon. "Ayoko, softdrinks yan eh." sambit ni Reigne. "Pamigay mo sa iba..." tugon ni Jace. Here he goes again, rejecting something from me.... "Akina, Reigne. Ibibigay ko kay—" naputol ang sinasabi ko nang magsalita siya ulit. "Madaming softdrinks sa room, hindi ko na din kayang uminom pa." Using my peripheral vision, nakita kong sa akin siya nakatingin kaya agad akong nailang. Sinenyasan ko si Reigne na umakyat na bago ako tumalikod sakanila. Sa kasamaang palad ay may pumigil sa akin sa pag-akyat. "Wait lang! Picture muna kayo, Makayla!" ani ng isang babae. Tatanggi sana ako pero agad na napako ang paningin ko sa dalawang tao na sobrang sweet sa may hagdanan. Si kuya Gio at ate Myles... Anong meron sa kanilang dalawa? "Tingin dito!" rinig kong sigaw ni ate Marj. Tumingin agad ako sakanya para sana magtanong tungkol sa dalawang tao na naglalambingan sa may hagdan. Agad na tumunog yong phone na hawak niya, senyales na nakuhanan niya na kami ng litrato. That was fast! Hindi ko nga namalayang katabi ko na pala si Jace. Was I too occupied? Ghad! "Ok na! Send ko na lang mamaya." kinindatan pa ako ni ate Marj bago sya tumalikod pero ang paningin ko ay bumalik na naman sa dalawang tao. I thought ate Myles is going out with Jace? Mali ba ako? No way.... ayokong umasa na naman. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD