Sa pagdaan ng mga araw ay hindi ko pa rin magawang sabihin kay Josh 'yong pag-alis ko. Masaya kami, I don't have the guts to ruin the vibes. He's sitting next to me, nakangiti habang nakatingin sa harapan. I will miss him... I will miss everything about him.
He turned his gaze at me. "Crush mo nanaman ako, Kayls..." he shook his head.
I smirked. Bumilog ang mga labi ko dahil sa pagkamangha. "Oh? Asa." pabiro akong umirap. I stood up, sumunod naman sya.
"Canteen ka?" he asked.
I shook my head. "Tao pa rin." I shrugged. He glared at me, humagalpak ako sa tawa. "Mais ko, bakit ganon?" I pouted.
My eyes widened when he suddenly pulled my ID, 'yong lace na lang ang natira sakin. I glared at him, tumakbo sya palayo habang tumatawa. Parang bata naman talaga, tsk!
"Balik dito, hoy!" I yelled, hinabol ko sya. "Bwiset ka?"
Nagpatuloy sya sa pagtakbo, winawagayway sa hangin 'yong ID ko. I raised my brows, muntikan na syang matisod. He stopped running, lumabi sya sakin. Humagalpak ako sa tawa habang naglalakad palapit sakanya.
"Tanga." I uttered, still laughing. Lalong humaba ang nguso nya, I gave him a smack. "I love you... akina 'yang ID ko." I chuckled.
The whole day went so smooth, puro asaran saka pikunan ang naganap samin ni Josh. Gusto ko lang sulitin bawat oras at araw na kasama ko sya.
"Makayla." my brother called me. I clicked my tongue as I turned my gaze at him.
"Goodafternoon, kuya." simpleng pagbati ko.
He nodded. "About sa pag-uwi niyo—"
I cutted him off. "Wala ba talaga akong choice, kuya?" I tried to hide my tears.
He shook his head, I lost my chance. I was about to leave but he suddenly spoke. "Di mo kailangang mamili, you'll stay here. Nakausap na namin si mommy, she already decided... hahayaan ka nyang magstay."
Sandaling nagprocess ang isip ko, he says what?! "I'm staying?" my eyes widened. He chuckled as he nodded.
"Yes, baby..." he went near me. "Hanggang matapos mo ang grade 10."
"Grade 10..." I nodded, pakiramdam ko'y nanghina nanaman ako. Pero mas okay na 'yon, sapat na siguro 'yon para masigurong matatag na kami ni Josh sa mga panahong 'yon. Kaya na naming harapin lahat ng challenges samin.
I remembered something. "Kuya... favor." I uttered. He nodded at me, signalling me to go on. "Huwag nyo munang babanggitin 'to kay Josh... ako mismo ang m-magsasabi sakanya."
"If that's what you want..."
After we talk, nag-ayos na ako sa kwarto to finish my assignments. My phone rang habang nasa kalagitnaan ako ng pagtapos sa ginagawa ko.
[May ginagawa ka?] he asked. He opened his camera, ganon din ang ginawa ko.
"Tinatapos ko lang 'yong assignment sa Math... ikaw, may ginagawa ka?" I setup the phone beside the laptop.
[Nagpapahinga lang, mamaya ko pa gagawin 'yong assignment.] he chuckled.
"Take a rest... huwag na munang magbabad sa phone, Josh." seryosong sambit ko habang nagcocompute.
[Ganda mo...] he stated, seryoso sya. Bumaling ako sa screen, naabutan ko syang nakangiti. [Ganda ng baby ko...]
"Bolero!" I chuckled, he raised his brows.
[Di kaya... seryoso ako. Ay, wala tayong tawagan...] he pouted. Kumunot ang noo ko, meron naman ah?
"Baby..." nagtatakang tugon ko. "Meron ah? Baby nga diba..." I shrugged.
[Common na 'yon.] he rolled his eyes. I raised a brow, napakaarte!
"Arte neto... babae ka ba, huh?" I laughed. "Ano bang gusto mo?"
