"Makayla, gising na!" for the hundredth time, I heard my mom's voice waking me up.
I arched my back. "5 minutes..." I uttered, still sleepy.
I heard her sighed. Akala ko'y umalis na sya, not until I felt the coldness wrapped around me. "Bangon na! May bisita tayo, Makayla!" she yelled.
I looked down, inalis nya pala 'yong kumot ko kaya lumamig. "Alright... fine!" I bubbled my cheeks, bumangon ako. Naipadyak ko na lang ang paa ko sa kama, frustrated with whoever visitor we have.
"Grrrr! Nakakainis naman, katutulog ko pa lang for damn's sake!" I hissed, messing my hair out of too much frustration. Inaantok pa ako!
I took my phone to check the time, it's 7:30 in the morning. Napabuga na lang ako sa hangin, I wasn't able to get enough sleep. Nagkaron kami ng misunderstandings ni Josh kagabi, we were not able to fix it right away dahil busy ako kagabi sa pagtapos ng powerpoint ko at sya naman ay nagrereview. Nakapagusap lang kami ng maayos nong natapos na kami sa ginagawa namin, he called me as soon as we both had free time.
"MAKAYLA!"
I heaved a sigh. "Wait! Give me time to fix myself, ghad!"
I sent a goodmorning message to Josh before I went to the bathroom. I took a quick shower, nag-ayos ako ng sarili ko bago ako naghanap ng susuotin. They won't wake me up kung hindi naman importante 'yong bisita, so I assume na mahahalagang tao 'yong nasa labas ngayon. I ended up with an orange lace-up side pleated skirts and white knitted off shoulder.
I checked my phone to see if Josh already replied, walang bumungad na chat pero online sya. I bit my lips, nakakainis 'tong isang 'to. It has been three months since we made 'it', matagal na rin nong huling beses kaming nagkasama. I wasn't able to drop there dahil sa sobrang busy, kahit weekends ay marami akong ginagawa. Ilang beses na syang nagtampo, gumagawa naman agad ako ng paraan para mawala 'yong tampo nya. It wasn't easy, sa una lang madali ang long-distance relationship pero sa paglipas ng mga taon ay pahirap na 'yon nang pahirap.
I heaved a sigh, naabutan ko sa salas sila mommy na kausap 'yong mga bisita nila. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ko ang isang pigura ng lalaki, he seems familiar.
"Andyan na pala si Makayla." puna ni daddy, I just gave them a smile.
"Goodmorning." I greeted. Umupo ako sa bakanteng couch, still looking at the familiar guy.
Dad called my attention, introducing the visitors. "Makayla... tita Jessa mo at tito Vince, old friends namin ng mommy mo."
I just gave them a smile, nakangiti din naman sila sakin so it's not that awkward. Bumaling na ulit ako don sa lalaki, he really looks familiar.
He arched his brows, animo'y sinusuri din ako. "Wait." his eyes widened. "Makayla? Oo, tama! Ikaw 'yon! Ikaw 'yong junior sa field natin diba?"
I raised a brow. "Hindi na ngayon." I gave him a fake smile, I was a junior at our field once pero 'di na ngayon.
He offered his hand for shake hands. "Jarvis." he smiled, showing his dimples. Kumunot ang noo ko sandali, imposible 'yong iniisip ko.
Nanliit ang mga mata ko, I turned my gaze somewhere. "Kilala mo na ako." I forced a smile before standing up. I was about to take steps away when my mom called me.
"Oh, saan ang punta nyo, Makayla?" she asked. Kumunot ang noo ko, nagtataka. Lumingon ako, I saw him behind me na animo'y susundan ako.
"I'm about to go sa bahay nila Cindy." I shrugged. "Ako lang, ma." mariin kong sambit para malaman niyang hindi ko isasama 'tong lalaki na nasa likuran ko.
Kumunot ang noo ni mommy. "Ikaw, iho... saan ka pupunta?"
I had no plans of listening to his whereabouts so I took steps away, nasa may pintuan na ako nang mapatigil ako.
"Sasama po sana kay Makayla." he uttered, seryoso sya.
"Wow." I gasped. Who the fvck gave him a permission to go with me?
"Makayla." pagtawag sakin ni mommy.
"Ma, I have other plans. Aalis po pala ako, I can't accompany him." I turned my gaze at that guy. "Sorry."
