Kabanata 70
Isang linggo na ang nakalipas mula noong nagkaroon ako ng kahihiyaan dahil kay Jace, and at the same time ay kilig moment with him. Masaya ako dahil onti-unti na kaming nagiging close. Pero, hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit palagi na siyang sumasabay sa amin tuwing break time and lunch time, or minsan kung hindi naman siya nakakaabot ay humahabol pa din siya.
Kagaya ngayon...
"Kumain na kayo?" humahangos niyang tanong. Lumingon agad kami sa kaniya, 'yong iba ay tumango sa kaniya.
"Uh..." bahagya akong tumango. "..ikaw?" halos masampal ko ang aking sarili dahil sa tanong ko. Malamang hindi pa siya nakakakain. Napatingin siya sa akin at bahagyang napanganga. I just bit my lower lips and shook my head.
"Nakakain na din ako." he smiled. Lumitaw na naman ang malalim niyang dimples kaya't naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.
"Anong kinain mo, Yeng?" baling niya sa kaniyang pinsan.
"Sinigang saka kanin." sagot naman ni Reigne.
Habang nag-uusap silang magpinsan ay tumalikod na muna ako sandali at humarap sa mga kaibigan namin. Natawa na lang ako nang mapansin ko ang busangot na mukha ni Angeline habang nakatingin sa hawak niyang salamin.
"Ano? Tuloy ba tayo sa birthday ko?" she raised her right brow. Nagbikit-balikat na lamang ako bilang sagot, hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko.
Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na bench at naupo. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko habang nagmamasid. Our campus is definitely fine, wild nga lang 'yong ibang students. Ang iba naman ay isip-bata pa din kahit mga highschool na, kaloka!
"Aray!"
"Ay, tae!"
"Ang sakit!"
Napangisi na lang ako kasabay nang pag-iling habang pinagmamasdan ko ang isang grupo ng mga estudyante na naghahabulan. Malamang nasaktan sila, ikaw ba naman ang madapa, eh.
"Jace!" rinig kong pagtawag ng isang babae sa lalaking gusto ko.
It was ate Myles' voice. Lumingon ako sa gawi nila at gamit ang kaliwang kamay ko ay hinawi ko ang buhok ko na nililipad ng hangin. I arched my eyebrows while staring at them. Nakangiting lumingon si Jace sa kaniya at sinalubong ito ng yakap.
Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko ngunit nanatili pa din sa kanila ang tingin ko. It feels like my eyes were glued on them, hindi ko magawang alisin sa kanila ang tingin ko lalo na nang marinig ko ang tawanan nila hanggang sa aking puwesto. Kung sabagay, malapit lang naman ako sa kanila.
Palakas nang palakas ang tawanan at asaran nila, kasabay noon ay ang patuloy na pagbigat ng dibdib ko. Hinampas ni ate Myles ang dibdib ni Jace kaya't bahagya itong napaatras, kasabay noon ay ang pagtingin niya sa aking gawi. Nagtama ang paningin naming dalawa pero pawang napako ang aking tingin sa kaniya dahil hindi ko ito magawang iiwas sa kaniya kahit aminado ako sa sarili ko na nasasaktan ako.
Nagseselos ako...
"Grabe, ang bilis ng panahon! Malapit nang mag-December."
"Oo nga, parang kailan lang first day of classes pa lang. Tapos ngayon, naka-5 months na tayong magkakasama."
Naririnig ko ang usap-usapan ng mga kaklase ko habang busy ako sa pagsusulat. Napailing na lamang ako at bahagyang napangisi, malapit na matapos ang school year, pero 'di ko pa din nakukuha ang gusto ko. Hindi ko pa din nagagawa ang dapat kong gawin. Habang madaming bagay na pumapasok sa aking isipan ay bigla akong nakaramdaman nang pagkahilo. I suddenly stood up and I was about to run out of the room nang malaglag bigla ang mga notebook ko. Alright, I'm so clumsy. Pinulot ko isa-isa ang mga 'yon hanggang sa napatigil ako, isang bagay ang nakaagaw sa aking atensyon.
➰My Oplan List with Him➰
Isang notebook na ginawa ko last Intrams. Pinatunog ko ang aking dila at dali-daling inilagay ang notebook sa bag. Tumakbo na agad ako pababa at dumiretso sa restroom.
"Aaack."
Sunod-sunod akong napalapit sa lababo habang inilalabas ko ang mainit na bagay sa aking sistema.
"Aaack!"
Bakit pa ba kailangang bumalik nito? This illness I have seriously sucks. Akala ko noon tapos na, akala ko wala na. Pero, sh*t lang! Bakit kailangang magpabalik-balik nito?
I stared at myself through the mirror, marahan kong hinawakan ang magkabilang gilid ng aking pisngi. Kasabay nang paghapdi ng aking mga mata ay ang paglandas ng luha ko mula sa aking mga mata. I messed my hair and washed my face.
"Kailangan niyang lumayo dito!" rinig kong sigaw ni daddy mula sa kuwarto nila ni mommy.
"Matagal ko nang sinabi sayo 'yan, hindi ka nakinig." tugon ni mommy. Napakunot na lamang ang aking noo dahil sa pagtataka.