[Hmm... boo?] his lips curved upwards. [My boo...]
"Wews." humagalpak ako sa tawa. "Okay, boo..." lumiit ang mga mata ko, nang-aasar.
[Tch! Ganda kaya...] he pouted.
"Opo na... tatampo ka pa dyan, eh." I chuckled. "I love you."
He was talking the whole time I finished my assignment. I stood up and grab my guitar, bumalik ako sa kinauupuan ko and showed myself in front of the camera.
[Kakantahan mo ako?] he smiled. I shrugged, sinimulan kong mag-strum. [Haharanahin mo ako?]
I stopped strumming. "Daldal mo, osigi ikaw na maggitara." pabiro akong umirap.
[Biro lang, ih! Nagtatanong lang naman...] he made a sad face. Natawa na lang ako at nagstrum muli.
So... baby, I will wait for you.' Cause I don't know what else I can do, don't tell me I ran out of time...
If it takes the rest of my life.... Baby, I will wait for you....
If you think I'm fine it just ain't true, I really need you in my life....
No matter what I have to do, I'll wait for you.
I ended the song as I stopped strumming. I stared on the screen, naabutan ko syang nakatitig lang sakin. "I love you." I uttered, almost a whisper.
He chuckled. [You'll wait for me? Sino bang aalis... 'di naman ako aalis.] he pouted. [Sarap pakinggan ng boses mo, boo....]
"I love you so much." I smiled.
Months have passed, okay kami ni Josh. We celebrated Christmas and New Year with our fam. Nong Christmas ay nasa bahay namin sya simula umaga, tapos nong gabi na ay nagpunta kami sakanila. Ganon din nong New Year, the only difference is that.... magkakasama na kami non. Pumunta sa bahay namin ang family ni Josh to celebrate the New Year with us.
We've been together for five months already, napakabilis ng panahon. Ilang araw na lang ay magsi-six months na kami, last month ay wala masyadong ganap dahil after New Year ay examination week agad ang bumungad samin pagbalik sa school.
I looked around, everyone's busy with the preparation for the upcoming competition. Intrams week na namin, wala na masyadong problema sa acads.
"Makayla, tara dito!" rinig kong sigaw ni Zette, kumunot ang noo ko.
"Bakit?" I asked.
She shook her head, winawagayway ang kamay sa ere. "Basta! Samahan mo ko, mag-aayos tayo sa marriage booth."
"Papatulong ka lang pala, ih!" I laughed. "Tara..."
Kumunot ang noo ko habang naglalakad kami, patuloy syang ngumingiti na animo'y nagpipigil ng kilig. Nakasalubong ata nito 'yong crush nya kanina, ang saya nya eh.
"Oh, ayos na pala 'tong booth. Ano pang aayusin natin dito?" takang tanong ko.
She shrugged. "Ikaw."
"Ako?" napangiwi ako. "Sabog ka ba?"
She grinned, nakatitig sya sa harapan. I turned my gaze in front, my eyes widened when I saw Josh. Akala ko nasa taas siya? May laro sila, eh.
I went to him. "Bakit ka andito? Tapos na laro niyo?" nagtatakang tanong ko, he just shrugged.
Huli na nang mapagtanto kong nasa tapat kami ng table na may libro saka bulaklak, may upuan din sa gilid namin.
"Huy, may ikakasal ata... tara don." I tried to pull him, kaso hinatak nya rin ako kaya di ako makaalis. He shook his head, nakatitig samin ang tropa. Puro nakangiti na animo'y nagpipigil ng ngiti, napansin kong nakaangat ang phone nila na tila ba'y nagvivideo.
"Ano bang me—"
"Start na tayo!" tumikhim si Warren, nasa tabi nya si Zette. My lips parted, 'di mawari kung anong nangyayari.
"Teka nga... sinong nagpa-marriage booth satin?" I turned my gaze at Josh. He just shrugged.
"Start na kayo." he nodded at them, bumaling sya sakin. "Huwag ka ng madaldal." he chuckled.