"Makayla—"
"Daddy, may lakad po ako." I gave him a smile, bumaling ako sa mga bisita nila. "Una na po ako."
I opened my phone nang makalabas na ako, halos manlumo ako nang mapagtanto kong wala pa ring reply si Josh. Lagi na lang ganito, online sya pero 'di ako nirereplyan. Damn it!
"Ganda ng araw, wag mong simangutan" halos mapatalon ako sa gulat, I saw Jarvis by my side.
I clenched my jaw. "Do you have plans of giving me a heart attack?" I hissed. "Huwag mo nga akong sundan."
His jaw dropped. "Ay, assuming ka? Hindi kita sinusundan." he smirked. "I have plans... di ka kasama don."
"Ow?" my brows arched, kapal naman netong kumag na 'to. "If you say so..." I shrugged.
May dumaang audi sa harap namin, kulay itim. I assumed it was my cousin's car, 'di naman ako nagkamali. Huminto 'yon sa harapan namin, I quickly opened it and went inside. Napanganga na lang ako nang pumasok din si kumag. I crossed my arms on my chest out of frustration.
"Pre!" sambit nya sa pinsan ko.
"Oy, Harvest!" tugon ni Jarred. My jaw dropped.... Harvest?
I turned my gaze at them. "Harv— what?"
Jarred chuckled. "Harvest, Makayla... first gen sa hood natin." he looked at me through the rearview mirror. "Nagkita na pala kayo."
"HARVEST?!" I exaggerated. "Ikaw 'yong snobber sa hood diba?" I dropped my jaw.
"Hindi ah, namamansin kaya ako." he chuckled. "Never knew na ang napakaingay na Makayla sa hood ay ganto kasungit sa personal."
I heaved a sigh, still processing everything. "Bruh, I don't talk to random guys." I rolled my eyes. "So, tell me... who else from our hood have you two already met?"
My cousin shrugged, still focused on the road. "Girlfriend ko... pati 'yong ibang first gen." he uttered, I nodded.
"Kasama ko si Glyde kagabi." tugon naman ni Jarvis.
I uncrossed my arms from my chest, offering my hand to Jarvis. "Makayla..." I smiled a bit.
"Jarvis." he smiled, enough to show his dimples.
Nakarating kami sa mall, nasa gitna nila ako. Paminsan-minsa'y inaakbayan ako ni Jarred kapag may mga tumitingin sakin. He's still protective, walang pinagbago.
It was fun to be with them, nag-skating kami and arcades. Nagsukat pa kami ng kung ano-ano sa stores pero hindi kami bumili. We even swapped outfits, nagmistulang mga tanga lang kami but at least we were able to enjoy this day. May picture kami ni Jarvis na pinost ko sa IG story ko. Pagtapos namin kumain ay bumili muna ako ng ibibigay ko kay Josh next week. I'm planning na umuwi sakanya after my powerpoint presentations, kailangan kong bumawi sa boyfriend ko.
Habang nasa kotse kami pauwi ay nagbeep ang phone ko, I checked my notifications. Nagchat pala sakin si Josh.
Josh: Where's my baby?
Napangiti ako sa chat nya, he always treat me as a baby.
Ako: I'm here.... I miss you. U busy?
Josh: Hindi na po. Nandito kanina 'yong mga kaklase ko, may tinapos kami para sa reporting bukas.
Ako: Nakapagpahinga ka na ba? U should rest. Kain ka na maya-maya ha.
Josh: Baby....
Ako: Po?
Josh: I miss you... kelan ka uuwi sakin?
Ako: I miss you too. Uuwi po ako sayo next week :)) I love you!
Josh: Seryoso ka? Uuwi ka na sakin?
I chuckled, ang cute nya magreact parati.
Ako: Yes po, wait mo baby mo ha.
Josh: I love you.
Ako: Baby, lumabas nga pala kami ng pinsan ko kanina. Kasama namin 'yong ka-hood namin na si Jarvis.
Josh: Kita ko nga sa IG story mo, sino 'yang Jarvis?
Ako: Friend ng pinsan ko.
Josh: Ah HAHA.
Ako: Nagseselos ka ba?
Josh: Hindi, bakit naman? Bat ako magseselos don, ini-story mo lang naman sya sa IG. Oo, boo... di ako nagseselos.