"Dahil hindi pa ganito ang sitwasyon noon!" dad continued yelling.
Gusto ko sanang pumasok at magtanong kung anong nangyayari pero sa palagay ko ay mas maiging ako na lang mismo ang tumuklas noon.
"Napapadalas ang pag-uwi niya nang late, madalas na siyang lumalabas at gumagala kasama ang barkada niya. Nakalimutan mo na bang 'yan din ang muntikan nang nagpahamak noon kay Julian?" patuloy na pagsasalita ni daddy.
I shut my mouth and listened intently to what they're talking about. Julian is my brother, siya ang pangatlo sa aming magkakapatid.
"Noon pa 'yon! Ayokong maramdaman ng anak natin na ibang-iba siya, ayokong maramdaman niya na marami siyang bawal gawin. Ayokong pahirapan ang anak natin, Marko!" bahagya kong naaninang ang pag-iling ni mommy.
Kahit hindi ko masiyadong naiintindihan ang pinaguusapan nila ay nagawa pa ding humapdi ng mga mata ko na animo'y may sariling isipan.
"May sakit si Makayla, Maria! Hindi siya katulad ng ibang bata na puwedeng gawin kung ano ang gusto nila. Naiintindihan mo ba 'yon?!" hindi pa din kumakalma si daddy.
Napatakip ako sa aking bibig kasabay nang pagtulo ng aking mga luha. Ayun na 'yon? Kailan nila balak sabihin sa'kin ang tungkol sa sarili ko? F*ck! Kaya ba madalas akong nagsusuka? Ok sana kung 'yong kinain ko ang isinusuka ko, eh. Pero hindi, I'm vomiting what I lack. I'm vomiting a sh*tty blood!
"It's either she'll continue her studies on our province, o ipapasundo ko siya kay Julian. Mamili ka, Maria."
Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko. Sapat na muna siguro 'yon para sa araw na 'to. I shook my head while running as fast as I could palayo sa silid na iyon. I locked my door and messed my hair.
They want me to lose myself, aren't they? Alam nila na ito ako, alam nila na nandito ang buhay ko. Bakit kailangan pa nila akong ilayo mula dito? Naiinis ako sa kanila, pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong sa huli ay sila pa din ang kakailanganin ko. Ang mga tao na kinakainisan ko.
Kapag napagkasunduan nila na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa aming probinsya ay makakasama ko ang mga pinsan ko. Kapag naman ipinasundo nila ako kay kuya Julian ay mapapalayo ako nang husto dahil nasa ibang bansa siya. Kahit anong piliin nila, it still means one thing... they are keeping me away from my home. My friends? They are my damn home. Darn it!
Alam kong gulong-g**o na ang itsura ko sa mga oras na 'to, magulo din naman ang buhay ko, eh. What's the difference? I heaved a sigh and wore my mask.
A jolly Makayla....
As soon as I went out of the restroom, naramdaman ko kaagad ang mainit na bagay na bumalot sa aking braso.
"Let g—" I wasn't able to continue what I was saying when I realized who's holding me. "Uh, kuya Jace." I faked a smile.
Hindi na ako nagulat noong hindi 'man lang siya ngumiti sa akin o ano. He just kept on looking at me with his deep stares. I must admit, sanay na ako sa ganitong awra niya. Pero hindi pa din ako sanay na ganito kaming kalapit sa isa't isa.
"You cried." he stated. Napangisi na lang ako at umiwas ng tingin.
"I didn't." I denied. The more he states the obvious, the more I deny it.
"You did."
"No, I didn't." madiin kong sambit.
"Alright. Then, why the hell is your eyes swollen?" kasabay nang pagdiin ng bawat katagang binitawan niya ay ang pagbaon ng aking braso sa kaniyang palad. Humihigpit ang hawak niya sa akin.
"Masakit." mahinang sambit ko habang nakatitig sa palad niyang nakahawak sa braso ko.
Ang kaninang nag-aapoy niyang mga mata ay kaagad na tumamlay. Binalot iyon ng pagsisisi at lungkot.
"Damn!" he was about to hit something so I closed my eyes. Galit siya!
Bumigat ang paghinga ko kasabay nang pag-ugong ng aking paligid. I didn't feel the presence of his fist so I slowly opened my eyes with my jelly-knees. Nanginginig pa din ako nang bumukas ang aking mga mata. Our eyes met and he heaved a sigh. His warm right hand travelled from my side to my back.
Akala ko ay kung ano lamang iyon ngunit napasinghap ako nang pumulupot din ang kaliwang kamay niya sa aking katawan gaya ng kanan niyang kamay. He pulled me close to his body and I felt his warmth. God knows how happy am I at this moment. 'Yong lalaki na noon ay pangarap ko lang, ngayon ay nakayakap na sa akin. He rested his chin on my shoulders and I can still feel his heavy breathing.
"You were jealous." biglang sambit niya sa gitna nang pagdama ko sa mainit niyang yakap.
I bubbled my cheeks and rolled my eyes kasabay nang paghiwalay niya sa yakap. I just made a face at him and gently punched his chest.
"You bet." nilabas ko ang dila ko at tumakbo na ako pabalik sa aming silid. Tatlong hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang tumawa siya bigla kaya't lihim akong napangiti.
"I bet you were."
*****