Nagsimula na sa pagsasalita 'yong dalawa, nanatili akong nakatayo sa tabi ni Josh. Hinayaan ko na lang sila, nakisakay na lang ako. May binigay silang papel, may nakasulat don na vow. I pouted as I took it, binasa ko 'yon. Sunod na nagbasa ay si Josh, he was glancing at me sa bawat katagang binibitawan nya.
"Singsing na agad!" hiyaw ng tropa matapos magsalita ni Josh. I raised my brows, I was expecting for the plastic ring or 'yong bulaklak na inikot. Ganon kasi 'yong ginagamit namin dati sa marriage booth.
Matagal bago gumalaw si Josh, he was just staring at me. Maya-maya pa'y may hinugot sya mula sa pocket nya, it was a simple box. I dropped my jaw when I realized what it was... a ring box!
"H-Huy... ano 'to?" I gulped, not knowing what to say. He chuckled at my reaction.
"Potcha... pano ko ba sisimulan?" he laughed. "Teka nga!" he clicked his tongue.
"Bawal magmura! Nasa kasalan tayo, pre!" hiyaw ni Dylan, natawa na lang kami.
"Lul!" Josh raised a finger on Dylan, agad kong pinitik ang ilong nya.
"Lagot ka sa girlfriend mo, tol!" tumatawang sambit ni Jed.
"Hoy, g na! Antagal... kinikilig na kami, eh." pag-aalburuto ni Angel.
Josh turned his gaze at me. "Makayla." he heaved a sigh. "Sht! Di ko talaga alam pano magsisimula, pero sige... Makayla Cy, nagsimula sa pagiging katropa.. 'di ko inexpect na aabot tayo sa ganito. Ilang araw na lang, six months na tayo... we lasted for almost 6 months, and I know we'll last forever. Baby, nong dumating ka hindi ko alam kung pano iiwasang mahulog, 'di ko alam kung pano pipigilan 'yong nararamdaman ko para sayo. Hindi ka mahirap mahalin... napaka-worth it mo pang mahalin. Kapag may sakit ako, inaalagaan mo ako. Kapag pasaway ako, nagagalit ka. Kapag inaasar kita, madalas pikunin ka... minsan sumasakay ka sa pang-aasar ko. Kapag gusto kong maglaro, minsan sinasamahan mo ako kapag di ka busy. Kapag naglalaro ako ng basketball, andon ka lagi para suportahan ako't alagaan... damn, Kayls! Napakarami na nating napagsamahan sa loob ng limang buwan... almost six." he heaved a sigh.
"Josh..." my eyes were teary, pakiramdam ko'y maluluha na ako anytime.
"Hindi pa ako ready sa commitment, but there you are... hinintay mo ako. Nagtiis ka sa mga ugaling meron ako, hindi mo hinanap sa iba ang mga pagkukulang ko. Thank you, baby... thank you for staying. Halos araw-araw tayong nag-aaway, sino bang mag-aakala na tatagal tayo?" he chuckled. "Drama, pwe! Di ko na patatagalin 'to... nanonood ang mga kumag, eh."
"Aba, hoy—" hindi natapos ni Warren ang sasabihin nya, nagsalita na ulit si Josh.
"Sa ngayon... promise ring lang muna ang mabibigay ko sayo. Soon... engagement ring na ang isusuot ko sayo tapos wedding ring." he chuckled, he took my hand. "Huwag mo akong iiwan... huwag na huwag. Kahit anong mangyari, boo... stay with me."
How would I be able to leave you kung ganyan ka, Josh?
He slowly pushed the ring in my finger, he stared at it before he planted a soft kiss on it. He pulled me into a hug... napakahigpit na animo'y ayaw na akong pakawalan.
"I love you so much, Makayla..." he sincerely uttered as he gave me a soft kiss.
"I love you...." I bit my lower lip, tumulo ang luha ko. Humigpit ang yakap ko sakanya, hiding my tears.
******