My eyes widened, napahagalpak ako sa tawa. Naramdaman kong nilingon ako nong dalawa pero binalewala ko na lang sila. Oh, ghad! Hindi raw sya nagseselos pero kung makapagreply kala mo may pinapahiwatig.
Ako: I love you! HAHAHAHAHA okay, baby... di ka po nagseselos. Di halata, onti lang naman HAHAHAHA.
Josh: Tch! Kain ka na maya-maya... kain lang po ako.
Ako: Wag na magselos boo, ka-hood lang namin 'yon. Papakilala ko sayo soon para 'di ka na magselos sakanya, ha? Anyways, jgh! Eatwell, baby... I love you. Call ka mamaya pag free ka na ha.
Josh: I love you.
Pagpasok namin sa bahay ay naabutan naming kumakain sila mommy, seryoso silang naguusap-usap na tila ba'y napakaimportante ng pinaguusapan nila.
Napansin kami ni daddy, he waved his hand at us. "Sakto ang dating niyo... sumabay na kayo samin kumain."
Kumunot ang noo ko, this is unusual. Gusto nila kaming kasabay kumain kahit may pinaguusapan sila na mukha namang importante. Naramdaman kong tinapik ni Jarred ang balikat ko, he pulled me towards the table. Wala na akong choice kundi sumabay sakanila, nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila.
"Plano namin na ibenta 'yong lupa sa kabila, Makayla won't need it." sambit ni mommy, she took a sip on her tea.
Napangiwi na lang ako, wala akong naiintindihan sa pinaguusapan nila. Nagkunwari na lang akong busy sa pagkain kahit 'di ko naman talaga madigest ng ayos 'yong mga kinakain ko.
"Sayang naman 'yon kung ibebenta nyo, malaki din 'yon... magagamit ni Makayla kung sakaling gustuhin nyang magpatayo ng sariling bahay dito." tita Jessa uttered, shrugging her shoulders.
Dad chuckled, wiping the corner of his lips with a tissue. "Magpatayo ng sariling bahay..." tatango-tangong natawa si daddy. "Di naman imposible lalo na't spoiled 'yan sa mga kapatid nya... pero kung si Makayla mismo ang tatanungin, hindi yan papayag na magpatayo ng sariling bahay dito." mahabang lintaya ni daddy bago sya bumaling sakin. He winked at me, nagkaron agad ako ng ideya dahil don.
Napansin kong nakatingin silang lahat sakin, bahagya akong nailang. "Uh... yes." I chuckled. "May inuuwian naman po kasi ako sa Rizal." I awkwardly smiled.
Ibinaba ni mommy ang mga hawak niyang kubyertos, she's done eating. "She has life there, after nya magcollege baka don na nga mamalagi 'yang batang 'yan." naiiling na anito ni mommy.
"Really?" bumaling sakin si tito Vince. "May boyfriend ka don, iha?"
I took a glass of water, naiilang ako sa ganitong usapan lalo na't 'di ko naman sila kaclose. "Meron po." I smiled a bit.
"That explains why...." tita Jessa nodded, animo'y naunawaan na ako. "Gaano na kayong katagal?"
"Years and months..." I shrugged, I won't answer it directly. "Still counting po." I awkwardly smiled.
"Anyways, gusto ng kuya ni Makayla na ikuha sya ng condo or ipagpatayo ng sariling bahay sa Rizal. You know... advantages of being a bunso." tumatawang sambit ni mommy.
My eyes widened, palihim akong napangiti. Oh, ghad! I hope this isn't a dream, gusto kong manatili na ulit sa Rizal. They were about to talk to me kaso nagring ang phone ko na nasa table, I excused myself right away. Dumiretso ako sa kwarto bago ko sinagot 'yong call, it's Josh.
"Hi, baby..." I uttered as I sat on my bed.
[Gusto kitang makasama...] his husky voice made me smile, lalo na 'yong sinabi nya.
"I miss you, boo... wait ka lang, uuwi na ako sayo." marahan kong sambit.
I grabbed my laptop from the desk beside my bed, pinasadahan ko ulit ng tingin 'yong powerpoint ko to check if I was able to finish everything last night.
There was a silence between our lines, not until he broke it. [Sinong madalas mong nakakasama dyan?] he asked.
"New friends." I shrugged, though he won't see that. "Saka nga pala... nandito na sila Lazh, kasabayan ko rin naman sa pagpasok 'yon." I informed him.
[Kasama mo ngayon?] tanong nya.
"Wala dito ngayon, nandon yata sa bahay ng mga pinsan ko." I chuckled. "Hilig mangapitbahay eh."
He heaved a sigh, rinig ko 'yon mula sa kabilang linya. [Naiinggit ako...] he uttered, tumaas ang kilay ko.
"Saan?" I laughed. "Mangapitbahay ka rin dyan."
[Sira!] he chuckled. [Naiinggit ako sakanila... nakakasama nila ang baby ko.] I can sense na nakapout sya ngayon kahit 'di ko makita, natawa na lang ako.
"I'll just finish my last year here, sayo na ako uuwi parati." bahagyang sumibol ang ngiti sa labi ko nang maalala ko 'yong pinaguusapan nila mommy kanina sa hapag. "Or maybe... ikaw ang uuwi sakin." I shrugged a bit.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may ilang error sa powerpoint ko, minadali ko na 'to kagabi eh. I think magpupuyat nanaman ako ngayon para ayusin 'to.
[Boo...] he called.
"Hmm?" my brows arched, still focused on my powerpoint.
[Pakasalan na kaya kita?] he joked in serious tone. Napasinghap ako, excited pa nga!
"Di na ko tatanggi, hingin mo na kamay ko sa magulang ko." gatong ko pa. Sabay kaming natawa, imposible pa 'yon sa ngayon.
[I love you.] seryosong sambit nya.
Napangiti ako, naglalambing nanaman sya. "I love you so much."
[Habang buhay tayo ha?] I heard him clicked his tongue. [Walang mang-iiwan, boo... tayo na habang buhay.] he sincerely uttered.
"Tayo na habang buhay." I won't deny it, wala akong makitang dahilan para maghiwalay pa kami.
Sobrang stable ng relationship namin at ramdam kong parehas kaming committed sa isa't isa. Ayokong gumising isang araw na wala ng Josh Gomez sa buhay ko, he's already part of me.
[Boo... pakakasalan kita.] he stated, napangiti na lang ako.
"Oh?" I chuckled. "Sige, hihintayin ko 'yan." nanliit ang mga mata ko, animo'y naghahamon sa kausap. Though, mukha akong tanga dahil 'di nya naman ako nakikita.
He chuckled. [Hihintayin kita, Makayla.] he sighed. [Mahal kita.... Sobrang mahal kita, boo.]
"Kumain ka ba ng keso?" pang-aasar ko, cheesy nya kasi ngayon. I chuckled when he 'tsk-ed' from the other line.
[Epal!] he hissed.
Natawa na lang ako. "I love you so much! Matulog ka na maya-maya ha... I'll just retype my powerpoint, may mga error kasi argh! Goodnight, baby... I love you."
[Huwag mo muna end, boo. Gusto pa kitang kausap...] parang batang sambit nya. I bit my lips, preventing a laugh.
"Okay... sabihan mo ko pag antok ka na ha. I love you."
Ilang oras kong inayos ang powerpoint ko, may mga kulang pa pala akong natype kagabi. Buti na lang napansin ko ng maaga, at least naayos ko na. Paulit-ulit lang na binabanggit ni Josh na mahal nya raw ako mula sa kabilang linya, buong oras na nagaayos ako ng powerpoint ay nakangiti lang ako. Dumadaldal pa sya habang may ginagawa ako, hindi sya naubusan ng kwento. Lahat ng nangyari sakanya buong araw ay binanggit nya sakin, pati 'yong mga ganap nila sa ML ay kinuwento nya rin. I don't know why he's like that today, baka miss nya lang talaga ako. Hindi naman kasi sya madalas dumadaldal, ako parati 'yong madaming kwento saming dalawa.
[Antok na ko, boo...] he childishly told me, I chuckled.
"Okay... let's sleep. Saktong katatapos ko lang sa ginagawa ko." I updated him.
I placed back the laptop on my desk, tahimik na ulit ang linya sa pagitan naming dalawa. Walang nagtatangkang magsalita. I started humming, madalas ko syang kinakantahan bago matulog.
I don't know why I'm drawn to you,
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract
[I love you.] pagsingit nya, napangiti na lang ako at tinuloy 'yong kanta.
You and I
Could be like Sonny and Cher,
Honey and bears...
You and I
Could be like Aladdin and Jasmine...
Let's make it happen~
"Let's make it happen, Josh. Goodnight, baby... I love you so much."
******